Chapter 9: Go! Zoey

4.2K 118 0
                                    


Maru's POV

Nasa bar kami ngayon, kasama ko sina Red at Blaze. Hinihintay namin yung isang mokong na nagpatawag at nagyaya nito. Nasan na kaya yun? Tsaka ano na bang ginagawa nun ngayon? Kailangan ko din mag relax ngayon, para naman kinabukasan makakahataw nanaman ako. May laban kasi kami ng maaga sa ibang school bukas, tapos sa hapon naman mag papa meeting pa ako, sa mga officers ko dahil magpapa auditon kami next week. Nakakalanta yun for sure, kasi pagod-pagod yung katawan tapos drain na drain na yung utak mo. Pero okay lang sa akin dahil, kayang-kaya ko pa naman. Tsaka ginusto ko naman ito diba?

"Wala pa ba?" Kunot noong tanong ko kay Red

Halos dalawang oras na kasi kaming nag-aantay sakanya.

"Wala eh" tinaas niya ang cellphone niya na nagsasabing walang reply.

"Loko yun ah, akala ko mag-iinom tayong apat. Minsan na nga lang tayo magkita-kita hindi pa tayo makumpleto-pleto" nakangusong sabi ni Blaze

Nakaka dalawang bote na ako ng alak, pero hindi parin talaga nag tetext or sinasagot ni Jin yung phone niya.

"Pag nakita ko talaga yun, itatapon ko yun sa ilog" tumawa ng malakas si Red

"G*go wag sa ilog!" Napangisi si Blaze "Sa puso-negro nalang" tumawa si Blaze

Mukha natamaan na sila... Nakakalimang bote na sila, at ako papunta palang sa pangatlo.

"Mag kwento ka naman maru" nakangiting sambit ni Red at tumagay pa ito

"Oo nga naman" pagsang-ayon ni Blaze

"Anong ikukuwento ko?" kunot noong tanong ko

"Sex life?" tipid na ngiti ni Blaze

What? Sex life?

"Baka meron ako nun" kunot noong sagot ko sakanya

"HAHAHA, ay wala ba? Kawawa ka naman pala!" tapos tumawa silang dalawa

Mga abnormal talaga kahit kailan oh, nagtanong tapos hindi naman pala maniniwala. Hay

"Ako nga eh" nagbilang sa kamay si Red na akala mong nakarami na "Ulul! wag kami red!" natatawang sabi ni Blaze sakanya.

Basagulero yan si Red, pero pag dating sa babae royal yan este loyal yan. Kapag tinamaan yan sayo, asahan mong hinding-hindi ka niyan iiwan.

"Si janine, kamusta kayo?" nakangising tanong ko

Alam kong wala na sila ni Janine, matagal na pero ito ako at inaasar ko parin siya.

"Ayun patay na" sagot niya at bigla siyang tumawa

Baliw talaga to, parang kahapon lang nakita ko yung janine na yun ah. Kaso may kasamang ibang lalaki, ayoko lang sabihin kay Red na nakita ko siya. Baka kasi abangan niya yun.

"Patay na patay sayo" dagdag ni Blaze at nagtawanan kaming tatlo

"Ako nga nadapa eh, tinawanan ko lang sarili ko eh" at muli kaming tumawa

Napatigil kami sa pag tatawanan namin ng biglang pumasok sa loob ng kuwarto ang tatlong babae. Isa-isang humakbang palapit sa amin ang mga ito, nakakatiyak akong tinable ito ni Blaze.

*SEXY WHISTLE*

Lumapit ang isang babae sa akin na sexy, at medyo kaputian ang kulay nito. Hanggang doon lang ang masasabi ko, dahil ayun lang ang nakikita ko sakanya.

Napalunok nalang ako ng halikan niya ako sa leeg ko.

"Bro, alis muna kami" pagpapaalam ni Blaze na nakaakbay pa sa babae. Tumango nalang ako at inaalalayan siya ng babae dahil pagewang-gewang ito maglakad.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now