A3P17

1.1K 82 4
                                    


-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-

Maine,

Hi, Mahal. I love you.

Sobrang random ba? Pero totoo 'yan. I love you sooo much! Pati ang baby bear natin. Kiss mo 'ko sa kanya please. *kiss kiss kiss* Tatlo para I love you.

Ano lang.. Miss na miss na miss ko na kayong dalawa. Sepanx na siguro ako agad kaya napasulat ako ng wala sa oras. Hindi naman sa may tamang oras para sulatan 'yung mga taong mahal mo, pero alam mo na 'yun! Wala pa akong isang araw dito sa Italy pero 'di ko na agad kinaya.

Anyway, inaayos ko 'yung mga gamit ko kanina nung nakita ko 'yung mga polaroid pictures nyo ni Zac na siningit mo ('wag mo na i-deny) dun sa maleta ko.

Hindi ko napigilang ma-iyak. 'Wag kang tumawa, lagot ka sa'kin pag-uwi ko akala mo ;P

Basta. Sobrang saya ko lang na kayo ang binigay ng Panginoon sa akin. Sobrang saya ko lang na pinagkalooban tayo ng isang bonqui. Sobrang saya ko lang na pinakasalan mo 'ko, na umoo ka noong tinanong kita kung papakasalan mo ba 'ko, na nagbago ang isip mo at minahal mo ako.

Naaalala mo pa ba noon? Ayaw mo sa'kin! Pabebe ka pa, Mahal. Kahit anong gawin kong pagpapacute, 'di mo 'ko pinapansin. Nag-iiwan ako ng surprise gifts sa desk mo pero pinapamigay mo lang sa mga kaibigan mo. Sinusulatan kita ng love letter araw araw pero sayang 'yung tinta ng bolpen kasi 'di mo naman binabasa. Noong first time na binasa mo, akala mo naman galing dun sa hinayupak na crush mong Berting na 'yun (mas pogi kaya ako dun!). Tapos noong magpakilala ako sa'yo, tinawagan mo naman 'yung mga kuya mo para ipagtabuyan ako. Nakakatakot ha!

Naisip kong sumuko na lang, wala naman ding nangyayari. Ayaw mo sa'kin, pero wala eh. Mahal na kita, noon pa.

Pinayuhan ako ni Mama dati na 'wag sukuan ang mga pangarap, 'wag titigil sa pangangarap sa buhay. Buti na lang hindi ako sumuko, buti na lang hindi ako tumigil. Kasi ikaw ang pangarap ko noon. Ngayon ayan ka na. May bonus pa, ang Zachary natin.

Ano ba ang nakain mo noon at biglang nagbago ang isip mo? Ano ba ang ginawa ko at minahal ako ng isang tulad mo? Ang swerte ko talaga. Mahal na mahal na mahal kita. Mahal na mahal na mahal ko kayo ni Zac.

Ayan na nga at napasulat pa ako ng sobrang haba. 'Yung polaroid nyo kasi ng bonqui.. Nagpapamiss kayo! Paano ba magpalit ng picture sa internet? 'Di ko alam. Pag-uwi ko na lang dyan next next week pagkatapos ng mga meeting namin dito.

Ang haba na talaga nito. Tigilan ko na, baka kung ano pa maisulat ko.

Basta, miss ko na kayo agad. Miss ko kayo lagi. I love you and our son.

Date tayo pag-uwi ko. Tayong tatlo. Tapos tayong dalawa naman ;)

Thank you, I love you
RJ

-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
One Two Three DaysWhere stories live. Discover now