PROLOGUE

122K 2K 179
                                    


Third Person's POV

"Maawa po kayo. Wag nyo po ako patayin. Sumusunod lang po ako," nakaluhod na pag mamakaawa ng isang lalaki habang nasa harap niya ang isang magandang babae.

Ito ay may brown na buhok at brown na mata. May hawak itong katana sa kanang kamay na nakatutok sa lalaking nakaluhod.

Nakamasid lamang ang ilan pang kababaihan na masama ang tingin sa kaawa awang lalaki.

"Who sent you here?" tanong niya rito habang nakatingin ng masama.

"Papakawalan niyo ba ako pag sinabi ko?" tanong pa nito habang nanginginig pa sa takot.

Ramdam kasi ang kakaibang awra ng mga kababaihang ito. Kung titignan, lahat sila magaganda, mapuputi at mukha talagang mga anghel na hindi kayang gumawa ng kahindik hindik na mga bagay pero kabaliktaran nila iyon.

Wala silang awa kung pumatay kaya naturingan silang pinakamalakas na mga gangster na naghahari sa buong gangster world. Bukod pa ro'n, tagapagmana rin sila ng isang mafia organization na siya namang pinakamakapangyarihan sa buong mafia world.

"Tss. Just tell us who! Huwag mong sinasagad ang pasensya ko kasi hindi talaga mahaba 'yon!" sigaw ulit ng babae ngunit dahil sa takot, hindi nakapag salita ang lalaki.

Napapikit siya nang mariin at hinawakan ng mahigpit ang katanang hawak saka iwinasiwas iyon sa direksyon ng lalaki. Tumama iyon sa dibdib ng lalaki, napangisi siya sa nakita.

Tinignan niya pa saglit ang bangkay nito at kinuha ang dagger mula sa suot niyang boots. Inukit niya ang 9LQ sa walang buhay nitong katawan.

"Easy Trisha. Puso mo baka malaglag," pang aasar ng kasama niya.

Ang pangalan niya ay GORCELLE TRISHA KIM ang nagpapatawa lagi sa grupo. Magaling sumayaw, magluto at kumanta. Hobby niya ay ang laging pag sayaw pampalipas oras. Magaling rin siya gumawa ng mga bomba at lason.

"Shut up, HERSHEY!" Inis na sabi niya sa babaeng black ang buhok at may light brown na mata.

ABBYGAILE HERSHEY CHOI ang pinakamatangkad sa grupo at mahilig mang asar. Siya rin ang pinaka matakaw. Magaling din itong sumayaw at mag model. Ang lagi niya namang gamit sa mga laban ay bow and arrow.

"Yuck! Trisha naman, why did you pugot his ulo. It's so gross, eww~" nandidiring sabi ng babaeng may pink na buhok at pink na mata.

STEPHANIE DIAMOND HWANG ang fashionista ng grupo. Pinaka maarte at obsess sa pink. Ang lagi naman nitong gamit sa mga labanan ay ang dalawang pistol nito na lagi niyang dala.

"Arte mo Diamond. Tss," sabad ng babaeng morena na may kulay blonde na buhok at may amber colored na mga mata.

SHANELLE KLEA KWON ang pinaka maitim sa kanila. Nagmumukha siyang maitim dahil sa mapuputi ang mga kasama niya. Sexy, magaling sumayaw at prankster. Magaling din siya sa fist fight.

"Unnies uwi na tayo. May pupuntahan pa tayo bukas diba?" mahinhing na saad ng babaeng may black na buhok at gray na mata.

CHRYSTAL MYCA SEO ang pinaka bunso sa kanila o ang maknae. Magalang ito at sobrang inosente pero di mo aakalaing kapag nasa laban, sobrang seryoso. Bugbog sarado lagi sa kaniya ang mga kalaban niya. Ang gamit niya naman sa mga laban ay ang paborito niyang blade knuckles.

Sa mga laban, codenames nila ang gamit nila. Ang codenames nila ay ang mga second name nila dahil tamad silang pumili ng codenames -_-

Sabi pa nga ni Shanelle "Bakit pa kailangan ng codenames? Subukan nilang ikalat kung sakaling malalaman nila ang mga pangalan natin at identity, sisiguraduhin nating bago mangyari 'yon, hindi na siya sisikatan pa ng araw!"

"Alam mo Maknae, para pumayag sila, pa cute ka ng ganito oh," sabi ng babaeng may red hair and light red eyes.

CHARLENE KEILA LEE ang mahilig mag aegyo sa kanila. Mahilig itong mag pa cute dahil cute naman talaga siya. Marunong sumayaw, kumanta. Magaling rin makipaglaban na hindi mo aakalain dahil sa unang tingin mo, para siyang isang maamong pusa na nakakatakot saktan. Master niya naman ang pag gamit ng kahit anong klaseng mga rifle.

"Tss. Pa cute ka naman Charlene eh," saad ng babaeng may purple eyes and purple hair.

JASHIEL DREA LIM. Sobrang ganda niya kaya maraming lalaki rin ang nanliligaw sa kanya. Playgirl katulad ni Stephanie. Pangalawa sa pinaka matakaw pero sobrang payat. Magaling din sa mano manong labanan at hindi mo lubos akalain na sa payat niyang katawan, kayang tumbasan ang lakas ng isang malaking lalaki. Bukod ro'n, siya rin ang inaatasan minsan bilang maging sniper ng grupo. Asintadong asintado, walang mintis ang mga tina-target niya.

"Tss, noisy," hikab ng babaeng may blue na buhok at mata.

ALEXANDRIA JYLE JUNG ang pinaka antukin sa kanila. Mahilig matulog, magbasa ng libro, cold sa di kakilala pero sa mga kasama ay maalagain. Tamad rin at di marunong magluto. May mataas na boses na parang sa sound ng dolphin. Ang all-tech kind of stuffs nila. Protector ng profiles nila at hacker ng grupo.

"Oh, buhay ka pa pala," sabay sabay nilang asar. Nag roll eyes lang ito.

"Haziene, lets go home. I'm tired," saad ni Alexandria sa leader nila.

Ang leader nila ay may pa iba ibang kulay ng mata base on her emotions. Blue if she don't want any emotion to be visible in her eyes, pink when normal, red when angry, green when she's hurt, purple when she's happy and the last, the darkest shade of Red when she's very very angry. That means she's livid.

She is ZIANA HAZIENE (pronounced as HEY-SHI-YEN) SMITH ang pinaka leader nila at pinaka matanda pero maliit. Tahimik, minsan cold, at minsan lang makisama. Snobberang babae.

May mala anghel na mukha pero pag nasa labanan ay nagtataglay ng katangian hindi pang anghel. Madali kang mahuhumaling sa maamong mukha niya dahil talaga nga namang 'di mo lubos aakalain kaya niyang pumatay.

Lahat ng mga mata nila ay epekto ng ginawa sa kanilang eksperimento noong mga bata pa lamang sila. Sa kanila isinubok ang unang proyekto ng mafia na kemikal na itinurok sa kanila. At ang epekto non sa pisikal nilang anyo ay ang pagbabago ng mga mata nila pati ng buhok pero sa kabila noon ay nagkaroon sila ng pambihirang lakas at talino sa pakikipaglaban para maging karapat dapat na pamunuan ang mafia organization nila sa kanilang henerasyon.

Ngunit iba ang naiturok kay Ziana. Laking pasalamat nila nang tinanggap iyon ng katawan ng isang batang Ziana kung 'di ay baka hindi nito kinaya ang lakas ng kemikal na itinurok sa kaniya.

"Let's go," sabi nito sa malamig na tono at naunang sumakay sa sariling sasakyan.

Meet the 9 LEGENDARY QUEENS. The strongest gang in the whole gangster world and also knowns as the SONE MAFIA PRINCESSES.

...

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now