CHAPTER 4: DEMON KINGS

50K 1.3K 72
                                    


Andrei's POV

"Mga dude, may nakasagutan daw ang 9LQ kanina sa cafeteria," balita ko sa mga ungas na kasama ko.

By the way, I'm Andrei Kim, ang pinaka gwapo. Gwapo, mabait, matalino, hot, at gwapo, gwapo gwapo. Oh diba, puro gwapo. Gwapo dahil totoo namang napakagwapo ko talaga. Purong katotohanan at walang bahid ng kasinungalingan!

Ang gwapo ko na ang honest ko pa! Grabe talaga, isa na kong ganap na gwapong honest!

"Oh Zav, 'yung GF mo nakasagutan daw 'yung mga nerds na bagong transfer!" sigaw naman ni Tyler.

Tyler Mendez siya ang mukhang babae sa'min. Bakla ata yan eh. Lagi niya sinasabing manly daw sya. Psh. Joker ang codename niya. Kung bakit 'yon ang codename niya? Mukha niya kasi mukhang joke! Joke, ewan ko kung bakit. Gwapo lang ako pero minsan may mga bagay rin akong hindi alam.

Demon Kings ang pangalan ng gang namin. Ang pumapangalawa sa pinakamalakas na gang sa buong gangster world.

"Dig some info about those nerds James. Now," malamig na utos nito kay James Anderson. Hacker namin. Silent Genius ang codename niya.

"Okay," malamig ding sagot ni James. 'Yan na naman po sila contest nila na palamigan. Psh. Buti pa ko gwapo lang.

"Akala ko chix yung transferees. Nerds pala," sabi naman ni Kit.

Kit Ashton ang pervert at playboy sa'min, iyan bansag sa kaniya ng mga estudyante. Tss, mas gwapo naman ako sa kanya ah. Siya rin pala si negro, siya kasi pinakamaitim samin.

"Oo nga eh. Tss, kala ko pa naman 'yung sobrang ganda at sexy," nag iimagine na sabi ni Zach.

Zachariah Dela Cruz playboy rin at malaki ang tenga. Magaling din mag rap yan, talented naman sabi ng iba pero mas talented ako! Gwapong talented ako, grabe talaga! Thank you Lord!

"Itigil niyo nga yan," sabi naman ni Pandak este Kyle.

Kyle Abellano ang taga saway namin. Pandak yan at pinaka maputi samin. Lumunok yata ng gluta kaya ganiyan. Ako kasi katamtaman lang at natural na natural na kaputian!

"Ang iingay niyo," reklamo ni Clint.

Clinton Ford ang pinaka ulyanin samin. Magaling din sumayaw yan at gwapo rin ayon sa iba pero mas gwapo talaga ako.

"Kumain na kayo oh. Nag luto ako," sabat ni Charles.

Charles Valles ang kwago sa grupo namin. Lagi kasing parang nagugulat sa mata niyang pang kwago. Magaling magluto at kumanta. Pandak rin. Buti pa ako kahit hindi masyadong biniyayaan sa height ay nasobrahan naman sa biyaya sa kagwapuhan!

"'Yun oh. Kaya mahal na mahal ka namin Charles 'e," pambobola naman ni Christian.

Christian Reyes ang pinaka matakaw samin. Malaki rin eye bags. Parang lagi siyang puyat. Duwag din yan pero magaling yan mag wushu. Takot siya sa multo pero, kawawa lagi kalaban niya sa GW. Seryoso naman kasi siya kapag nasa laban talaga.

"May buns pa ba?" Tanong naman ni Clyde.

Clyde Alvarez ang baozi namin. Mahilig siya sa buns at magaling ding kumanta. Pandak din yan. Dami nilang pandak diba?

"Wala na. Kakakain mo lang kanina naghahanap ka na naman. Tss," poker face na sabi ni Lucas.

Lucas Hernandez ang pinaka bata samin pero may sa pagka demonyo rin. Laging poker face at mahaba rin 'yung baba. Hard ko ba sa kanila? Well, ganyan kasi gwapo ako 'e.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now