CHAPTER 27: RAFAEL

33.1K 750 18
                                    

Ziana's POV

Nakaupo pa rin ako hanggang ngayon dito sa park. Pinikit ko saglit ang mga mata ko. I want to be alone. Binlanko ko muna ang utak ko sa kahit anong iniisip ko.

"Ziana?" sabi ng isang pamilyar na boses.

Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Raf. Remember him, yung nerd sa school na sobrang kulit at dikit ng dikit sa akin.

"Tss," i answered.

Don't wanna be rude but I'm not in the mood.

"Bakit ka may luha?" tanong niya. Kinapa ko ang pisnge ko at may naramdaman akong luha. Pinunasan ko yun at umiwas ng tingin sa kanya. "Umiyak ka ba?" tanong niya ulit.

"Tsk. Don't talk to me," I said blankly.

He just smiled widely that irritate the hell out of me. How can he smile like that? Wala ba siyang problema para ngumiti ng ganiyan?

"Makikipag usap ako sayo hangga't kelan ko gusto," he said.

I just rolled my eyes in return.

Bigla siyang tumayo, pero, I don't care. Tinuloy ko ang pagpikit ng mata ko pero, maya maya kinalabit niya ako. "Ice cream?" Bigla akong napadilat ng marinig ko yun.

Hindi ko siya sinagot, at kinuha yung ice cream. "Favorite mo pala yan. Hahah ang dungis mo kumain. Pero ang cute mo pa rin," bigla ako napatigil sa pagkain dahil sa sinabi niya.

Naalala ko bigla si Rafael. Pareho pa silang Raf kaya hindi maiwasang sumagi sa isip ko ang namayapang bestfriend ko. The way they talk is also the same.

Yung pakiramdam ko rin habang nasa tabi si Raf, same feeling when Rafael's beside me.

"Shut up," sabi ko sabay ubos ng ice cream at tumayo na.

Mas lalo akong nahihirapan dahil sa naaalala ko. Bumabalik yung sakit na namatayan ako ng bestfriend eh.

"Aalis ka na agad? Lika, may pupuntahan muna tayo," sabi niya.

Tsk, baka dalhin niya nanaman ako sa lugar nila? Hindi naman sa nag iinarte ako pero hindi talaga ako sanay. 

Hinila niya ako tapos dumaan kami sa likod ng park na to. Puro gubat lang ang nakikita ko pero di naman ako takot kasi, sanay na ako.

Maya maya, huminto kami. Namangha ako sa nakita ko. Ang ganda, ang ganda ng waterfalls tapos yung tubig ang linis. Nakaka relax. Ang lamig rin ng simoy ng hangin. Tago rin pala tong lugar na to.

Kung hindi niya pa ko dinala rito hindi ko pa malalaman ang tungkol sa lugar na to.

"Maganda ba?" tanong niya. Di ko siya nilingon at tinanguan na lang.

"How did you knew about this place?" I asked.

Ang ganda talaga dito. Parang gusto ko laging pumunta. Nakakarelax din ang amoy ng preskong simoy ng hangin at amoy ng tubig mula sa falls.

"Nalaman ko lang to noong naglalakad lakad at problemado ako," sabi niya.

Umupo kaming dalawa sa malaking bato.

"Alam mo, parang ang tagal na kitang kilala. Pamilyar ka talaga sakin," dagdag pa niya kaya napatingin ako sa kaniya pero binalik ko ulit ang tingin ko sa waterfalls.

"Tss," tanging nasabi ko.

Bigla siyang nawalan ng balanse kaya nahulog siya sa bato pero di naman mataas. Natanggal lang yung salamin niya at nabasag. Lumingon siya sakin, laking gulat ko sa nakita ko. Para akong nakakita ng multo.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now