Chapter 46

32.4K 773 33
                                    

Ziana's POV

2 weeks had passed simula nang maaksidente o mas magandang sabihin na, sinadya nilang gawin ang aksidenteng yun kay Steph.

Alam ko na ngayon kung sino ang 'Your Worst Nightmare' na naging dahilan ng nangyari kay Steph.

Hindi alam ni Lian na alam ko na ang tungkol dun. Kailangan ko tong tapusin ng mag isa lang.

Ayoko ng may napapahamak, sabihin na nilang selfish ako. Pero, ayoko lang naman madamay sila dito pero wala, dinamay na talaga si Steph at hindi ako matatahimik hanggat hindi ko napapatay ang may gawa nun.

"Babe, ano yan?" Napatingin ako kay Lian.

Nginitian ko siya na ikinagulat niya. Sino ba namang hindi diba? Hindi ako palangiti at nasanay sila sa ganoon na ako.

"Lian, can you come with me? I miss them." I sadly said.

I miss them badly. I wanna see them. Gusto ko silang makita bago ko gawin ang plano ko.

Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako pagkatapos nito. Pero, gusto kong makita ang mga taong mahahalaga sakin dahil walang kasiguraduhan na mabubuhay pa ako dahil sa plano ko.

"Sige sasamahan kita." nakangiting sabi ni Lian.

I wish I can love him again. Napatunayan niya na sakin na talagang mahal niya ako, pero ewan ko dito sa puso ko.

Kung sino pa yung manloloko, yun pa yung ginusto.

"But before that. I want to see my Family first." sabi ko.

Time na para humingi ako ng tawad kela Zaniel, Zianie at Zanieca.

Alam kong galit pa rin sila sakin pero gusto ko silang makita at makahingi ng tawad. Kung matapos man tong gulong to na buhay ako, mas gugustuhin kong lumayo layo muna dahil kapahamakan lang ang dulot ko sa kanila.

"Let's go, 5 pm na. Para makarating tayo ng 5:30 dun, malapit lang naman yun dito eh." sabi niya.

Plano kong isagawa ang plano ko mamayang hating gabi.

"Okay." yun na lang ang nasabi ko at sumakay na kami sa kotse niya.

Saktong 5:30 na dumating kami sa bahay. Pinapasok agad ako ng guard nang makita niya ako.

"Where's Mom and Dad?" Cold kong tanong sa maid na nandito.

"S-Sa garden po, Young Lady" sabi niya habang nakayuko.

Tsk, she's new here, I guess. Bago kasi ang mukha niya sa paningin ko.

Dumiretso ako sa garden at nakita ko silang masayang nag kekwentuhan. Napangiti na lang ako sa nakita ko. I want to hug them but I think I can't. Seeing them happy, I'm happy also.

Dati ko pa gustong makisama sa tuwing kulitan nila kung saan lagi lang ako nakasilip sa kanila.

Ayoko kasi nun na nakikisali sa kanila. Kahit na magpakita ng emosyon sa kanila di ko ginagawa dahil alam kong nasa paligid lang ang kalaban.

"I missed Ziana. I missed my Baby so much." nanatili akong nakikinig sa sinasabi ni Mom.

I miss you too Mom, kayong lahat.

"I miss her too. Di ko lang maintindihan, parents niya tayo pero di man lang siya nagpapakita ng emosyon sa atin. Laging sunasalubong satin ang blue na kulay ng mata niya. Hindi man lang siya nagsasabi ng problema satin" Dad said.

Cold si Dad sa iba pero pag dating sa Family niya, lumalambot siya. Nagiging malambing.

"We miss Ate too, pero we don't understand. Bakit niya hinayaan na lokohin sila Ate Steph." I heard Zanieca said. Si Zaniel, tahimik lang.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now