Chapter 48

34K 840 47
                                    

Lian's POV

"Ano na Alex? Na track mo na ba?" Natatarantang tanong ni Shan kay Alex.

Nandito ngayon ang Wild King, Demon Kings, Legendary Princesses at kaibigan ni Ziana. Lahat kami ay nag aalala na dahil kahit sino ay walang maka track sa kanya.

"Eh, kung tulungan niyo kaya siya para mapadali no?" Sabi naman ni Steph.

Nag volunteer na yung James at tinulungan na itrack si Ziana. Di talaga ako mapakali.

Sinusubukan ko pa rin i dial ang phone niya pero wala.

"Lian, wala ka bang alam na pwedeng maging hideout nung pinuntahan ni Ziana?" Nag isip ako saglit dahil sa tanong ni Charlene. Umiling ako bilang sagot.

Tumayo si Zavier sa upuan niya at pinaalis si James sa kinauupuan nito at siya ang umupo at may kinalikot doon.

"She's on **** street in some part of Laguna." maikling sabi nito.

Tangna rin nito, kung kanina pa siya kumilos edi sana napuntahan na namin si Ziana.

"Tsk, bat ngayon mo lang naisipan yan? Kanina mo pa pala alam kung pano mai tatrack si Ziana." inis na singhal ni Zaniel sa kanya. Nagkibit balikat lang siya bilang sagot.

"Ano? Tutunganga na lang ba kayo dyan?" Mataray na tanong ni Gorcelle.

"Bilisan na natin baka anong mangyari kay Unnie." sabi naman ni Chrystal.

Sumakay na kami, apat na van gamit namin.

Kasama ko dito sa van ang Wild Kings, sa kabila ang Demon Kings, sa kabila pa ay ang 9LQ pero di alam ng Demon Kings na sila ang tunay na 9LQ at sa isa naman ang Legendary Princesses.

Agad naming tinahak ang daan papunta sa lugar na sinasabi ni Zavier. Nakamask pa rin kaming lahat ngayon para di na rin kami makilala.

Nang makarating kami, nagsalita muna si Alex.

"Ganito ang plano. Wild Kings, kayo na ang bahala maglinis sa harapan. LP(Legendary Princesses) pumasok na agad kayo habang nililinis nila ang mga bantay sa harap. Tayo namang natitira, sa likod nitong building na to. Update us using this ear piece device." sabi ni Alex at isa isa kaming binigyan ng ear piece device.

Pumunta na ako sa likod kasama sila Alex at ang Demon Kings. Pero, nagulat kami ng madatnan namin na puro bangkay na lang ang nandito.

"Wala na kaming nadatnang bantay dito. Puro bangkay na lang." rinig naming sabi ni Zaniel.

Sigurado akong si Ziana ang pumatay sa mga to. Dumiretso kami sa second floor. Hanggang third floor ito at nakita naming tapos na rin ang mga kalaban dito.

Ang daming patay, hindi na ako magugulat na nagawa niyang patayin ang ganito karaming tao.

"Dumiretso na tayo sa third floor." sabi samin ni Alex.

Tumango kami, pag dating namin dun, naabutan naming nakatayo si Ziana kaharap ang isang naka mask na lalaki.

"Who are you Jerk?" May diing tanong ni Ziana. Ngumisi sa kanya ang lalaki.

"Hindi mo ba talaga ako naalala, Ziana. My Queen?" Sabi pa nito at ngumisi lalo.

"Just answer my f*cking question, you assh*le." sabi ni Ziana. Halata ring nagpipigil siya ng galit.

"My Dear, let me tell you a story. May isang lalaki, inlove na inlove siya noon sa Nerd sa school nilang nag ngangalang Ziana. Lahat ng pagpapansin ginawa niya. Pero, snob lang lagi ang abot niya. He did everything just to make Ziana noticed him. Pero isang araw may paepal namang lalaki na dumating sa buhay niya na nagngangalang Lian. Naging close sila nito sa isang iglap. Matinding selos ang naramdaman niya. Naglakas loob siyang magpaalam na manligaw kay Ziana pero ano? Busted siya. Ziana choose that jerk guy over him. Mas pinili sa kaniya na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya ng patago. Nang matauhan siya, nangako siya sa sarili niyang, kung hindi man ito mapupunta sa kanya, gagawin niya na lang miserable ang taong nasa paligid nito. A great story, isn't it?" Sabi nito na may halong lungkot habang nagkekwento.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now