CHAPTER 3: 9LQ NERDIES vs. 9LQ FAKERS

47.9K 1.2K 83
                                    


Gorcelle's POV

Papunta na kami ngayon sa cafeteria para kumain alangan naman mag laro kami roon. Joke lang, tawa kayo dali. Okay korni ko na ._.

"Sa wakas makakakain na rin ako," saad ni Abbygaile habang naglalakd kami na sinang ayunan naman kaagad ni Jashiel. Mga patay gutom, psh.

"Basta talaga kapag pagkain magkasundo kayo 'e no? Paawat naman kayo," saad ni Charlene sabay roll eyes.

"'Di ka pa nasanay Charlene unnie. Hayaan mo na baka talagang gutom lang talaga sila," sabi naman ni Maknae.

Hulog talaga ng langit 'tong si Chrystal 'di gaya nilang lahat, tsk. Buti hindi siya nahahawa at naiimpluwensyahan ng mga bruhang nakakasama niya sa araw araw. Buti na lang talaga, nang kahit papaano ay may matino akong kasama.

"Buti ka pa maknae naiintindihan kami. 'Yung iba kasi diyan turing samin mga PG 'e." sabi ni Jashiel.

"Bakit hindi ba?" nang aasar na saad ni Shanelle. Heto na naman po sila~

"Hindi naman 'e. Mahilig lang talaga kami kumain no!" depensa ni Abby.

"Oo na lang," Stephanie said.

"Stop arguing. Let's go, I'm also Starving." cold na yaya ni Alex. Brr~ nagsalita na naman si Yelo.

"Oo nga tama na yan," saway ko rin. Gutom na rin kasi ako.

Si Pandak na Leader naman ay tahimik lang at blanko ang mukha as always psh -___-

Hindi nagtagal ay narating na rin namin ang cafeteria. Pagdating namin doon umorder na kami at naghanap ng mau-upuan. Napili naman namin ang nasa may pinakadulo kung saan tanaw ang field. 5 seats ang meron at isang table kaya kinuha namin 'yung katabing table para ipagdugtong at kumuha rin kami ng apat na upuan.

Habang kumakain kami, patawa lang ako ng patawa sa kanila. Ako kasi ang mood maker namin. Kaya ayon, mamamatay na sila kakatawa lahat lahat, blanko pa rin si Leader.

Hindi naman kasi dapat siya ganyan 'e. Kung 'di lang dahil past. Okay, change topic.

So ayon nga, nagtatawanan kaming lahat except kay leader pandak nang may lumapit saming siyam na babae. Mukha silang mga clown sa kapal ng make up na nilagay nila sa mukha nila. May children's party ba? Mukha kasi silang a-attend 'e.

"Kayo nerds, umalis kayo dito sa school na to. This school is only for elites like us. Walang lugar ang katulad niyong nerds sa school na 'to," sabi nung isang may kulay blonde na buhok.

"Bakit boss ka ba para paalisin kami rito? Bakit hindi kayo 'yung umalis, tutal kayo naman ang nakaisip!" singhal ni Shan.

Bigla naman kaming nakarinig ng bulungan 'di ko alam kung bulungan tawag doon halos pasigaw na kasi.

'Hala siya. Sinagot niya si Klea. Nakakatakot pa naman magalit ang isa sa kanila.'

'Oo nga 'e. Binangga nila ang 9LQ, I pity them.'

'Pre yung mga crush natin. Shet gusto ko ng ligawan si Haziene.'

'Akin si Drea.'

'Ang ganda ni Jyle.'

'Trisha akin ka nalang.' 

'Keila ang cute mo.'

'Myca will you be mine?'

'Klea ang hot mo.'

'Hershey pakasalan mo na ako.'

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now