Chapter 35

35.5K 788 4
                                    

Zavier's POV

Papunta kami ngayon sa Sone Organization dahil sisimulan na ang training namin ngayon kasama ang Mafia Princesses.

Ang Organization naman namin naghahanda na rin katulad ng Sone Organization.

Kasabay namin mag tetrain yung ang Wild Kings at Legendary Princesses.

"Tsk, andito na pala kayo." sabi nung isa sa Wild Kings.

Teka, bat parang ang laki ng galit nito samin sa pamamagitan ng pagtingin niya? Grabe kasi kung makatingin ng masama eh. Tsk.

"Lion, tama na yan." napalingon kami sa dumating.

Sila yung Mafia Princesses. Nag bow kami sa kanila tanda ng pag galang.

"Bakit kulang kayo, Unnie?" Tanong nung isa sa Legendary Princesses.

"Wala lang. Susunod na lang ata si ZH." sabi nung isa sa Mafia Princesses.

I think codename yung ZH (Ziana Haziene)

"Saan daw ba ang training room?" Yung pinakamaliit sa kanila (Charlene).

"Dun daw sa katabi ng HQ niyo dito." sagot ni Andrei.

Yes, kasama namin sila ngayon. Kinalimutan na muna nila ang galit nila sa amin dahil kailangan mabuo ang gang namin ngayon.

"Tss, what are we waiting for? Simulan na natin, hindi na dapat hinihintay pa ang mga taong pa importante." sabi nung babaeng parang maarte base sa pananalita.

"Yeah, I agree." sabi naman nung isang parang astigin.

Sumunod kami sa kanila papuntang training room. Pagkapasok namin, namangha kami sa nakita namin.

Ang daming mga mamahaling baril at mga weapons dito. Kompleto rin lahat.

"Okay, kompleto na ba kayo?" Napalingon kami sa dumating.

Siya yung isa sa Queens. Hindi nila kasama ang Empress at Emperor puro lang Kings at Queens ang nandito ngayon.

"ZH is not yet here." sagot naman nung isa na cold magsalita.

"Okay, antayin muna natin siya." sabi naman nung isa sa Queens na medyo cold din magsalita.

"Tsk, why wasting our time on people who's not even important?" Sabi naman nung pinakamatangkad (Abby).

"AH watch your mouth!" Warning sa kanya nung isa rin sa Queen. AH siguro codename nung matangkad (Abbygaile Hershey).

"Tss. whatever." sabi nito at umupo dun sa may sofa.

"Pwede ba, sabihin niyo na lang. Ayaw naming maghintay." iritang sabi nung isa sa Mafia Princesses.

"Okay, kayo na lang ang magsabi sa kanya pag dumating siya. Kailangan niyo mag sparing para malaman namin kung sino ang kailangan pag tuunan ng pansin at matrain ng maigi.

ZH (Ziana Haziene) vs. Ace (Zavier)
AJ (Alexandria Jyle) vs. Silent Genius (James)
JD (Jashiel Drea) vs. Red Dragon (Lucas)
SD (Stephanie Diamond) vs. Joker (Tyler)
AH (Abbygaile Hershey) vs. Zeus (Christian)
SK (Shanelle Klea) vs. Hades (Kit)
CK (Charlene Keila) vs. Stone (Clyde)
GT (Gorcelle Trisha) vs. Bullet (Clinton)
CM (Chrystal Myca) vs. Blue Dragon (Zachariah)
Trigger (Kyle) vs. Sniper (Charles) vs. Eagle (Andrei)

Wild Kings and Legendary Princesses, kayo na ang bahala kung sino ang gusto niyo maka sparing. May 2 weeks kayo para sanayin ang sarili niyo. Excuse na rin kayo sa school niyo kaya focus on your training. Dito rin kayo muna titira habang di natatapos ang training niyo. May dalawang malalaking kwarto dito, sa isang kwarto all girls at dun naman sa isa, all boys. That's all. Aalis din kaming Queens and Kings kasama nag Empress at Emperor papuntang Korea dahil may aayusin kami dun kaya kayo na muna ang bahala dito." Mahabang sabi nung isa sa Queens.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now