Chapter 28

32.4K 775 19
                                    

Kit's POV

Hi readers, antagal na rin since nung last na POV namin.

Btw, 2 months had passed. At sa mga araw na yun, lagi kong kasama si Shan. Ewan ko pero minsan, lagi na lang bumibilis tibok ng puso ko pag kasama ko siya.

Naguguluhan na rin ako sa sarili ko eh, parang mas masaya ako sa kanya kesa kay Klea. Si Klea naman, ayun, lagi kaming nagkikita palihim.

"Lalim ng iniisip natin ah." biglang singit ni Shan.

Nginitian ko na lang siya ng matamis. Tsk, ang gwapo ko talaga.

"Kiss na lang." ako sabay nguso. Hehehe, chansing na rin to no.

"Kiss kiss kita sa sahig, gusto mo?" Sabi niya. Napanguso naman ako. "Wag ka ngumuso." sabi niya kaya napangisi ako.

"Bakit? Kasi natetempt kang halikan ako?" Nakangising tanong ko.

"Kapal mo. Mukhang kang pato, kaya wag kang gumanyan. Tss." sabi niya sabay irap. Taray naman nito.

"Sa gwapo kong to, pato lang itatawag mo sakin? Aba, maraming babae ang nagkakandarapa para lang sa gwapo kong mukha." proud kong sabi.

"Tss, ang kapal mo" sabi niya.

Inakbayan ko siya,

"Joke lang naman. Ikaw talaga. Tara kain tayo, libre ko." sabi ko.

"Tara ba!" Masayang sabi niya kaya hinila ko siya papuntang restaurant.

Habang naglalakad, nakatingin lang ako sa mukha niya. Ano kayang itsura niya kapag wala yang big eyeglasses niya?

Pero, ang di ko maintindihan, tuwing nakikita at nakakasama ko siya, ang lakas ng tibok ng puso ko. Malapit na rin pala matapos ang deal namin. Nalungkot naman ako ng maisip ko yun.

Teka, diba dapat masaya ako kasi, finally, makakasama ko na si Klea ng matagal.

"Uyy, nandito na tayo." sabi niya.

Tsk, hindi ko napansin nakarating na pala kami. Pumasok kami at kumain.

---

Tyler's POV

"Tyler, tignan mo ang cute nung pink na relo oh." sabi sakin ni Steph.

Nandito kami ngayon sa mall dahil, wala kaming pasok ng 1 linggo dahil may inaayos na building sa school.

"Oo nga. Tara, bilhin natin." sabi ko sabay hila sa kanya.

"Miss, magkano po dito?" Tanong niya sa sales lady.

"5k po maam" sabi ng sales lady habang nagpapacute sakin. Tsk, landi ah.

"Miss, sino ba kausap mo? Ako o Siya? Aba, baka gusto mo mawalan ng trabaho dahil diyan sa kalandian mo?" Hay nako, ang taray talaga nito.

"Bakit, sino ka ba at kung makaasta ka, parang boyfriend mo si Cutie guy huh?" Mataray na sabi ng sales lady kay Steph habang nakataas ang isang kilay.

"Well, I'm his---" I cut her.

"I'm her boyfriend. So miss, ang pinunta lang namin dito ay ang relo na yan, hindi kami pumunta dito para makipag away." sabi ko ng mahinahon.

Tumawag ako ng ibang sales lady at pina balot ang binili ko.

"Tsk, Dear, trust me. Mamaya, wala na yang trabaho mo." Steph said then smile sweetly at the sales lady.

Napailing na lang ako at inaya siyang kumain. Ang saya ko ngayon, kasi kasama ko siya.

---

Christian's POV

Kasama ko ngayon sina Abby, Lucas, Jashiel, Clyde, Charlene, Alex, James, Clinton, Gorcelle, Ziana, Zavier sa amusement park.

Napagdesisyonan namin, na iba iba ang sakyan na rides at sabay sabay mamayang gabi sa Ferris Wheel.

Una naming sinakyan ni abby, ang Rollercoaster. Tili siya ng tili kaya tawa lang ako ng tawa.

"Ayoko na nga sa mga rides. Pinagtatawanan mo lang ako eh." sabi niya habang nakanguso. Pinisil ko ang pisnge niya.

"Hindi na po, promise. Pili ka na kung ano next." sabi ko.

"Ayoko na. Gusto ko ng malaking Panda na stuffed toy." sabi niya.

"Panda naman ako ah. Inaalagaan ko eye bags ko kasi alam kong, favorite mo panda." proud ko pang sabi sa kanya.

"Psh, gusto ko panda na stuffed toy. Ayun oh." sabi niya sabay turo dun sa panda na malaki. Nako, hindi ko pa naman hilig ang gun shooting tsk. Mas sanay kasi ako sa katana, espada at kahit anong matatalim na bagay pero baril? Ayoko.

"Bibilhan na lang kita sa Blue Magic." sabi ko.

"Eh, gusto ko yung pinaghirapan" sabi niya.

Okay, no choice kundi itry. Nagbayad ako ng 1k at hinanda ang shooting stance ko.

"Iho, wala akong panukli dito. Wala ka bang isandaan diyan?" Tanong sakin ng matandang babae.

Nginitian ko siya sabay sabing,

"Keep the change na lang po." magalang kong saad.

"Talaga? Maraming salamat iho." sabi niya.

Nginitian ko lang siya at nagsimula ng bumaril. Puro sablay ang tira ko.

Nabobored na si Abby sa likod ko kaya, mas ginalingan ko pero, 2 pa lang ang napapatumba ko. Kailangan kasi tatlo.

"Tsk, tagal mo diyan." sabi niya sabay hikab.

"1 na lang to. Konting tiis na lang." Sabi ko.

"Tagal." reklamo niya.

Hindi pinansin ang sinabi niya at nag focus para makuha to. Kaya mo yan Christian.

"Go, kuya pogi." sigawan ng mga babae sa gilid ko.

Ngumiti ako sa kanila kaya halos himatayin na sila. Tsk, iba talaga pag gwapo.

"Tsk, pogi ba yan? Ang laki ng ang eye bags eh." rinig kong bulong niya.

Napangiti ako habang naiimagine siyang nakanguso ngayon.

Biglang nagsihiyawan ang mga tao dito kaya tinignan ko ang pinatitilian nila. Walang iba kundi ang ma target kong pangatlo.

Kinuha ko ang prize at binigay sa knaya habang nakangiti.

"For you, my love." Sabi ko pero. Mahina lang ang huli,

"Thank you, Christian." sabi niya sabay yakap sakin. Niyakap ko siya pabalik. Bakit nagiging ganto nanaman ako, biglang ngumingiti.

----------CHAPTER28END----------


More chapters to edit pa huhu. Shet!

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now