CHAPTER 7: GROUPINGS

49.7K 1.3K 31
                                    


Gusto ko lang po guys magpasalamat sa laaht ng nag babasa nito lalo na kay menakilee na laging nag vovote sa tuwing nag UUD ako. Yun lang. Maraming salamat po talaga.

P.S Saranghae Guys
-Adik sa SNSD na author
----

Tyler's POV

Hi readers! Ako nga pala si Tyler Mendez. Ang pinaka manly saming 12. Ako ay gwapo, matalino, hot at habulin ng chicks.

Nandito kami ngayon sa PR(Private Room) namin sa school. Kung bakit nagkaroon kami ng PR dito? Ay dahil sa may shares ang mga magulang namin dito. Kasalukuyan naming pinag uusapan ang nangyari sa Gangster World. Hindi kasi kami makapaniwalang natalo ang 9LQ ng isang baguhang gang lang.

"Grabe mga dude, ang hot nung nakalaban ni Klea, ang sexy," nag iimagine na sabi ni Kit the pervert.

Psh mas gwapo pa ako sa kaniya at mas manly eh. Pero daming nagkakandarapa riyan mukha namang unggoy. Ewan ko ba ba't habulin siya ng mga manok.

"Kahit nakamaskara sila, alam kong maganda yung kalaban ni Diamond. Kahit mata palang ang cute na eh. Bagay kami, manly ako maganda siya," nakangiting singit ko.

Ang cute talaga nung babaeng 'yon. 'Yong mata niya kasi kasamang kumukurba ng labi niya. Eyesmile kumbaga.

"Anong manly sa mahilig sa pink na pusa? Sabihin mo nga. Basta ako gusto ko yung kumakain habang nakikipaglaban. Astig! Kahit kumakain nakaya niyang patumbahin si Hershey," sambit naman ni Christian.

Laki talaga ng problema nila sa mga manly kaya hayaan na.

"Tumahimik nga kayo. Basta mas magaling yung nagbabasa ng libro na brutal pala pag inistorbo," saad ni Zach.

Psh, if I know, gusto lang nila isama yung mga 'yon sa collection nila. Mga gunggong na 'to.

"Wala pa ring makakatalo roon sa parang kidlat na nawala sa harapan ni Trisha. Galing non, napatumba niya si Trisha ng walang nakakapansin," manghang saad ni Clinton.

"Basta para sakin, yung nag seselfie 'yong magaling. Cute niya siguro kung wala yung maskara niya," sabi naman ni Clyde habang kumakain ng siopao.

"Mas magaling 'yong nakapoker face lang. Ang cool tignan," sabi naman ni Lucas.

"Hoy mga ugok, magsitigil nga kayo," kwago na Charles.

"Kung makapagsalita kayo parang mas kinakampihan niyo pa yung nakalaban na gang ng GF niyo eh," pandak na Kyle.

"'Di kayo tumulad sakin. Tsk, single ready to mingle," sabi naman ni Andrei. Kaya pinagbabato namin siya ng unan.

"Pero hindi ba kayo interesado sa pagkatao nila? Sino sila? Ba't natalo nila ng ganun ganun na lang sila Haziene? Hmm..." nakakunot noong saad ni Clint.

"Normal lang naman yata 'yon. 'Di lang talaga siguro araw ng 9LQ ngayon," saad ni Clyde.

"Chill lang kayo. Chill and be handsome just like me. Gwapo na, hot pa, matalino pa. Swerte ng magiging bebe ko,” saad muli ni Andrei.

"Corny mo bro. 'Di ka tumulad sakin manly," sabi ko naman.

"Ul*l. Anong manly ang mahilig sa pink?" tanong niya.

Ba't ba ang daming insecure sa kanila.

"Shut up, assh*les. You're too noisy," kunot noong saad ng kakagising lang na si James.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now