CHAPTER 21: CELLE AND CLINT, CHRYSTAL AND ZACH

31.6K 820 56
                                    

Clinton's POV

3 days na mula nang sagutin ni Charlene si Clyde. May sari sarili kaming mundo ngayon. Ako, kasama ko si Gorcelle.

"Celle, panganib ka ba?" pick up line ko sa katabi ko.

Nanonood kami ngayon ng action movie, ayaw niya na sa drama eh.

"Hindi," simpleng sagot niya.

Slow niya, pasalamat siya, cute-- este maganda--- este wala!

"Aish, tanungin mo kung bakit," sabi ko habang naka kunot noo.

"Oh, bakit ba?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay sakin. Taray ah.

"Kasi, bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nandiyan ka!" sabi ko habang nakatingin sa mata niya tapos ay itinaas baba ko ang kilay ko habang nakangiti.

Bigla siyang nag blush, ang cute niya rin pala.

"Tss, korni mo!" saad niya sabay palo sa braso ko.

"Kinilig ka naman!" pang aasar ko.

"H-Hindi no!" depensa niya.

Napatawa naman ako.

"Eto isa pa, ehem, lason ka ba?" nakangiting tanong ko showing my dimples that can make any woman fall on their knees. Gwapo ako eh!

"Bakit?"

"Kasi nilason mo ang puso ko. Yan tuloy patay na patay sayo!" banat ko nanaman.

"Okay last mo na yan ah!" sabi niya pa sabay iwas ng tingin. Nakita ko ring pumula ulit yung pisngi niya.

"May isa pa, Ber months ka ba?" tanong ko. Kumunot ang noo niya at sinagot ako.

"Hindi, bakit?"

"Kasi, di lang kita mamahalin ng SeptemBER, OctoBER, NovemBER at DecemBER. I love you, ForeBER," banat ko.

Ngayon naman, sobrang pula na ng mukha niya.

"Tigilan mo na nga ako. Di ako makapag concentrate sa pinapanood ko eh, epal ka!" aniya sabay tingin sa TV. Linapit ko ang mukha ko sa kaniya.

"Celle, 1 month na kitang nililigawan. At pinakita ko sayo kung gano kita kamahal habang nanliligaw ako. Hindi man ako katulad ni Clyde na sa romantic na paraan tinanong si Charlene na maging sila, pasensya na ro'n. Ngayong araw na to, itatanong ko ito sayo, WILL YOU BE MY BABY, FOREVER, BABE, LOVE, HONEY OR WHATEVER YOU CALL IT? WILL YOU BE MY GIRLFRIEND, GORCELLE?" tanong ko habang ipanapakita sa kaniya ang kwintas na nabili ko sa Sone Mall.

Ngumiti siya sakin at niyakap ako.

"Yes, Clint. I will be your Baby, Forever, Babe, Love, Honey or whatever you call it. I will be your girlfriend," sagot niya habang nakayakap.

Napangiti ako dahil sa saya. Hindi saya dahil sa naging kami, pero saya dahil nakuha ko na ang loob niya at magagawa ko na ang pinapagawa ni Trisha. Namimiss ko na kasi siya eh.

"I love you, Gorcelle."

"I love you too, Clinton."

"Tara cutting tayo. Punta tayo sa Sone Mall, libre ko kahit anong gusto mo," nakangiting sabi ko.

"Tara!" tumayo ako at iniabot ko ang kamay ko sa kaniya.

Inabot niya ito at magkaholding hands kaming, pumunta sa exit ng school. Sakto namang hindi nakatingin sa direksyon namin yung guard kaya nakalabas kami. Pumara ako ng taxi at pinagbuksan siya ng pinto bago ako sumakay.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now