CHAPTER 22: CHRISTIAN AND ABBY, LUCAS AND JASHIEL

29.2K 769 23
                                    

Abbygaile's POV

Papunta kami ngayong girls sa cafeteria. Pinapapunta kami ng Demon Kings. Hindi ko alam kung bakit pero sumunod na lang kami. Wala namang mawawala kung pupunta kami eh.

Pagdating pa lang namin sa entrance ang dami ng tao.

Ano meron?

"Excuse me," sabi ni Charlene.

Ang dami kasing tao, di kami makapasok. Pero di pa rin sila umaalis. So, no choice kundi makipag siksikan sa mga ito. Nakipagsiksikan kami hanggang sa makapasok kami. Nagulat ako I mean kami ng mga kaibigan ko sa nakita namin.

Ang ganda ng cafeteria tapos may malaking table sa gitna na puno ng foods. *o*

Nasa gitna si Christian at Lucas. Nakangiti silang dalawa ngayon habang nakatingin samin.

Kami na lang pala ni Jashiel ang natira, nagsitabihan ang mga kaibigan namin eh.

Dahan dahang lumapit samin yung dalawa tapos lumuhod pareho. Nakita namin sa likod nila ang natitira nilang kaibigan, may hawak itong dalawang malaking banner. Yung isa nakalagay,

'Please be my girlfriend, Abby'

Tapos yung sa isa naman ay,

'Be my Queen, Jashiel'

Yung ibang tao sa Cafeteria ay ang sasama ng tingin samin at may mga negative comments pa. Pero wala akong paki sa kanila.

Ang mahalaga, nasa harap ko ngayon ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Geez, ang korni ko na. Eto ba epekto pag inlababo? Sorry naman, ignorante ako sa ganito. First time ko kasi 'to!

Pagtapos kong tumango, nakita kong lumawak ng sobra ang ngiti niya at niyakap ako ng mahigpit habang bumubulong ng 'thank you'. Ewan pero may nararamdaman akong kakaiba sa ngiti niyang 'yon, hindi ako mapakali. Ewan! Baka epekto lang to ng gutom, kanina pa kasi ako natatakam sa mga pagkain na nakalagay do'n sa lamesa eh.

Pumunta kaming apat sa malaking table. Pinaalis rin ng Demon Kings ang mga estudyante na nandito kanina. Kaming apat lang ang nandito ngayon at masayang kumakain. Buti na lang at vacant namin ngayon tapos mamaya naman napagkasunduan naming mag cut ng class.

Minsan lang naman kami mag cutting kaya okay lang naman siguro. Tsaka first day namin ni Christian as lovers, dapat i-celebrate!

"Saan mo gusto pumunta pagkatapos?" tanong sakin ni Christian.

"Kahit saan," sagot ko.

"Muntik ko nang makalimutan, wala pa lang kasama yung kapatid kong babae sa mansion namin. May pupuntahan nga pala sila Mom and Dad. Gusto mo sumama sakin?" tanong niya.

Ngumiti ako at tumango. Kahit saan kami magpunta basta kasama ko siya, ayos lang sa akin.

"Sige," sagot ko.

...

After 45 minutes...

Nakarating na kami sa isang malaking bahay, mayaman din sila kaya hindi na ko nagulat sa isinisigaw na karangyaan ng bahay nila.

Pinagbuksan naman siya ng gate ng guard. Pumasok na kami sa main door nila, pagkapasok namin, sumalibong samin ang isang magandang babae at gwapong lalaki. Mom at Dad niya ata, pero mas hawig niya yung Dad niya.

Pareho silang mukhang seryoso pero kaibahan lang, childish minsan si Christian.

"Good afternoon po, Mr. And Mrs. Reyes," bati ko sabay bow.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now