CHAPTER 11: THE HEIRESSES

42.3K 1K 25
                                    


Charlene's POV

Nakakinis naman. Aish, kasi naman eh, sabi ng parents namin, magperform daw kami sa buong school nang hindi naka-disguise.

Sa kanila na nanggaling na huwag kami magpapakilala rito sa school tapos ngayon pinagpeperform kami.

Ang dahilan, for entertainment lang daw. Mukha ba kaming clown? -,-

Marami naman kaming pwedeng pagpilian na kanta pero tinatamad kami. Napili na lang namin ay ang kantang ginawa namin nung minsan na bored kami. Si Celle ang gumawa ng step dahil siya ang main dancer, katulong niya si Shan.

"Okay, 1,2,3,4 then tak tak tak. Again, 1,2,3,4 tak tak tak. Okay tapos na, with music naman," Gorcelle habang tinuturo ang step.

"Okay, ready na for tomorrow," sabi naman ni Jashiel.

"Nakakagutom," kilala niyo na kung sino yan.

"Oo nga eh," kilala niyo na rin ang partner in food niyan.

"Tsk, takaw niyo," sabi ni Celle sabay roll eyes. Ang dakilang kontrabida sa buhay ng mga PG.

Taray nito, dukutin ko mata niya eh.

"Sleep now. We have to be early tomorrow," sabi naman ni Alex.

"Ihh, di pa ako inaantok," reklamo naman ni Steph.

"Sleep," cold na sabi ni Ziana kaya wala pang isang segundo, wala na kami sa harapan niya.

Pagkarating ko sa kwarto ko, nag half bath ako then bihis then open ng IG, Twitter, FB then nag wattpad ako sandali tapos natulog na,

ZzzzzzZzzz...

...

Nagising ako dahil sa tapik ni Chrystal sa balikat ko.

"Unnie, tulungan mo akong gisingin sila unnie," sabi niya kaya tumango ako at bumaba na siya.

Araw araw ganito ang ganap sa bahay, ako ang unang gigisingin niya dahil ako lang naman medyo mas matino kaysa sa iba.

Ginawa ko na ang morning routines ko at bumaba na. Nadatnan ko si Chrystal at si Gorcelle doon na nagluluto ng breakfast namin.

"Charlene, bulabugin mo na sila," ganda ng term ni Gorcelle sa panggigising no? Hindi kasi nagigising yung iba sa simpleng tapik at gising at kailangan talagang bulabugin.

Hindi na lang ako umimik at pumunta sa kwarto ni Steph na pintuan pa lang, pink na. Pumasok ako, di naman kasi marunong mag lock yang mga yan eh.

"Steph, wake up," niyugyog ko siya. Tumayo siya habang pumipikit pikit pa at pumunta ng cr. Wow miracle! Walang pag iinarte ang babaeng 'yon ngayon?

Anyways, sinunod ko ang kwarto ni Abby.

"Abby, gising na may masarap na pagkain na---" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil, parang flash na pumunta siya sa cr niya. Ganyan lang manggising kay Abby. Sinunod ko naman ang kay Shan.

"Shan gising na, pag di ka gumising, itatapon ko lahat ng gluta na nandito." sinamaan niya muna ako ng tingin at pumasok na sa cr.

Kailangan sila gamitan ng mga kakaibang teknik sa panggigising dahil kung hindi ko gagawin 'yon, aabutin kami ng siyam siyam.

Sinunod ko ang kay Jashiel.

"Jashiel, baby Jashiel," sabi ko habang sinusundot ang pisngi niya. Gumalaw siya ng konti at nag taklob ng unan. "Jashiel, may chocolate dun sa baba. Sige ka uubusan ka---" umalis na siya bago ko pa matapos yung sasabihin ko.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now