Chapter 44

33.3K 762 29
                                    

Jashiel's POV

Nagtatawanan kami ngayon papuntang cafeteria nang makasabay namin sa pagbaba ng hagdan si Ziana.

Parang ang lalim ng iniisip niya kaya di niya napansing makakabunggo niya na si Steph.

"Ouch! Are you blind?!" Inis na singhal ni Steph dahil muntik pa siyang mahulog sa hagdan.

Buti na lang nahawakan siya agad ni Alex dahil si Alex lang naman ang malapit sa kanya.

"Tss." yun lang ang sinabi ni Ziana at lumakad paalis.

Ziana ano bang nangyayari sayo?

"That girl is really pissing me off. Psh, panira siya ng araw!" Kahit ganyan si Steph, alam kong miss niya na rin si Ziana pero ayaw niya lang aminin.

"Tss, stop it. I'm starving." sabi naman ni Alex in cold tone.

Nauna na siya umalis pero sumabay na rin ako. Nakita kong pumunta sa likod ng school building si Ziana.

"Alex can you come with me to the restroom?" Sabi ko sa kanya.

Alam kong rinig nila kami kasi nasa likod lang namin sila.

"Psh, no. Just go by yourself or ask them." sabi niya.

"Please Alex, ngayon lang." sabi ko at nag aegyo pa ako sa harapan niya.

Ewan ko kung gagana to pero, give it a try na rin.

"Not gonna work on me." simpleng sabi niya.

Pero dahil sa makulit ako.

"Please Alex. Just this once" sabi ko at nagpout sa harap niya.

I don't know what do I look right now while doing this.

"Psh, fine." sabi niya kaya napangiti ako ng malapad.

"Girls, una na muna kayo. Mag ccr kami ni Alex. Sandali lang kami, promise." sabi ko.

Tumango sila at nauna. Inantay ko muna makalayo sila bago hinila si Alex sa likod ng building.

"Wait, I thought you're going to the restroom?" Sabi niya.

"I saw Ziana went here. Gusto ko lang malaman kung ano gagawin niya dito." sabi ko.

"Tss, bat di na lang ikaw mag isa?" Tanong niya.

"Wala lang." Simpleng sagot ko.

Napa roll eyes na lang siya sa naging sagot ko.

"Psh, tara na n----" tinakpan ko ang bibig niya at nagtago kami sa may sirang sasakyan na nandito.

Ewan ko kung saan galing to. Nakita naming, may hawak na papel si Ziana at blanko lang ang ekspresyon niya. Tumingin siya sa gawi namin kaya agad kaming napatago.

Alam naming alam niya na may tao dito, well ano bang aasahan sa kanya?

"Tara dun tayo sa may puno." hinila ko si Alex sa may puno at nagtago kami dun.

Pinunit ni Ziana ang papel at tinapon dun. Umalis rin siya pagkatapos nun.

Pinuntahan namin yung papel at tinignan. Psh, nakalimutan ko, pinunit niya pala ito.

Pero may nakita kaming part na hindi napunit. Ang tanging nabasa lang namin ay..

"Your Worst Nightmare?" Sabay na tanong namin ni Alex at tumingin sa isa't isa. Nagkibit balikat lang siya.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now