Chapter 58

35.6K 765 15
                                    

Ziana's POV

Palabas na kami ngayon ng school. Hihiwalay na sana ako sa kanila Alex kasi hindi naman ako nakatira na ulit dun sa bahay namin pero hinila ni Alex yung braso ko.

"Go home." tipid na sabi niya sakin.

"Tss, no." ang totoo niyan, hindi naman sa ayaw ko sila makasama pero, naiilang ako kapag magkakasama kami.

Di ko alam kung bakit.

"Ziana, dun ka na ulit tumira satin. Wag ka mag alala, marami ka pa rin namang damit dun at hindi rin namin ginalaw ang kwarto mo." sabi ni Jashiel.

Nag dadalawang isip pa ako kung sasama ako sa kanila pero, hinawakan ni Steph at Alex ang magkabilang braso ko at sapilitan akong isinakay sa Van na dala nila.

"Hey, this is kidnapping." sabi ko.

"Bakit? Kid ka pa ba?" Natatawang tanong ni Gorcelle.

"Tss, okay okay. You won." tanging nasabi ko na lang. Nagtawanan lang sila.

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang saya at dahil yun sa kanila. Agad kaming bumaba pagdating sa bahay.

Wala pa rin namang pinagbago pati yung loob. Umupo kami sa couch malaki naman yung couch dito kaya kasya kami.

"Nga pala Ziana." napatingin ako kay Shan ng magsalita siya.

"Why?" Tanong ko sa kanya.

"We're sorry." natahimik naman lahat dahil dun.

"Yeah we're sorry. Sorry sa mga nasabi namin. Ikaw naman kasi eh, you're always keeping your problem to yourself." nagdadramang sabi ni Steph.

"Oo nga. Para saan pa yung promise natin dati na, Problema ng isa, Problema ng lahat kung inaako mo lahat ng problema." natamaan ako sa sinabi ni Abby.

"Alam mo naman na lagi lang kaming susuporta sayo kahit ano pa yan pero sinarili mo. Dapat natulungan ka namin noon eh." sabi naman ni Jashiel.

"Unnie, I miss you" napatingin ako kay Chrystal. Malapit na siya maiyak.

"Aish. Stop the drama." pigil ko. Malapit na akong maiyak eh.

Ayoko pa naman sa lahat eh yung umiiyak. I'm not weak anymore.

"Sus, maiiyak ka lang eh." pang aasar ni Shan kaya sinamaan ko siya ng tingin pero nag peace sign lang siya.

Tumayo silang lahat at pumunta sa kinalalagyan ko at sabay sabay akong niyakap.

"Ziana, we're sorry." sabay sabay na sorry nila.

"Girls, Stop it already okay. Just Forget about it." mahinahong sabi ko.

"Unnie, can I have a favor?" Tanong ni Chrystal.

"What is it?" I asked her.

"Can you be the Ziana we first met? Kahit ngayong araw lang, unnie be your old self please." sabi niya sakin.

Hindi naman siguro masama kung maging totoo ako sa sarili ko kahit isang araw lang. Lahat sila ay nakatingin na sakin ngayon.

"Ano pa bang magagawa ko?" Sabi ko at nginitian sila.

Lahat naman sila ay napayakap sakin.

"We missed you." sabay sabay na sabi nila.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now