Chapter 33

34.8K 828 28
                                    

Ziana's POV

"Hey Babe." Lian said.

Nandito ako ngayon sa Cafeteria may binabasa akong libro nang tinawag ako ni Lian.

Humarap ako sa kanya at hinalikan niya ako sa lips. Well, kami na nga pala. Pumayag ako sa gusto niyang maging kami ulit.

Hindi fake ang pagiging kami ah. Umupo siya sa harap ko. Marami ring nagulat sa ginawa niya.

"Why are you here?" Blankong tanong ko.

"I miss you." sabi niya.

Tsk, dapat nga ba akong maniwala sayo kung naloko mo na ako dati?

"Tsk, tell me, why are you here?" Ulit ko.

Sumeryoso ang mukha niya kaya napaseryoso din ako. May binigay siya saking sulat.

"Nakita ko yan sa bahay niyo ng mga kaibigan mo nung pinabalik mo ko dun." sabi niya.

Kaya ko siya pinabalik kasi gusto ko malaman kung ayos lang ba sila.

'Tsk, kawawa naman kayo. Ang sakit siguro maloko ng sarili niyong leader no? Btw, pagtapos ko siyang patayin, isusunod ko na kayo. Enjoy the rest of your days.'

-Your Worst Nightmare

Tsk, siya nanaman? Hindi niya ba talaga kami titigilan?

"Tsk, this jerk!" Inis na bulong ko.

"Ano ng plano mo?" Tanong niya

"Why do you care?" Cold na tanong ko dito.

"I care because you're my Girlfriend." sabi niya.

Napa roll eyes lang ako. Pag talaga tong lalaking to ang dali lang na inisin ako. Tsk.

"Tss." nasabi ko na lang.

Alam ko na rin kung sino ang mga makakalaban ko. Dahil yun kay Lian. Isa pala siyang makapangyarihang Mafia Boss pero ako lang daw ang sinabihan niya kasi, mahal niya ako.

Sinabi niya na rin sakin lahat ng nalalaman niya.

"Tsk, Dito pa talaga lumandi sa Cafeteria." rinig kong parinig ni Steph.

Ayoko siyang patulan. Marami pa akong pinoproblema ngayon.

"Ang sakit sa mata ng kalandiang ginagawa mo." Abby added.

"Ang bilis mo rin eh no. Nung mga nakaraan ayaw na ayaw mo sa kanya. Anyare? Ganyan ka na ba kakati at di nakatiis pinatos mo yung lalaking nanloko sayo?" Gorcelle.

Nararamdaman kong nag rered na ang mata ko. Tinanggal ko ang contact lens ko at hinayaan ang mata ko. Nakayuko lang ako.

Sabi kasi sakin ni Mommy, pag pupula ang mata ko, tanggalin ko daw ang contact lens ko.

Ewan ko kung bakit, basta yun ang sabi niya.

"Oh ano? Di ka na makapagsalita ngayon? Umurong na bayang dila mo?" Charlene

"Tss, ang weak mo rin pala eh." nagulat ako ng dumagdag din si Chrystal.

Tsk. Umalis na ako dun kasi ayokong patulan pa sila.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now