Chapter 47

33.8K 808 32
                                    

Abbygaile's POV

Nandito kami ngayon sa sala, nagtatawanan. Nagluluto si Gorcelle ng hapunan namin. Mag seseven na rin kasi.

"Hahahaha, mas nakakatawa nung nasubsob si Abby sa sahig nun kasi di niya alam na pataas na pala yung dadaanan." sabi ni Charlene.

Napasimangot ako, bat napunta sakin?

"Mas nakakatawa naman nung hindi nalaman ng teacher na present ka kasi mas matangkad ako sayo tapos nasa likod pa kita kaya natabunan ka, namark tuloy ng teacher sa class record niya na absent ka, hahahaha." nagtawanan ulit kami pagkatapos ko sabihin yun.

"Mas nakak---" hindi natapos ni Shan ang sinasabi niya nang may nag door bell.

"Ako na." pagpiprisinta ni Alex kaya hinayaan namin siya.

---

Alexandria's POV

Pumunta ako sa gate para pagbuksan ang nag dodoor bell.

"Sino--" di ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ang nag door bell. Totoo ba tong nakikita ko? "Ziana?" Yan ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Can I talk to all of you?" Cold na tanong niya. Nag aalinlangang tumango ako sa kanya.

Di ko alam kung tama ba tong ginagawa ko. Pinapasok ko siya. Pagkapasok ko, lahat nakatingin sakin. Nasa likod ko pa si Ziana

"Oh Alex, sino yung nag door bell?" Bungad na tanong ni Steph. Magaling na rin siya.

"Guys, may gusto kumausap satin." sabi ko.

"Sino?" Sabay sabay na tanong nila.

Pumasok ako at pinapasok ko rin si Ziana. Nagulat sila ng makita si Ziana.

"Ziana?" Sabay sabay na sabi nila.

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ni Steph.

"I'm not here to argue with you. I just want to talk to all of you." sabi niya. Nag roll eyes si Steph.

Umupo kaming lahat sa couch since may tatlong malalaking couch dito na kasya ang tatlong tao. Katabi ko si Ziana at sa kanan niya si Jashiel. Sa kabilang couch naman si Steph, Abby at Celle na kakatapos lang magluto. Sa kabila pang couch naka upo si Shan, Charlene at Maknae.

"Talk." sabi ni Shan.

"First of all, I want to say sorry for what happened." sabi niya.

"Your sorry can't change anything that happened. The fact that you lied to us, hindi pa din namin kayang tanggapin." sabi naman ni Steph.

Sinenyasan ko siyang tumahimik.

"I know that. I just want to apologize personally that's why I'm here in front of all of you. Second, wag kayo mag hiwa-hiwalay. Nasa paligid niyo lang ang kaaway. I want to warn all of you. Protect each other. Wag kayo gagawa ng bagay na ikakapahamak niyo. Promise me girls na hinding hindi niyo hahayaang may mapahamak isa man sa inyo?" Sabi ni Ziana habang nakayuko.

Something's wrong with her. I want to find out but how? I know Ziana won't let me.

"Syempre naman. Sino bang tao ang gustong mapahamak ang sarili?" Naka roll eyes na sabi ni Abby.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now