CHAPTER 14: UNWIND

37.3K 951 8
                                    

Chrystal's POV

"SO GUYS LISTEN! NAGPLANO ANG OFFICERS NA SWIMMING DAW ON SATURDAY! PARA LANG MAKAPAG UNWIND TAYO KAHIT PAPANO! THIS WEEK HAS BEEN A ONE HELLA STRESS WEEK FOR US! SO SINO ANG MGA SASAMA?" Sigaw ng baklang president ng classroom namin.

Napatingin naman ako kina unnie na nagkatinginan din.

"Sama tayo?" tanong ni Celle unnie.

"Not bad. Summer naman at talagang nakakastress ang week na 'to para sa atin," kibit balikat na sagot ni Shan unnie.

"Sama ako basta ba maraming pagkain! Sana damihan nila 'yong babauning pagkain!" sabat ni Abby unnie.

"Sama ako pag ganiyan din! Basta maraming pagkain, count me in! Pero pwede namang, tayo na lang magdala ng sariling pagkain? May galit pa naman satin ang mga kaklase natin, malay niyo diba? Who knows, baka lasunin pa tayo ng mga yan," Jashiel unnie said.

Napaisip kami. Oo nga, karamihan sa kanila may galit sa amin. Lagi ba namang sumasabay sa amin 'yong mga crush nila, sinong hindi? Plus may kumalat pang bali-balitang nag break daw 'yong Demon Kings at 9LQ kuno nila dahil daw samin.

What the fudge diba?! Wala naman kaming ginagawa tapos sa amin ibinubunton ang sisi.

"Sama na tayo, baka sabihan pa tayong KJ!" sabat ni Charlene unnie.

Agad naman kaming napalingon sa Demon Kings na lumapit sa amin. Naghila sila ng sari sariling upuan para pumalibot sa amin.

"Hey girls, sama kayo ha!" saad ni Zach at tumingin pa sa akin saka kumindat.

Napairap naman ako sa ginawa niya. Kina-gwapo niya na 'yon? Tsk!

"Oo nga! Hindi masaya kapag wala kayo ro'n. That will be boring!" Kit exclaimed.

"So ano tingin niyo samin, clown? 'E kung bigwasan kaya kita riyan ha pervy?!" gigil na saad ni Shan unnie sabay amba kay Kit ng suntok.

Agad namang itinaas ni Kit ang kamay na parang sumusuko.

"Chill! Mas masaya kasi kapag kasama kayo. You know, the more the merrier!" depensa ni Kit.

Napailing iling na lang ako sa kanila.

"So, sama kayo ha?" paninigurado ni Clinton.

Tumango tango naman ang iba sa amin maliban kina Ziana unnie at Alex unnie. Si Alex unnie kasi nakapangalumbaba lang na nanonood sa amin samantalang si Ziana unnie ay nakasubsob ang mukha sa arm chair niya.

...

Sabado ngayon at kakarating lang namin sa resort. May bus na sumundo sa amin, bale dalawang bus ang sinakyan ng buong section namin sa dami namin. Nakasama namin sa iisang bus ang Demon Kings tapos sa kabilang bus ang 9LQ fakers na ang sama ng tingin sa amin.

Maganda 'yong resort na pinuntahan namin. The Lee's Beach and Resort ang pangalan ng beach and resort na 'to. Sa pagkakaalam ko, pag aari 'to nina Charlene unnie kaya talagang maganda.

Hindi naman namukhaan ng staffs na kasama namin ang anak ng may ari dahil na rin naka nerdy outfits pa rin kami. Mas mabuti na rin 'yon dahil panigurado magkakaroon ng plastikan, sipsipan ganap at special treatment kami rito.

"Nag rent kami ng sari-sariling rooms! Kaniya kaniya ang rent guys ha. Kaso lang nerdies, may pambayad ba kayo?" nakangising tanong ng president naming bakla.

Nakita ko ang pag ngisi ng iba sa kanila kasama ang 9LQ fakers. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko. Kami? Walang pambayad? Seryoso na 'yon?

"Ililibre na namin sila! Sagot ko na silang lahat," sabat ni Andrei.

Legendary Gangsters and Mafia Princesses [COMPLETED]Where stories live. Discover now