Chapter 1

527 10 0
                                    

 
 
 
Arghh! Ang sakit-sakit ng ulo ko, parang mabibiyak. 38.2 °c lang naman ang lagnat ko sabi ng thermometer. Bumaba ako sa kama at halos gapangin ko ang dresser na dalawang metro lang ang layo mula sa kama ko. Binuksan ko ang drawer na naglalaman ng mga eye drops, nasal spray, mga paracetamol, gamot na pang-ubo't sipon. I took the paracetamol with a glass of water saka bumalik ako sa kama. Niyakap ko ang malaking unan na regalo ni Jared two months ago.

Si Jared ang gwapo kong boyfriend. Matangkad, tsinito, wavy hair, at may stable job. Mag-iisang taon na kaming mag-on ni Jared. I can't help but feel lucky whenever I'm with him. Ang sweet niya at ang thoughtful. Lahat ng babae sa paligid ay naiinggit sa akin sa tuwing nagdi-date kami. Paano kasi, kahit in public, susubuan niya ako kapag kumakain kami, pupunasan niya ako ng pawis, susuklayin, yayakapin.

Saka, kapag nagyaya siya sa isang pribadong silid at tumanggi ako, hindi siya namimilit. Kaya lalo lang tuloy akong nai-inlove sa kanya. Kung hindi lang sa matinding babala ng best friend kong si Jenny na isang matinik na playboy si Jared at wala itong ibang hangad kundi ang maikama ako, marahil ay matagal na rin akong bumigay. Nais ko lang patunayan kay Jenny na mali siya... Na kahit walang nangyayari sa amin ni Jared ay going strong pa rin kami. Na hindi katawan ko lang ang habol ng boyfriend ko, kundi talagang mahal niya ako.
 

Totoo yata ang sinasabi nilang kapag iniisip mo ang isang tao, maiisip ka rin niya. Hindi ko naman tinext si Jared na masama ang pakiramdam ko dahil ayokong mag-alala siya, ngunit heto at tumatawag na sa cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag niya.

"Hey..." Walang lakas kong sagot.

"Hello Carlyn, my love. Kakagising mo lang ba? Ligo ka na, dadaanan na kita d'yan," masigla agad ang intro niya.

"Dadaanan? Bakit?" Saglit akong nag-isip. May date ba kami ngayon? May usapan ba kami?

"Don't tell me you forgot..."

Hindi ako sumagot. Nag-iisip pa rin ako. Kaso, lalo lang yata sumakit ang ulo ko.

"Birthday ni Mark. Nand'yan pa nga sa 'yo ang regalong binili natin last week," paalala niya.

Mark is one of Jared's best friends. He loves parties, ladies, and alcohol. Gano'n din naman daw si Jared, but he gave up on the ladies when he met me last year. He promised me I'll be his one and only.

"Oh! Sorry talaga. Ang sakit kasi ng ulo ko love. Pwede bang ikaw na lang ang magpunta?" Napangiwi ako sabay masahe ng sentido ko.

"Headache? Gusto mong hilutin ko? I'll come over and..."

"Hindi na," agaw ko sa sasabihin pa sana niya. "Puntahan mo na lang si Mark at baka magtampo pa 'yon. Kunting lagnat lang 'to na may kasamang matinding sakit ng ulo. Pahinga lang ang kailangan nito. Pakisabi kay Mark bukas ko na ibibigay ang gift niya."

"H'wag na... Hindi na rin ako pupunta. Malulungkot lang ako do'n kung wala ka. Pupuntahan na lang kita at aalagaan. Mas kailangan mo ako ngayon."

"Jared, my love, okay na ako nito mamaya. Nakainom na ako ng gamot, kailangan ko na lang magpahinga. You should go and have fun. Best friend mo si Mark since third grade kaya h'wag mo siyang biguin. Bawi na lang ako next time," pinanindigan ko na ang pagtanggi.

"Pero..."

"I love you too. See you tomorrow. Sige na, matutulog na ako."

"Are you sure you don't want me to come over?"

"Pretty sure. Ayokong mahawa ka. Saka gusto kong matulog nang walang istorbo."

"Okay, sige, pahinga ka na. If it becomes worse, call me. I'll be there in a jiffy. I love you so much," malungkot ang boses na paalam niya.

"I love you so much din po. At salamat."

Pagka-end-call ay agad na akong nakatulog nang hawak-hawak ko pa rin ang cellphone ko. Hanggang sa muli akong nagising after four hours. Wala na ang sakit ng ulo ko at wala na rin akong lagnat. Malapit nang mag-alas diyes ng gabi ayon sa phone ko. Saka meron akong isang text message galing kay Jared...
  
  

Wish you were here...  -Jared.

 
 
Nais ko tuloy makonsensya. Kung puntahan ko na lang kaya?

Pinakiramdaman ko ang sarili, mukhang okay na talaga ako. Sabi na't makukuha sa gamot at pahinga, eh. Tiyak na nasa kasagsagan pa rin ang party nito. Knowing Mark, aabutin ng hanggang madaling-araw ang party niya. Lalo na't parehong nasa abroad ang parents niya at puro may sariling pamilya na ang dalawang kapatid. Solo niya ang malaking bahay kaya kahit hanggang mag-umaga, kaya niyang magpa-party.

Sabagay, dapat din naman akong magpasalamat kay Mark... Kung hindi dahil sa hilig niyang magpa-party, hindi sana kami nagkakilala ni Jared. Mark threw a party dahil nanalo ang favorite basketball team niya. Girlfriend niya noon ang best friend kong si Jenny, kaya nayaya pati ako.

They introduced Jared to me and we started talking about things that I was actually interested in... Sci-fi movies. He started asking me things while ignoring other girls that were fawning over him. I was somewhat fascinated with the attention he was giving me. Nang hiningi niya ang number ko, hindi na ako nag-inarte pa, ibinigay ko kaagad. Sabi kasi ni Mama noong bata pa ako, great opportunity knocks only once. Kapag pinalagpas ko pa 'to, baka hindi na muling mangyari.

Naging magka-textmates muna kami ni Jared. Matindi naman ang warning sa akin ni Jenny dahil kilalang-kilala niya talaga ang dalawa na kapwa mga playboy. Natatakot siyang baka paglaruan lang din ako ni Jared katulad ng ibang mga babaeng iniwanan lang nitong luhaan pagkatapos pagsawaan. But, I made a promise to myself na kung sakaling maging luhaan man ako kapag iniwan ni Jared, hindi naman ako wasak, buo pa rin ako.

Unfortunately, nag-break na nga sina Jenny at Mark kaya lalo lang tumindi ang mga babala ng best friend ko sa akin. Nakakapanghinayang man ang relasyon nilang dalawa, kailangan ko pa ring ingatan ang relasyon namin ni Jared.

I tapped on the reply and started writing...

You want me to come over?

Pero bago ko pa napindot ang send, nagbago ang isip ko. In-erase ko ang message ko at tinungo ang banyo. Yes, I'm going to the party without letting him know. I feel a little better but my boyfriend doesn't, he's lonely at the party. Siguro'y mas lalong gaganda ang pakiramdam ko kapag nakasama ko na si Jared. Kiss lang niya ang kailangan ko at tiyak na gagaling na ako.
  
 
   

Unwanted SurprisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon