Chapter 22

243 7 0
                                    


 
"Gusto mo bang magkape?" Naisipan kong mag-alok. Honestly, para lang tumagal pa siya kahit kunti.

Say yes... Say yes...

"Sure! That would be great," ngumiti siya kaya muli na namang natunaw ang puso ko.

Nagdiwang ang kaluluwa ko sa pagpayag niya.

Ipinagtimpla ko siya ng kape at pinaupo sa couch ng maliit kong living room. Mabuti na lang at tinanggal ko na lahat ng alaala ni Jared. Malinis ang konsensya kong patuluyin siya rito ngayon.

Napag-usapan namin ang tungkol sa pamilya ko...

"Namatay sila sa storm surge. I wasn't there for them... Nandito na ako no'n sa Maynila, nagtatrabaho. Si Nanay, si Tatay, ang dalawa ko pang kapatid... Seven years old din ang bunsong si Claire nang mangyari ang trahedya. Kaedad lang ni Joyce," naikwento ko. Nalungkot tuloy ako nang maalala ko ang pamilya ko.

"I'm sorry to hear that," aniyang napatitig sa akin.

"Want a game of chess?" Pinasigla ko ang boses ko. Mas magandang kalimutan na ang mga negatibong bagay at mag-focus sa ngayon.

"Why not?" Ngumiti siya. Muling kumislap ang mga mata niya.

Inilabas ko ang chess board kong kahoy at tinulungan niya akong ayusin ang mga pieces sa board.

"Hindi ito kasing ganda ng chess mo sa inyo pero, special 'to para sa akin. Isa ito sa nabili ko sa unang sahod," wika ko.

"Maganda o simple, they're all the same. Aanhin mo ang maganda kung hindi ka naman mananalo?"

Is he talking about the chess board, or Marjorie?

We played like we did every night noong nasa katawan pa ako ni Marjorie. I almost win, nalusutan lang niya ako.

"See? What did I tell you? Hindi kailangang maganda para maging masaya," wika niyang napakaganda ng ngiti.

"Bakit gano'n? Natalo ako sa homecourt ko," reklamo ko.

Tumawa lang siya.

"I hate to go but I have to. Baka mag-alala na si Joyce," aniyang tumingin sa relo niya.

"Oo nga. She needs you. Sorry for keeping you here," tumayo na ako at inihatid siya hanggang sa sasakyan.

"Bye," aniyang dinampian ako ng halik sa labi na buong puso ko namang tinanggap.

"Ingat," tanging nasabi ko.

I watched him drove away bago ako pumasok ng bahay.

Teka, why did he kiss me?

  
   
 
 
Namilog ang mga mata ni Jenny nang maikwento ko 'yon kinabukasan.

"Oh gosh! He what?"

Napatingin ako sa paligid, baka kasi may nakarinig at mapagtuunan pa kami ng pansin ng mga kasama namin. Nasa trabaho na kami, walang gaanong customers kaya nakakapag-usap kami sa isang tabi.

"It seemed so natural! Nasanay na kasi kami sa gano'n while I was in Marjorie's body. Kaya siguro gano'n," I tried to reason out.

"Ikaw, oo! Pwedeng nasanay ka lang kaya tinanggap mo ang goodbye kiss niya. Eh, siya? Malayo kaya ang mukha mo sa asawa niya!" Halos hysterical pa rin siya.

Napatingin na lang ako kay Jenny. Tama siya, malayo ang mukha ko kay Marjorie. Malabong 'dahil nasanay' lang ang dahilan.

Pero bakit niya ako hinagkan?

 
  
 
 

Saturday... Pinuntahan ko ang cemetery at tinunton ang puntod ni Marjorie. Marahil ay napaaga ako, wala pa sina Raffy.

"Hello, Marjorie..." Mahinang wika ko na naupo sa damuhan sa harap ng pangalan niya. "Sorry sa ginawa ko, hindi ko rin naman gusto ang nangyari. Sana ay tahimik ka na sa kinalalagyan mo ngayon. Sana ay maging masaya ka para sa pamilya mo at sana ay okay lang sa 'yo sakaling mapalapit ulit ako sa kanila."

"Hi!" Boses ni Raffy na malayo pa lang ay nagtawag na. Sa isang kamay ay hawak niya si Joyce at sa isang kamay ay may bitbit siyang malaking bag.

"Heey..." Napangiti ako, lalo na sa bata na halatang nagtataka kung sino ako.

"Baby, siya si Tita Carlyn," ipinakilala ako ni Raffy sa anak.

"Ikaw po yong friend ni Mommy? Magaling ka na po?" Agad na nagliwanag ang mukha niya.

"Yes, baby," masayang sagot ko. Huli na nang mapansin ko ang mali ko. Tinawag ko siyang baby... Napatingin tuloy ako kay Raffy na napangiti lang habang inaayos ang dalang picnic cloth.

"Para ka po palang si Mommy..." Nakangiti siya, pero halata ang lungkot sa mga mata niya.

"Gano'n ba? Baka nahawa ako sa kanya," palusot ko sabay tawa.

Ngumiti lang din siya na mukhang naaaliw.

"Kumusta ka na?" Na-miss kita... gusto kong idagdag pero alam kong magtataka lang siya kapag sinabi ko 'yon.

Inakbayan ko siya at pinaupo sa kandungan ko. Tinanong ko siya tungkol sa school, hanggang sa mapag-usapan na namin halos lahat... Favorite food niya, favorite TV show niya, favorite song niya. Lumipas tuloy ang oras nang hindi ko namalayan. Hanggang sa nakatulog si Joyce sa kandungan ko.

"She instantly warmed up to you," mahinang sabi ni Raffy.

"Akala ko nga hindi niya ako kakausapin eh. Na-miss ko pa naman siya," hininaan ko rin ang boses ko upang h'wag magising ang bata.

"Kahit naman kasi nand'yan ka na, mararamdaman pa rin namin na ikaw ang nakasama at nagmahal sa amin ng halos isang buwan sa bahay. The way you talk, you smile, and move," tumabi siya ng upo sa akin at hinawi ang mga hibla ng buhok kong nakawala mula sa ponytail. His fingers settled on my chin as he bent to kiss me.

Tinanggap ko at tinugon ang halik niya. How I missed his kisses. I know, he's just missing his wife. Pero kahit pa gano'n, okay lang sa aking maging kasangkapan para maibsan ang lungkot sa puso niya. I admit, I love this man.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming naghalikan. Kung hindi pa gumalaw si Joyce sa kandungan ko, marahil ay hindi pa kami huminto.

"Daddy?" Pupungas-pungas na wika ng bata.

"Yes, baby?" Sagot agad ni Raffy.

"Gutom na po ako."

"Kain na tayo," sabi ko naman.

"Yes Mommy," wala sa sariling sagot ni Joyce.

Alam kong kakagising lang niya at inaantok pa siya kaya natawag niya akong Mommy. But it warmed my heart. Nayakap ko tuloy siya.

Kumain kami, nag-alay ng dasal kay Marjorie, at nagpasyang umuwi na. Hindi na naulit ang pagtawag niya sa akin ng Mommy. Tita Carlyn na ulit ang tawag niya sa akin.

Inihatid muna nila ako sa apartment ko. I kissed Joyce goodbye at kumaway lang ako kay Raffy. Pinigil ko talaga ang sarili kong mag-goodbye kiss din sa ama dahil nakatingin ang anak. Nakakahiya sa bata.

  
 
  
  
 
 
 
Madalas nang dumadalaw si Raffy sa akin for a cup of coffee, a game of chess, and a lot of kisses. Palagay ko, life support ko na ang presensya ni Raffy. Minsan ay nakikipagkita ako sa kanila ni Joyce sa mall, kunwari ay nagkataon lang na nando'n din ako pero tini-text na pala ako ni Raffy.

Natutuwa ako dahil close na kami ni Joyce na kagaya ng dati. Madalas, nasasabi niyang katulad ako ng Mommy niya bago ito namatay. I'm so glad na muli akong napalapit sa kanila. Paminsan-minsan ay isinasama nila ako sa bahay nila at doon kami nagba-bonding ni Joyce. Tapos ay maglalaro kami ng chess ni Raffy.

It went on for months...

 
 
 
 
 

Unwanted SurprisesWhere stories live. Discover now