Chapter 21

232 7 0
                                    

 
 
"Raffy?" Tanging nasabi ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Something flickered in his eyes... Is he surprised? Amused? Sa totoo lang, ako ang dapat na masurprisa dahil bigla na lang siyang lumitaw sa harap ko.

"So, you really love sweets," nakangiting sinulyapan niya ang halo-halo sa harap ko. Naupo siya sa harap ko.

"Kailangan kong magkalaman ulit. I lost lots of weight. Kumusta ka na? Si Joyce? Si Marjorie?"

"I'm good. Thank you for asking. Okay na rin si Joyce, medyo nalulungkot pa rin but she's doing fine. Si Marjorie..." Napayuko siya. Waring nangangapa ng susunod na sasabihin.

Nais ko nang mangati. What's with the long pause?

"Inilibing na si Marjorie three days after that incident. She died that night. Tinamaan ng bala ang baga niya," malungkot na wika niya.

"Oh my God! I'm so sorry!" Natutop ko ang bibig ko.

"Hey, don't cry! Baka sabihin nilang inaaway kita."

"Kasalanan ko 'yon 'di ba? It's my fault kung bakit namatay siya. Kung hindi ko ginawa 'yon, sana..." Umiiyak na talaga ako.

"It could have been me," dumukot siya ng panyo sa bulsa at ibinigay 'yon sa akin.

Tinanggap ko 'yon at doon ako sumubsob.

"I'm sorry... Kasalanan ko kung bakit wala na siya... Maiintindihan ko kung galit ka sa akin," sisinghot-singhot na sabi ko.

"I have no right para magalit sa 'yo. Pwede kitang sisihin, pero, would that bring her back? Saka, kung idedemanda kita, anong kaso? Homicide while you're still comatose? Hindi tanggap sa husgado 'yon. No, wala kang kasalanan. You acted on impulse, and Marjorie would have done the same if she loved me," nangingiting sabi niya.

If she loved me...

"Kailangan nating tanggapin na wala na talaga si Marjorie. Ang sabi ng kaibigan kong doktor doon sa hospital na pinagdalhan sa inyo the night of the car accident, dead on the spot daw si Marjorie. Pilit lang siyang ni-revive habang nasa ambulance kayong dalawa. They were able to bring her back to life at 'yon nga... Ikaw na pala 'yon," napailing pa siya habang nagkukwento.

"Pero..."

"Sshh... Let's not talk about that. Kumusta ka na?"

"Heto, malapit nang makabalik sa dating timbang. Babalik na rin ako sa work bukas. Bakit ka nga pala nandito? Hindi ba may work ka pa?"

"Kanina pa kita sinusundan, mula sa apartment mo. Matagal na rin akong padaan-daan sa place mo kaso, hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko kapag nagkaharap tayo. Baka bigla mo akong tanungin kung sino ako, wala akong maisagot. Mabuti na lang at nabigyan ako ng chance to ask you if you're okay. Any stranger can approach you like that."

May punto siya.

"Nagulat ka ba dahil kilala kita agad?"

"No. I was actually happy na marinig ang pangalan ko mula sa mga bibig mo. Kung hindi mo ako kilala, sasama siguro ang loob ko. I've been waiting for an opportunity to talk to you for a week. Hindi mo naman kasi ako hinintay sa hospital eh."

"Pumunta ka ro'n?"

"Yeah. Kaso nakalabas ka na raw. Nagmamadali ka raw yatang umuwi. Hindi naman kasi agad ako makapunta dahil sa wake ni Marjorie. At pagkatapos ng libing, hindi ko pa maiwanan si Joyce. She was so sad losing her mother."

"I'm really sorry," napayuko ako.

"I'm glad na naging masaya si Joyce bago tuluyang nawala ang ina. At least, bago nawala si Marjorie, minahal niya si Joyce at 'yon ang pinakaimportante sa lahat. She became a great mother to our daughter at habang-buhay na dadalhin ni Joyce sa memory ang sayang idinulot ng pagbabagong 'yon ng ina. I would like to thank you for that, Carlyn. I never wanted her to grow up hating her Mom. Thank you ulit."

Wala na akong masabi. Kakaiba talaga si Raffy... He's really a good man. Pwede na ba akong ma-inlove sa kanya ngayon?

 
  
  

 
He offered to drive me home pagkatapos naming mag-usap sa mall. Of course, pumayag ako. Gusto ko siyang makausap nang mas matagal pa. Na-miss ko siya nang husto.

Napag-alaman kong natulala din ang lalaking bumaril sa akin noong gabing 'yon. Tamang-tama lang din na nabaril ako, or si Marjorie, nang dumating ang mga guard na tinawagan ni Joyce kaya walang kahirap-hirap na nahuli nila ang natulalang lalaking may hawak pang baril. Nakakulong na 'yon ngayon at naghihintay na lang ng araw ng trial.

"Dinadalaw namin ni Joyce si Marjorie every Saturday morning. Minsan, nagpipicnic kami doon hanggang lunch," wika niya nang malapit na kami sa apartment ko.

Is it an invitation?

"Pwede ba akong sumali?" Tanong ko.

"Of course. I think, Joyce will be happy to finally meet you. You should come sometime."

Nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng apartment ko, nakaramdam ako ng lungkot. Parang ayaw ko pang matapos ang gabi...

I should say something...

Still, hindi ko dapat kalimutan na ako ang dahilan kung bakit wala na si Marjorie. Is it really okay for him to be hanging out with me?

Kaso, the more I look at him, the more I'm convinced that I really love this man.

Unwanted SurprisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon