Chapter 17

243 8 0
                                    

 
 
 
Nagising ako sa halik na dumampi sa pisngi ko.

"Sorry. Did I wake you up?" Mahinang tanong ni Raffy.

Nang makita ko ang mukha ni Raffy, at ma-realize kong magkatabi kami sa higaan, agad kong naalala ang nangyari kagabi. Automatically, nayakap ko ang sarili ko...

Shocks! I'm naked!

Tuluyan na akong nagtago sa kumot. Tinakpan ko ang mukha ko.

"Are you mad? Sorry kung hindi ko napigil ang sarili ko last night," nag-aalalang hinging paumanhin niya.

"Nahihiya ako... Nakakahiya..." Tanging nasabi ko na ibinaba ng kunti ang kumot upang lumabas ang mga mata ko. Hanggang mata lang...

"Just don't hate me, please?"

Paano naman akong magagalit kung naka-puppy eyes ka?

"Asawa mo naman 'to eh. You have the right. Nahihiya lang ako kasi, first time kong lumagpas sa limit," I almost whispered the last six words.

"You're so cute when you're blushing. Thank you for the wonderful night. You made me so happy," yumuko siya at hinagkan ako sa noo.

Pinanood ko lang siyang bumangon nang tuluyan at pumunta ng banyo. Good, he's wearing boxers. Ako lang talaga ang walang saplot. Gosh! Pagtatawanan ako ni Jenny nito, sigurado.

Muling pumasok sa isip ko ang ginawa ni Raffy kagabi. Gano'n pala 'yon...

Bago pa ako tuluyang matulala at muling mangarap, kumilos na ako, bago pa ako abutan muli ni Raffy na wala pa ring damit. Mabilis kong hinanap ang mga nahubad kong damit at kahit nahihirapan ay isinuot ko yon habang nakatalukbong ako ng kumot.

Pero bakit ba ako mahihiyang makita niyang hubad? Katawan naman 'to ng asawa niya. Saka, it wasn't me he made love to last night... It was Marjorie.

It's no big deal... Right?

Kaso, ako ang nakaramdam eh.

Kung mauulit 'to, wala akong karapatang itanggi kay Raffy ang karapatan niya. Ang tanong, paano na lang kung masanay ako at hanap-hanapin ko?
 
 
 
Raffy became sweeter. Palagi na siyang nakaakbay, nakayakap, at meron na rin siyang goodbye kiss at hello kiss ngayon. Minsan gusto ko siyang tanungin kung sino ba ako sa isip niya, pero I know the answer...

I'm his wife Marjorie...

Siguro ay naniniwala siya kay Nora na nagpi-pretend lang ang brain kong ibang tao ako. Siguro ako lang ang naniniwala na ako si Carlyn. Hindi na ako magtataka kung sinasakyan nga lang niya ang 'paniniwala' na 'yon just to be closer to me and claim his right as a husband.

Okay lang naman 'yon. Hindi naman akin ang katawan na 'to kaya hindi ako dapat maging apektado. Kapag lumipas ang lahat ng 'to, magmu-move on lang ako na parang walang nangyari. I doubt kung magkikita pa kaming muli sakaling makabalik na ako sa tunay kong katawan.

Hindi na siguro...

Funny... I feel sad just thinking na baka hindi na kami magkita balang-araw. I dreaded the possibility that I might be falling in love with a married man...
 
 
 
 
"What?!" Shock na bulalas ni Jenny. Nakatakip pa sa bibig niya ang isang kamay.

"Nalasing kasi ako..." Pagdadahilan ko.

Tumawa na ang loka.

"Nakakaasar ka! H'wag mo naman akong pagtawanan! Guilty na nga ako eh..." Pagmamaktol ko.

"At bakit ka magi-guilty? Wala kang ginawang masama. Untouched pa rin naman ang katawan mo dito oh... Ang sarap ng tulog. Tama lang na isipin mong ibinibigay mo lang kay Raffy ang karapatan niya as a husband."

"Mabuti na lang at ikaw ang best friend ko."

"So, how does it feel?" Nakangiti siya na parang pusang naka-corner ng daga.

"Are you expecting me to go into details?" Namumula sa hiyang napanganga tuloy ako.

Humagikhik na siya.

"Ano ka ba! Okay lang 'yon. Pero sana, h'wag kang ma-inlove sa kanya. Masasaktan ka lang," paalala niya.

"Thanks, Jenny," niyakap ko siya.

"You're welcome my friend," tinapik niya ako sa likod.

Kumalas ako sa kanya at tinitigan ang comatose kong katawan.

"Palagay mo, hindi kaya nasa katawan ko ang kaluluwa ni Marjorie?" Tanong kong umupo sa upuan na katabi ng kama.

"Pwede... Magkasama daw kasi kayo sa ambulance nang dinala dito. Baka nagkapalit kayo ng kaluluwa."

"Eh bakit ayaw pa ring bumalik ng lahat sa dati? Araw-araw na akong nandito. Minsan nga ay umiidlip ako dito sa tabi, hawak ko pa siya sa kamay, pero wala pa ring nangyayari. Nandito pa rin ako sa katawan niya pagkagising."

"Baka kailangan mong maaksidente ulit para makabalik sa katawan mo?"

"Seryoso ka?"

"Wala akong maisip na ibang dahilan. Sorry," alanganing ngiti lang ang ibinigay niya sa akin.

Parang hindi pa rin kapani-paniwala ang lahat. Pero ano nga ba ang dapat kong gawin para makabalik sa katawan ko?
 
 
 
 
Nahihiya pa rin ako kay Raffy dahil sa nangyari. Mistula akong teenager na nagkakaroon ng crush sa aking housemate. Napatitig na lang tuloy ako sa mga goldfish sa aquarium. Mabuti pa itong mga isdang 'to, walang problema. Kakain lang, lalangoy lang...

"Mommy!"

Napalingon ako kay Joyce. Agad akong napangiti. Heto ang isang dahilan kung bakit hindi pa rin ako nababaliw. Napamahal na sa akin ang batang ito.

"Come here baby," iniunat ko ang kamay ko.

"Why are you sad Mom?" Tanong niya pagkalapit.

Mukha ba akong malungkot habang nakatitig sa mga isda?

"Naiisip ko lang kasi ang friend kong maysakit ngayon. Nasa hospital siya. Hindi pa rin siya nagigising."

"Kawawa naman po siya. Ano pong sakit niya?"

"Accident din. Kaso, comatose pa rin siya."

"Comatose po? Katulad po sa nangyari kay Rick do'n sa Walking Dead?"

Muntik na akong mapangiti sa naisipan niyang basehan. Walking dead talaga?

"Yes, baby. Alam mo, kapag nagising na siya, tiyak na gugustuhin ka niyang makita."

"Talaga po?"

"Yes, baby. Sana gumaling na siya."

"Sige po Mommy, ipagpi-pray ko po siya kay Papa Jesus na gumaling na siya."

"Thank you, baby. Alam kong pakikinggan ka ni Papa Jesus kasi mabait kang bata," niyakap ko siya at hinagkan.

Ewan kung bakit, pero parang gusto kong umasa na baka nga magising ako kapag si Joyce na ang magdasal.

 
 

Unwanted SurprisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon