Chapter 19

220 5 0
                                    

 
 
Blip... Blip... Blip...
   

Ano naman ang tunog na 'yan? Ang ingay...

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko agad ang kung anuman itong nakasaklob sa ilong ko. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko upang tanggalin ang bagay na nasa mukha ko pero hinang-hina ang kamay ko. Maigagalaw ko ang mga daliri ko pero hindi ko halos maiangat ang mga kamay ko sa sobrang bigat. Pakiwari ko ay wala ako kahit kunting lakas man lang.

Iginala ko ang mga mata ko. Dextrose ang sumunod kong nakita. I slowly turned my head from side to side. Pakiramdam ko ay kinakalawang na yata ako. Ang hirap gumalaw. Ang sakit ng leeg ko igalaw. Masakit din ang siko ko. Muli kong iginalaw ang mga kamay ko. Hindi ako huminto hanggang sa makayanan ko na itong iangat. Ang bigat talaga, masakit sa siko.

"Carlyn?"

Tiningnan ko ang taong lumapit sa tabi ko. Si Jenny...

"Hhhh..." I tried to speak pero hangin lang ang lumabas sa bibig ko. Bakit ba kasi may nakakalang sa bibig ko?

"Oh my God!" Natutop ni Jenny ang bibig niya.

May pinindot siyang button sa wall at muli akong binalikan.

"Gising ka na?" Natatawang naiiyak na tanong niya sa akin.

I rolled my eyes. Alam ba niyang hindi ako makasagot?

"Kilala mo ba ako? Blink once for yes, twice for no."

Kumurap ako ng isa. Tuwang-tuwa na nahawakan niya ang kamay ko.

May pumasok namang nurse at agad akong tiningnan. Hindi nagtagal at dumami na ang mga tao sa kwartong 'yon. Si Jenny ay wala nang nagawa kundi ang tumayo na lang sa bandang paanan ko at manood.

Sa gitna ng waring pagkakagulo nila ay bumalik sa isipan ko ang nangyari kagabi. Oo nga pala, nabaril yata ako sa likod. Niyakap ko kasi si Raffy nang akmang babarilin na siya ng lalaking 'yon.

Hinanap ng mga mata ko si Raffy. Bakit si Jenny ang nandito at wala si Raffy? Nasaan siya? Baka naman busy lang. Naisipan ko na lang na matulog ulit sa kalagitnaan ng pagtatanong ng mga nurse.

 
 
 
"Good morning!" Masiglang bati ni Jenny.

"Mmm..." Sa wakas, wala na akong kalang sa bibig. Pero soft diet pa rin ako. Bakit kaya? Gusto ko pa namang kumain ng kanin.

"Ang daya mo, nakatulog ka ulit kagabi. Ang tagal tuloy bago ako nakabalik din ng tulog. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Itinaas-baba ko ang mga kamay ko.

"Masakit pa rin ang mga kasu-kasuan ko pero mas okay na ngayon..." Mahinang sagot ko.

"Aabsent muna ako ngayon para may kasama ka."

"Si Raffy?"

Nagulat siya sa itinanong ko. Parang hindi niya inasahan na hahanapin ko si Raffy.

"May nangyari ba sa kanya? Binaril din ba siya ng lalaking 'yon?" Nais ko nang bumangon at hanapin si Raffy sa labas.

"Ha?"

"Nabaril ako kagabi pag-uwi namin. Siya sana ang babarilin kaso humarang ako kaya ako ang tinamaan. Nasa'n na siya? Binaril din ba siya? May nangyari ba sa kanya?" Puno na ako ng pag-aalala.

"Relax my friend... Hindi pa dumalaw si Raffy. Hindi pa siguro niya alam na gising ka na. Saka, tingnan mo 'to..." May dinukot siya sa bag niya at ibinigay sa akin.

Salamin...

Tinanggap ko ang salamin at kabadong tiningnan ang reflection ko. Nakita ko ro'n ang matagal ko nang gustong makita...

"I'm back..." Parang hindi ako makapaniwala na hindi na mukha ni Marjorie ang nakikita ko sa salamin.

"Welcome back, Carlyn," nakangiting wika ni Jenny.

 
 
So... I'm back...

Syempre natutuwa ako. Pero bakit ba parang may kulang? Siguro kasi hindi ko pa nakikita si Raffy.

At bakit ko naman siya dapat na makita?

Pero kung nakabalik na ako sa tunay kong katawan, hindi naman kaya nakabalik na rin si Marjorie sa katawan niya?

He must be so happy right now, being reunited with his wife for real...

That must be it... Saka bakit naman ako dadalawin ni Raffy? Hindi naman niya ako kaanu-ano para pag-aksayahan pa ng panahon.

Ibinuhos ko na lang ang atensyon ko sa aking therapy para makalakad at makakilos na agad ako nang maayos. Halos isang buwan akong nakaratay kaya sobrang nanghina ang katawan ko. Gusto kong lumakas na agad upang makauwi na ako sa apartment.
  
 
 
 
  
  
Nang tuluyan na akong lumakas at nakauwi na rin sa wakas sa apartment ko, sa pagliligpit ko naman ibinuhos ang atensyon ko. Lahat ng related kay Jared ay pinagtatapon ko. Month-sarry gifts, souvenirs, pictures, at mga wrapper ng chocolates na binili niya para sa akin.

I still have a week before going back to work. Mabuti na lang at mabait ang boss ko. Saka maganda rin naman kasi ang performance ko sa work. Minsan na nga raw niyang dinalaw ang comatose kong katawan sabi ni Jenny.

Kaso, pagkatapos kong mag-general cleaning, napaupo na lang ako at wala nang magawa. Kahit ayoko, tuksong pumasok sa isip ko si Raffy...

His kisses... His touch... Embrace...

Pumatak ang luha ko nang maalala ko ang huling sandaling nasa bisig niya ako.

Dying in his embrace... Literally!
 
I scoffed. Nakakatawa naman. Yon ay kung kaya ko sanang tumawa.

Okay lang 'yon... At least nakasama ko siya kahit ilang linggo lang. At least, nasabi ko sa kanyang mahal ko siya sa huling sandali ng pagsasama namin.

Bakit ko ba kasi siya minahal? Nakakainis naman... Wala talagang pag-asa itong puso ko... Una, umibig sa isang playboy, ngayon, nagmahal sa isang may-asawa na.

Huwaaaah!!!

Sana, pwedeng palitan ang puso. Papalitan ko talaga 'to ng pusong bato.

Pero... Naiisip din kaya ako ni Raffy?

Unwanted SurprisesWhere stories live. Discover now