Chapter 6

223 5 0
                                    

 
 
Pagkatapos ng medyo mahaba-habang byahe dahil sa traffic, pumasok na kami sa isang sikat na subdivision sa buong kamaynilaan. Sa totoo lang, dati ko nang pinangarap ang tumira dito. Sa mga TV ads saka sa flyers ko lang ito nakikita dati. I never thought a day would come where I'll be able to see it with my own eyes.

Or Marjorie's eyes...

Pagkatapos ng ilang kaliwa't kanan, huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay na may mataas na gate.

Kombinasyon ng itim at puti ang bakal na gate. Napakaganda ng pagkakadesenyo sa mga grills nito. Makikita mula sa labas ang second floor ng malaking bahay. Itim at puti rin ang theme nito. Puti ang mga dingding at tinted ng itim ang bintanang salamin. Kita rin ang malaking veranda na may malaking payong pa sa gitna ng isang mesa at mga upuan. Itim rin ang bakal na grills na very stylish ang pagkakagawa.

Mas maganda pa ito sa bahay ni Mark.

"Listen... You're name is Marjorie. You're my wife. We have a daughter named Joyce and she's been waiting for you to come home," wika naman ni Raffy na tinititigan ako nang mabuti.

Brainwashing?

"Naiintindihan ko..." Tanging naisagot ko.

He sighed. Mali na naman ba ang sagot ko? Bumusina na siya ng tatlong sunud-sunod at natahimik na. Waring may iniisip.

Am I right in saying na mabait siyang tao? Paano kung may sarili din siyang pag-uugali na hindi ko magustuhan?

Waring nagising ako sa ingay ng bumukas na gate.

"Siya si Ate Sheila, kasambahay natin. Three years na siya sa atin," wika niya na tinutukoy ang medyo payat na babaeng nagbukas ng gate. Tantiya ko ay edad trenta pataas na ito.

Pinausad na niya ang kotse papasok at nais kong mamangha sa nakita kong ganda ng garden sa harap lang ng bahay. Meron pang fish pond na may water falls sa pinakagitna ng mga bulaklak at meron ding garden set.

"Ang ganda!" Hindi ko napigilan, naibulalas ko ang paghanga ko.

"That's how you wanted it," sagot niya.

Natigilan ako nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nakakalungkot nga naman kung bigla ka na lang mabura sa alaala ng asawa mo. Hindi lang ikaw, kundi lahat ng namamagitan sa inyo... Anak n'yo, bahay n'yo...

Huminto ang sasakyan sa harap ng nakabukas na main door. Nakita ko kaagad ang isang batang babae na nakatayo doon, nakatingin sa amin.

She must be Joyce.

Maganda siya, mahaba ang buhok, medyo chubby, at matangkad kumpara sa pangkaraniwang mga seven-year-olds. Nagmana siya sa height ng ama, pero ang facial features niya, mana sa ina. May yakap-yakap siyang puting bunny na stuffed toy.

"You really can't remember her?" Mahinang tanong ni Raffy.

Hindi na ako sumagot. Ayoko nang dagdagan pa ang sama ng loob niya. Kumilos na lang ako upang bumaba ng sasakyan. Nginitian ko si Joyce na masaya namang ibinalik ang ngiti ko.

What's next? Should I hug her? Kiss her?

Mabuti na lang at nilapitan na siya ni Raffy at kinarga.

"Hi, Baby. Mommy's home na," wika ni Raffy na inilapit ang bata sa akin.

"Welcome home, Mommy!"

Napalunok ako nang humalik si Joyce sa pisngi ko.

"Thanks, Baby Joyce," naisagot ko.

Na-realize kong mali ang pagdugtong ko ng Joyce sa Baby nang sabay silang mapatingin sa akin. Sinong ina ba naman ang maglalagay pa ng pangalan ng anak karugtong ng endearment?

"Baby, listen... Mommy is still sick, okay? She forgot a lot of things about us. Can you help her remember things?" Mahinang sabi ni Raffy sa anak.

Tango lang ang isinagot ng bata. Napansin kong hindi siya madaldal.

"Don't worry. Mommy will be fine," I assured her with a smile.

Sana nga bumalik na sa ayos ang lahat... Makabalik na ako sa katawan ko at makabalik na rin si Marjorie sa pamilya niya.

"Okay, maglaro ka na muna. Mommy needs rest," ibinaba na ni Raffy ang bata na kumaway lang sa akin bago tumakbo paakyat sa hagdan.

Nais ko na namang mapanganga nang makita ang magarang kabuuan ng living room. Mula sa mga set, kasangkapan, at mga display, masasabi kong hindi simpleng tao lang ang nakatira dito. Ito 'yung palagi kong nakikita sa mga magazines na pang-modern home designs. Gold and silver ang theme ng living room. Green and brown naman ang dining room. Ang kitchen, white and grey.

"That's the library. Next to it is my office. D'yan ako nagtatrabaho kapag hindi ko kailangang mag-report sa office ko sa Ortigas," turo niya sa dalawang magkasunod na pinto na kaharap lang ng living room. Napansin yata niyang iniikot ko ang bahay at halatang namamangha ako sa nakikita.

Hindi lang doon natapos ang pamamangha ko. Pag-akyat namin sa taas, merong malaking entertainment room doon na waring KTV VIP room, mas malaki nga lang. Pwede pa ngang magdisco sa harap ng 60" flat screen TV. Sa isang dulo ay sliding door palabas ng veranda. Merong dalawang guest room, kasunod ay ang toilet and bath. Ang kwarto ni Joyce at ang master's bedroom ay magkatabi, tapos ay prayer room na.

Ang master's bedroom ay napakaganda rin. Pula ang napakalaking canopy bed sa gitna, katerno ng mahabang couch sa isang tabi. Sa bandang ulunan ng kama, napakaganda ng wedding portrait na nakasabit. I can't help but stare at the bride and groom in the picture.

Napakaganda ni Marjorie suot ang puting gown na napapalamutian ng pearl and diamonds. Halatang bata pa talaga si Marjorie, sa picture. Pareho silang mukhang napakasaya base sa mga ngiti nilang labas ang mga ngipin.

"Do you remember something?" Tanong ni Raffy na nasa likod ko na pala.

Umiling lang ako. Hindi naman kasi ako 'yan... gusto kong sabihin, but I know it will be useless.

Narinig kong bumuntong-hininga siya. Pinigil ko ang sariling gumaya. Kakayanin ko ba ang lahat nang ito?

Unwanted SurprisesWhere stories live. Discover now