Chapter 8

212 7 0
                                    

  
  
Hindi ako mapakali nang matapos ang hapunan. Iisa lang naman ang problema ko...

Matutulog ba ako sa tabi ni Raffy? Paano kung mangalabit siya? Anong gagawin ko?

Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang kwarto ni Joyce. Nasa baba pa si Raffy, marahil ay nasa office niya. Okay lang naman siguro kung kay Joyce ako makikitulog ngayong gabi.

Kumatok muna ako sa kwarto ni Joyce bago ko binuksan ang pinto. Nakaupo siya sa kama niya at nilalaro ang bagong biling dress up Barbie.

"Hi, baby!" Bati ko.

Nagulat siya nang makita ako. Sa halip na sumagot ay mabilis siyang bumaba sa kama at pinagdadampot ang mga nakakalat na laruan sa sahig. Wari siyang natataranta sa sobrang pagmamadali. Nagkakandahulog pa nga ang iba mula sa pagkakahawak niya kaya paulit-ulit niyang pinupulot ang ibang toys na nasa sahig.

"Joyce?" Pumasok na ako at isinara ang pinto.

Ngunit lalo lang siyang nagmadali. Ni ayaw niyang tumingin sa akin. Nagtataka na talaga ako.

"Joyce..." Lumapit na ako. Naisip kong tulungan na lang siya.

"Sorry po Mom! Sorry I forgot to clean up. Sorry po na madaming kalat. I'm sorry po! I'm sorry po!" Sunod-sunod na bulalas niya.

"Joyce, okay lang," malumanay na wika kong dumampot na rin ng laruan upang matulungan siya.

Ngunit tuloy pa rin siya sa mabilis na pag-ipon ng mga laruan sa bisig niya saka itatakbo sa malaking toybox sa isang tabi. Pagkatapos niyang maihulog doon ang mga toys, balik naman siya sa pagpulot ng iba pang natira sa floor. May mga books pa doon, crayons, pencil, face towel, at kung anu-ano pang pwedeng makita sa kwarto ng isang bata.

Nakangiting hinawakan ko siya sa balikat para mag-slowdown siya. But as soon as my hand touched her shoulder, she flinched and froze. Nagulat ako.

She's scared of me!

Napaluhod ako at niyakap siya. Doon na siya nagsimulang umiyak.

"Sshh... It's okay... Tahan na... Sorry na ha?" Inalo ko na lang siya sa mahinang boses.

What the heck was Marjorie doing to this kid?

Nanatili kami sa gano'ng posisyon hanggang sa kumalma siya. Hinagod-hagod ko ang kanyang likuran. I felt she slowly relaxed.

"You're not mad, Mom?" Tanong niya pagkamaya-maya.

"No, I'm not. Kaya h'wag ka nang umiyak ha?" Kumalas ako sa pagyakap sa kanya at sinilip ko ang mukha niya.

Tumango naman siya, pero nakayuko pa rin.

"Tara, maghilamos muna tayo," tumayo ako at niyaya ko na siya sa banyo.

May sariling banyo si Joyce sa kwarto niya. Meron siyang inflatable pool na anytime ay pwede niyang punuin ng tubig. Merong shower curtain na tumatabing sa shower. Mabuti pa dito...

Pagkatapos niyang maghilamos ay binalikan namin ang mga natirang kalat. Tinulungan ko na siyang magligpit.

"Thank you po," sabi niya nang mailigpit na namin lahat.

"You're always welcome, baby. Ano bang nilalaro mo?"

Napakabait talaga ng batang ito. Ipinakita niya ang naka-evening gown na si Barbie. Sumali na ako sa pagbibihis sa ilan pang mga Barbie dolls niya at pinag-tea party namin sila. Nakakatuwa pa rin pala maglaro ng manika, specially, hindi ako nagkaroon ng maraming manika noong bata pa ako.

After we played with dolls, nagbasa naman kami ng story books. Ako ang nag-narrator, siya ang nagda-dialog. Nag-enjoy kami pareho hanggang sa naghikab na siya.

"Sleep ka na baby? Nine na pala, ang bilis ng oras," I can't believe dalawang oras na ako rito.

"Sige po Mommy. Goodnight po," aniyang iniligpit ang mga story books.

"Can I sleep here with you?"

"Talaga po?" Biglang sumigla ang boses niya.

"Kasya naman siguro tayo sa bed mo, 'di ba? Malaki naman 'to."
 
"Opo!"

Pinatay ko ang ilaw. Tanging ang blue na night lamp na lang ang nakasindi. Tinabihan ko siya sa kama, hinagkan sa noo at niyakap.

"Goodnight," bulong ko sa kanya.

"Goodnight Mom. I love you po," mahinang wika niya na pumikit na. Kaagad siyang nakatulog.

It's a different feeling na matulog na may yakap kang bata. It's warm and soft. Ang bango pa niya. Di katulad ng unan ko sa apartment.

I was close to falling asleep when the door opened. Nagkunwari akong tulog at sinilip si Raffy through my eyelashes. He scanned the floor first, checked the bathroom, and then went back beside the bed. Hinagkan niya si Joyce sa noo. Nalanghap ko ang cologne niya, banayad ito sa ilong, parang nakakarelax.

He's a good father...

Then he kissed me on the cheek. Inayos lang niya ang kumot namin ni Joyce at lumabas na ng kwarto. I think he really missed his wife.

Sorry Raffy..

 
 
I tried to imagine my old self as I was falling asleep. Baka sakaling gumana at magising na ako bilang Carlyn kinabukasan. Kaso, nanaginip ako ng kakaiba...

Nasa hospital daw ako at naglalakad papuntang ICU. Kabadong binilisan ko ang paglalakad, ngunit habang binibilisan ko ang paglalakad, pakiwari ko ay lalong lumalayo ang kinaroroonan ng ICU. Tumakbo na ako upang marating ko 'yon agad.

Nadaanan ko si Jared na parang inaabangan ako sa labas ng isang pinto. May sinasabi siya dahil gumagalaw ang mga bibig niya pero wala akong marinig na salita. Feeling ko tinatawag niya ako, but I ignored him. Nilagpasan ko siya. Nakita ko si Jenny, pero parang hindi niya ako nakikita. Nilagpasan ko rin siya. Kailangan kong magmadali, hindi ko alam kung bakit.

Nang sa wakas ay marating ko rin ang ICU, huminto ako. Nagdalawang-isip ako kung papasok ba ako o sisilip na lang sa salamin.

Pero gusto kong pumasok...

Marahan akong humakbang palapit sa pinto. Marahan ko rin 'yong binuksan na para bang natatakot akong makalikha ng ingay. Ngunit nang pagpasok ko, wala akong nakitang katawan na nakaratay do'n. May kama, pero walang laman.

"Mabuti at dumating ka," biglang may nagsalita sa likuran ko.

Paglingon ko, nakita ko si Marjorie. She was standing like a model in her red cocktail dress and silver stiletto and silver choker.

"Marjorie..." Tanging nasabi ko.

"Kumusta?"

Nang hindi ako nakasagot, ngumiti siya at nilapitan ako. I can feel her overwhelming authority at pakiwari ko'y naumid ako.

"Carlyn... Please take care of them for me. Marami akong pagkukulang sa kanila, sana, kaya ko pang bumawi," wika niya ulit.

"Kaya mo... Bumalik ka na..." Tanging nasabi ko.

Ngunit sa halip na sumagot ay tumalikod siya at tinungo ang pinto. Gusto ko siyang pigilan, pero ano ang dapat kong sabihin?

Nang makalabas na siya ng pinto, saka ko lang naisip na sumunod. Nilapitan ko ang pinto at pinihit ang doorknob, ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko na mabuksan pa ang pinto.

That's when I woke up. Agad kong tiningnan ang paligid, hoping na nasa hospital na ako. Hoping na ako na ulit si Carlyn. Pero ang natutulog na si Joyce ang unang bumati sa mga mata ko.

I'm still here...

 

Unwanted SurprisesWhere stories live. Discover now