Chapter 12

224 7 0
                                    

 
  
"Ano nang gagawin mo ngayon?" Tanong ni Jenny.

"Ewan ko. Siguro magri-research ako. Baka sakaling may ganito nang nangyari dati. Tulungan mo naman ako. Maliban kasi sa magtanong, wala na akong magagawa kundi ang maghintay at umasang bukas pagkagising ko ay nakabalik na ako sa katawan ko."

"Sana nga," hinawakan niya ako sa mga kamay.

"Salamat ha? Hindi mo ako pinabayaan."

"Utang 'yan. Akala mo ba libre lang 'yan? Ang mahal kaya ng isang araw sa ICU."

"Tiyak na mamumulubi ako nito pagkabalik ko."

"Kaya natin 'to Carlyn," tinapik niya ako sa balikat.

Naiyak na naman ako nang marinig ang pangalan ko. I'm so glad that I finally have someone that believes in me and calls me by my real name.

Sinubukan kong hawakan sa kamay ang comatose kong katawan at pumikit ako. Inisip kong lumipat sa katawan ko pero pagdilat ko ay si Marjorie pa rin ako. Alam kong maging si Jenny ay umasa rin na baka gumana, pero niyakap na lang niya ako nang walang nangyari.

"H'wag lang tayong mawalan ng pag-asa," sabi pa niya.

"Wala naman kasing ibang choice," malungkot na wika ko.

Matagal kong tinitigan ang nakaratay na Carlyn. Marami pa kaming napag-usapan ni Jenny tungkol sa mga nakaraan pero palagay ko'y nagri-reminisce lang siya upang matiyak na ako nga ito.

After a while ay nagpaalam na rin ako. Susunduin pa namin si Joyce sa school saka kami bibili ng cellphone na magagamit ko pansamantala. Mahirap nang maipit kami sa traffic at umiyak si Joyce kakahintay sa sundo niya kapag inuna namin ang phone.

Natuwa si Joyce nang makita ako. Agad niyang ibinida na naging top siya sa test nila at napuri siya ng teacher dahil behave lang siya sa klase.

"Ang galing-galing mo naman pala talaga! Ano ang gusto mong prize?" Natutuwang tanong ko naman.

"But Mom, sabi mo, hindi magandang masanay ako sa prize. Kaya okay na po ako na kasama ka ni Daddy sa pagsundo sa akin," sagot naman ni Joyce.

Gano'n?

Napatingin lang ako kay Raffy na mataman din palang nakatingin sa akin.

"Eh di, mag-ice cream na lang tayo!" Pinasaya ko ang boses ko.

"Yeey! Ice cream!" Tuwang napatalon-talon si Joyce. Napangiti na lang si Raffy.

Nang makapuwesto na sa likuran si Joyce at makapag-seatbelt na kaming lahat, bahagyang humilig si Raffy palapit sa akin at bumulong...

"You've really change..."

I did not... Gusto kong sabihin ngunit ngumiti na lang ako.

Nag-ice cream muna kami bago bumili ng phone. Gusto ko 'yung katulad ng phone ko, ngunit ang katulad naman ng phone ni Marjorie ang kinuha ni Raffy. Hindi na ako nagreklamo. Pera naman niya 'to.

Ang pinakauna kong ginawa pagkahawak ko sa phone ay kaagad akong nag-selfie kasama si Joyce. Mabuti naman at pumayag si Raffy na bumili na lang ako ng bagong sim card. Siya na ang nag-save ng number niya sa bagong phone ko. Gano'n pa man, si Jenny pa rin ang una kong tinext. Tatlo lang ang memorized kong cellphone number... Akin, kay Jenny, at kay Jared.

Pero kahit magunaw pa ang mundo, hinding-hindi ko na iti-text pa si Jared... ever!

Pagdating sa bahay, tinulungan ko si Joyce sa assignment niya. Napapansin ko na talagang tinititigan ako ni Raffy. Para bang inoobserbahan niya ako. Napapansin na ba niyang iba nga ako kay Marjorie?

Unwanted SurprisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon