Chapter 11

221 8 0
                                    

 
Tawa nang tawa si Raffy habang nagmamaneho.

"Eh, hindi ko nga alam ang password," I reasoned for the second time.

"Takang-taka ako nang mag-text si Ate Sheila. Akala ko may emergency. Nagulat ako dahil ikaw pala ang naki-text gamit ang phone niya."

"Maging si Ate Sheila nga nagtaka nang sabihin kong makiki-text ako. Akala niya naputulan ako, nang sabihin kong hindi ko alam ang password, ayon, natawa rin siya."

"Don't worry, we'll buy a new phone before going home. Transfer lang natin ang sim card para nando'n pa rin ang mga contacts mo."

"Gano'n na nga lang siguro ang magagawa natin. I really don't know the password."

Kasi nga naman, hindi ako si Marjorie.

Pagdating sa hospital, dumeretso na ako sa ICU habang kinausap naman ni Raffy ang kakilala niyang doctor. Inabutan ko si Jenny na paalis na.

"Jenny," hindi na ako nakapag-isip.

Nagtatakang napatitig lang siya sa akin, nagtataka.

"Do I know you?" At least, kinausap niya ako. Kahit pa hindi talaga siya nakikipag-usap sa mga strangers.

"Listen, this may sound crazy but you have to believe me..."

Kung sasabihin kong ako si Carlyn, maniniwala ba siya?

"Yes?" Untag niya sa biglang pagtahimik ko.

"I know what happened that night," sabi ko.

Nagbago ang expression niya. Nawala ang pagkainis at napalitan ng pag-aalala.

"Anong nangyari? Bakit naaksidente si Carlyn? We're you there?" Sunud-sunod na tanong niya.

"Dahil kay Jared. Nakita kong..." Simula ko ngunit biglang dumating si Raffy.

"Hon, Doc Marco said we can as long as pumayag lang ang guardian niya. And the guardian has to be there as well," wika niyang lumapit. Nang makita niyang kausap ko si Jenny, tumango siya rito.

"Si Jenny, best friend k... ni Carlyn. Ahm, Jen, si Rafael, husband... ko..." awkward na pagpapakilala ko sa dalawang agad namang nagkamay.

"Ikaw ba ang guardian ni Miss Reyes? Can we see her? My wife really want to see her," may halong pakiusap na tanong ni Raffy.

"Pero..." Nag-alangan si Jenny.

"Please. At kailangan din nating mag-usap. There's something I must tell you," namilit na ako.

She sighed, then tumango na siya.

"Raff, pwede bang kami na lang ni Jenny?" Baling ko kay Raffy.

"Okay. I'll just be over there," sagot ni Raffy na itinuro ang hilera ng mga upuan sa di kalayuan.

Pagkapasok ko ng ICU, hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"Lord, bakit? Bakit kailangang mangyari 'to? Bakit ganito?" Ngumawa na ako.

"Hey, relax! Hindi 'yan ganyan kalala. Sabi ng doctor, okay naman ang mga internal organs niya. Okay din ang CT-scan. Talagang ayaw lang niyang magising. Pero sabi ni Doc, maaari na siyang magising anytime. Ililipat na nga raw siya bukas sa private room," lumapit si Jenny at tiningnan din ang tulog na katawan.

"Talaga? Okay ang lahat sa katawan niya? Thanks God!"

"First of all, anong pangalan mo? Bakit kilala mo ako? Ano ka ni Carlyn? At ano ang nangyari nang gabing naaksidente siya? You said something about Jared, what was that about?" Pinuno na naman niya ako ng mga tanong.

"Hindi ko alam kung paniniwalaan mo 'to... Pero ako si Carlyn. Naaksidente ako at nang magising, nandito na ako sa ibang katawan."

Saglit siyang natulala.

"Jenny, alam kong napakaimposible, kahit ako, hindi rin makapaniwala, pero heto, nangyari..."

"Okay, you're expecting me to believe you," nagbago ang tono niya. Halatang galit na.

"Please. Anong gusto mong proof? Ask me anything. Things na alam mong walang ibang nakakaalam," pakiusap ko. I'm not giving up now.

"O sige... Anong alam mo tungkol sa akin?"

"You're twenty-four. April 15 ang birthday mo. Hindi ka makakatulog kapag patay ang ilaw. Naniniwala ka sa multo. Kinakausap mo si Tamtam, ang stuffed toy na bigay ng una mong boyfriend na si Tim. Favorite mo ang Victoria's Secret. Ang dami... Ang dami nating pinagdaanan... We're friends since college and you were always there for me. You always warned me about Jared pero hindi ako nakinig. Akala ko nagbago na siya. But you were right..." Naiiyak na naman ako.

"Teka... How..? Okay, last question at maniniwala na ako... Ano ang gift mo sa akin last Christmas?"

"Wala. Nagtampo ka nga sa akin noon kasi mas inuna ko ang gift ni Jared at kinalimutan kita. Pero bumawi ako no'ng birthday mo. I gave you Victoria's Secret lingerie saka pabango."

"No... I can't believe this..." Napailing siya.

"Kahit ako. Imagine how shock I was nang magising akong may asawa't anak na ako. At ibang katawan na itong... God, akala nila noong una, nabaliw na ako dahil ipinagpipilitan kong ako si Carlyn Reyes."

Nanatili na lang siyang nakatingin sa akin.

"Please, believe me. At least give me a chance to prove na ako nga ito and then help me get back to my body para magising na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Pero paanong nand'yan ka?"

"Okay. I'll tell you what happened that night. Birthday ni Mark, 'di ba? Um-attend si Jared pero I was sick so sabi ko sa kanya, siya na lang. Nang makainom na ako ng gamot at nakatulog, naging okay na ang pakiramdam ko paggising. I decided to go to the party and surprise him pero ako ang nasurprisa ng walanghiya. Nahuli ko siyang may... may..." At ngumawa na naman ako sa naalala.

"What..? May ibang babae?"

"Yeah... May niri-wrestling siyang babae sa damuhan sa madilim na garden. At kapwa sila nakahubad. Mga walanghiya!" Galit na sabi ko pero pumapatak ang luha ko.

Napa-OMG siya habang nakatingin sa akin.

"Bakit hindi mo 'ko tinext na ganyan ang nangyari sa 'yo? Memorized mo ang number ko 'di ba?" Sabi niya pagkadaka.

"Wala akong magamit na phone. Hindi ko alam ang password ng Marjorie na ito kaya hindi ko mabuksan," sagot kong itinuro ang dibdib ko.

"Kapag nabuksan mo ang phone na ito, maniniwala na akong ikaw nga si Carlyn," aniyang naglabas ng phone sa dalang bag. Ibinigay niya 'yon sa akin.

"Jen, hindi ito ang phone ko. This is yours..." Nasabi ko matapos saglit na malito sa ibinigay niyang phone sa akin.

'Yon lang at niyakap niya ako. I guess that was the last test because she finally gave me my phone. I immediately opened it. Ang daming messages at missed calls, halos kay Jared lahat galing. Binura ko 'yon nang hindi na binasa ang mga text messages. Pagdaka ay ibinalik ko rin 'yon sa kanya. Nagtatakang tinanggap niya 'yon.

"I'm still hoping na makakabalik pa ako sa katawan ko. I don't want my phone in the hands of a stranger. Kaya ikaw na muna ang humawak niyan," sagot ko sa tahimik niyang katanungan.

"Tama ka. Pero, kumusta na ang kalagayan mo? Okay ka lang ba do'n sa bago mong bahay? Mababait ba sila sa 'yo?"

"Yes, mabait sila. Nalaman ko nga through a diary na salbahe pala itong si Marjorie. Kaya ang bata, ilag kahapon. Pati si Raffy medyo ilag din, pansin ko. Saka hindi pala sila nagtatabi na mag-asawa, kaya safe ako. Sa takot ko nga lang tumabi kagabi, sa kwarto ng bata ako natulog."

Natawa siya.

"I can feel na ikaw nga 'yan. Ano nang gagawin mo ngayon?" Tanong niya.

Napatingin ako sa kanya.

"Sa totoo lang, 'yan din ang tanong na nasa isipan ko," sagot kong napatitig sa comatose kong katawan.
  
  

Unwanted SurprisesWhere stories live. Discover now