Chapter 13

223 5 0
                                    

 
 
Ano naman ang ginagawa ko rito sa isang disco house? Nakatayo sa gitna ako ng mga taong nagsasayawan. Sweet pa ang music kaya cheek-to-cheek ang mga magkakapareha sa dance floor.

"Kumusta na Marjorie?"

Napatingin ako sa nagsalita. Ang katawang Carlyn ko! Nakasuot ng sexy na backless, abot lang sa mid-thigh ang laylayan, labas ang cleavage, at naka-stiletto.

"Hindi ako si Marjorie," sagot kong nahihindik sa nakikita kong ayos ni 'Carlyn' na todo makeup pa.

Tumawa lang siya. Niyakap siya ng isang lalaki mula sa likod kaya hinarap niya 'yon at nagsayaw sila.

"Anong ginagawa mo sa katawan ko? Ibalik mo 'yan sa akin!" Sinubukan ko siyang hawakan ngunit hindi ko siya maabot.

"Marjorie..." Panunudyo pa niya.

"Hindi ako si Marjorie!"

"Marjorie," nakatawang ulit lang niya.

"Hindi ako si Marjorie!"

"Marjorie!" Boses na ni Rafael ang narinig ko.

"Hindi ako si Marjorie!" Sumigaw na ako.

"Marjorie?"

Pagdilat ko ay nag-aalalang mukha ni Raffy ang nakita ko. Nakahiga lang ako sa kama sa kwarto nila.

"Nananaginip ka," wika niya na binitiwan na ang mga balikat ko. Umalis na rin siya sa pagkakasampa sa kama.

Panaginip... No, bangungot...

Napaupo ako at muling naalala ang ginagawa ni 'Carlyn' sa panaginip ko. Hindi ko gustong mangyari ang gano'n. Pero paano kung nando'n nga ang spirit ni Marjorie at kapag nagising siya ay magpaka-liberated siya gamit ang katawan ko?

Naiyak ako sa isipin.

"Uminom ka muna ng tubig," wika ni Raffy na kumuha na pala ng tubig mula sa maliit na fridge sa sulok.

Nang hindi ako kumibo, napansin na niyang umiiyak ako. Inilapag niya sa mesa ang baso ng tubig, umupo sa bed at niyakap ako.

"Ssh... Everything will be fine. Tahan na, it's just a dream," mahina pang wika niya habang hinahagod ang likod ko.

Yeah... It's just a dream... But where I am now is very comfortable, here next to his beating heart. I want to stay like this a few moments more.

Wait... What the heck was I thinking?

"Okay na ako. Salamat," bigla akong umayos sa pagkakaupo, napahiya sa ginawa ko.

"Here, have some water," aniyang ibinigay ulit ang tubig sa akin.

"Thanks..."

Napatitig lang siya sa akin bago pumasok sa banyo. Alas sais na ng umaga, malamang maliligo na siya.

Kaagad akong bumaba ng kama at kinuha ang phone ko sa drawer ng bedside table. I sent Jenny a text message...

I had a nightmare. Marjorie was using my body in her wild ways. Napa-praning na ako. Please assure me that my body is still unconscious.

Huminga ako ng malalim nang mai-send ko na. I need to relax. I know tuwing lunch break lang napupuntahan ni Jenny ang katawan ko sa hospital, but I know the doctors will let her know kung nagising na nga ba ang comatose kong katawan.

Unwanted SurprisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon