Chapter 20

216 6 0
                                    

Bakit ba kasi umibig pa ako sa isang taong may asawa na?

Speaking of asawa, kumusta na kaya si Marjorie? Magaling na kaya siya? Sana hindi siya masyadong napahamak dahil sa kagagawan ko. Sana rin, maging mabuting asawa at ina na siya. At sana, maging happy family na sila.

Ang lalaking 'yon, ano kaya ang nangyari? Nahuli kaya 'yon ng pulis o nakatakas? Hindi kaya lalo lang nagkagulo noong mabaril ako? Baka naman nasaktan din sina Raffy at Joyce.

Hindi mapakali dahil sa kung anu-anong naiisip ko, minabuti ko na lang lumabas. Gusto kong tiyakin na okay lang si Joyce. Lalong-lalo na si Raffy...

Before I knew it, nasa harapan na ako ng school nina Joyce. Malapit na ang uwian ng mga bata, wala akong ginawa kundi ang tumambay sa isang fastfood sa harap ng school. Sa second floor ako pumwesto, sa tabi ng kristal na dingding, saan kitang-kita ang kalsada, ang gate 2 saan pumapasok ang mga sasakyan, at ang parking lot ng school.

Kalahating oras lang akong naghintay. Sumikdo ang dibdib ko nang makita ko ang itim na Pajero na pumasok sa school at tumuloy sa parking lot. Ilang minuto pa ay nakita ko na si Joyce na lumapit sa sasakyan. Bumaba si Raffy at sinalubong ng halik ang anak.

Thanks God! They're okay... I'm so glad they're okay...

Sinundan ko ng tingin ang sasakyan nilang lumabas ng gate 3. Tapos ay pumasok 'yon sa parking space ng fastfood na kinaroroonan ko.

They're coming here!

Kinakabahang naupo lang ako do'n, debating whether to stay or go.

At ano naman ang dapat kong pag-isipan? They don't really know me. Nakita lang ako ni Raffy sa hospital na nakaratay at puno ng kung anu-anong nakakabit sa katawan ko. Hindi naman yata niya ako makikilala kahit magkasalubong pa kami ngayon.

Finally, tumayo ako at bumaba. Sinuyod ko ng tingin ang buong ground floor at nakita ko sila sa isang sulok. Kumakain silang mag-ama. Hindi nila kasama si Marjorie...

Is she well? Baka naman nasa hospital pa. Or is she back to her old ways, hating her husband and kid?

Gusto kong lumapit sa mag-ama, pero kung lalapit ako, ano naman ang sasabihin ko? Hindi rin naman ako sigurado kung naniniwala nga si Raffy sa akin noong nasa katawan pa ako ng asawa niya.

Napayuko ako at tahimik na umalis. Babalik na ako sa apartment. Okay na akong makita na hindi sila napa'no no'ng gabing 'yon. They're safe and still in one piece, I should be thankful.

Pero sana, makita ko sila ulit. Sana makausap ko sila na kagaya ng dati... Sana...

 
 
  
Isang araw bago ako nakatakdang bumalik sa trabaho, naisipan kong gumala sa mall. Sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan, dinala ako ng aking mga paa sa kids' area na may bouncing castle. Ito nga pala ang mall saan kami gumala noong birthday ni Joyce... Sa mall saan ko nakita si Jared na may kaakbay na ibang babae... At kinagabihan n'yon ay may nangyari sa amin ni Raffy...

Itong mall palang ito ang pinagmulan... Nais kong mailing. Bago pa may makapansin na parang nababaliw na ako, tinungo ko na lang ang isang kainan sa ground floor. Kakain na lang ako ng Halo-halo na may dalawang scoop ng ice cream.

Nakakatatlong subo pa lang ako ng masarap kong halo-halo nang may naupo sa harapan ko.

"Carlyn, kumusta ka na?" Si Jared...

Galit ako sa kanya but right now I don't want to waste my energy.

"Heto, nagising rin sa wakas," wika kong ibinalik sa halo-halo ang mga mata ko. Ayoko siyang pansinin. Tapos na kami. Wala na siyang halaga sa akin.

"Carlyn, Babe, na-miss kita."

Ayokong magalit pero nang marinig ko ang kasinungalingan niya, tinapunan ko siya ng matalim na titig.

"H'wag na h'wag mo akong tatawaging Babe, narinig mo? At kahit minsan ay hindi ko kailangan ang mga taong sinungaling na katulad mo!" Nais kong isigaw ngunit tinimpi ko lang. Ayoko rin namang sumikat sa YouTube sa ganitong paraan.

"Carlyn, I was drunk! Ang babaeng 'yon ang namilit sa akin."

"Gusto mo bang magsumbrero ng halo-halo palabas sa kainang ito?" Itinaas ko ang baso ko ng halo-halo.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?" Bahagya siyang umatras.

"Gusto kong iwasan mo nang magkasalubong ang mga landas natin. H'wag na h'wag mo na akong lalapitan. At mas maganda kung magkunwari kang hindi mo ako kilala. Madali lang 'di ba?"

"Wala na ba talagang pag-asang magkabalikan pa tayo?"

"Wala! W, A, L, A... Wala! Matagal na tayong tapos. Hindi kita kailangan sa buhay ko. Hindi ang katulad mo ang gusto kong makasama habang-buhay."

"Sana man lang ay mapatawad mo ako Carlyn..." Malungkot na wika niyang tumayo na.

"Pagdating ng panahon, Jared... Baka-sakaling mapatawad kita," sagot kong ni hindi na tumingin sa kanya. Ni hindi ko na siya sinundan ng tingin. Muli kong binalikan ang halo-halo ko.

Wala akong ibang gustong makasama sa buhay... Si Raffy lang.

"Are you okay?"

Goodness! Kakaisip ko naman kay Raffy ay naririnig ko na pati boses niya!

May umupo sa harapan ko. Akala ko ay si Jared pa rin. Wari akong natuklaw ng ahas nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"Raffy..." Naibulalas ko.

Nananaginip ba ako?

Unwanted SurprisesOnde histórias criam vida. Descubra agora