Chapter 16

238 5 0
                                    

  
  
Days passed as normally as it could. Naging libangan na namin ni Raffy gabi-gabi ang paglalaro ng chess. Unti-unti, nakikita ko kung gaano kaswerte si Marjorie sa kanyang mag-ama. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi niya nakita 'yon.
 
  
  

A day before Joyce's birthday, namili na kami ng mga regalo at itinago lang namin sa likod ng sasakyan. It was fun being an accomplice sa isang sikreto. I bet Joyce will be very happy na meron siyang gift galing sa akin at kasama ako sa birthday party niya ngayon.

Sana, magbago na si Marjorie kapag nakabalik na siya. At sana, maging kaibigan ko siya para madalaw ko pa rin si Joyce.

Are you sure na si Joyce lang talaga ang gusto mong dalawin?

Napatingin ako kay Raffy na tinatakpan nang maayos ang mga regalo sa likod ng kotse. Tumingin din siya sa akin at kumindat. Natawa na lang ako.

Yes... Dahil si Joyce lang ang pwede kong dalawin...

Kinausap na namin ang lahat ng pwedeng kausapin sa school. Isang oras bago pa matapos ang klase nila Joyce sa hapon, biglang pinatay ng teacher ang ilaw sa classroom. Akala lang ng mga students ay brown out. Bitbit ko ang cake na may mga nakasindi nang kandila, pumasok kami ni Raffy sa classroom habang kumakanta ng Happy Birthday song. Kasunod namin si Sheila, ang mga crew, at ang mascot ng paboritong fastfood ni Joyce, ang malaking bubuyog.

"Mommy!" Tuwang-tuwa na tumakbo si Joyce palapit sa akin. Ipinatong ko naman ang cake sa mesa at hinagkan si Joyce sabay bati...

"Happy birthday, Baby!"

"Thank you po!"

Niyakap din siya ni Raffy at binati.

"Make a wish and blow the candle," utos ko sa kanya.

Pumikit nga siya, at pagdaka ay hinipan na ang mga kandila.

"Anong wish mo?" Pang-iintriga ko.

"Secret po," nahihiyang sagot niya.

Tumawa lang ako. Sinindihan na ang ilaw sa classroom pagkatapos na mahipan ang kandila. Nagkaroon ng mga games at masayang pagbati. Picture dito, picture doon. Masaya ang lahat, lalong-lalo na ang birthday celebrant. Sana, manatiling masaya ang batang ito.

Pagkatapos ng birthday celebration sa school, nag-suggest akong igala pa namin si Joyce. Kasama si Sheila na mukhang first time ding nakasama sa outing ng mga boss niya, nagpunta kami sa isang mall na may playground at hinayaan si Joyce maglaro sa bouncing castle.

Natatawang pinapanood ko si Joyce na halatang nag-i-enjoy nang may mahagip ang mga mata ko...

Si Jared! May inaakbayan siyang isang sexy na babae...

Ang taksil!

Waring pinilipit ang puso ko.

"What is it?" Mahinang tanong ni Raffy.

Nagulat ako dahil nakita niya akong parang nilamukos ang mukha.

"Sorry..." Napayuko ako.

"Who are they?"

"Jared..."

Alam kong hindi ko na kailangang sabihin kung sino si Jared. 'Yon ay kung magaling nga ang private investigator na na-hire niya.

"Gusto mo ba siyang makausap?" Tanong niyang medyo sumorpresa sa akin.

"No. Hindi rin naman niya ako kilala sa katawang ito. Saka, what for? Niloko niya ako. Kita mo, nakaratay ako sa ospital, comatose pero nakukuha pa niyang magsaya! Wala man lang siyang pakialam," hindi ko na itinago ang pagngingitngit ko.

Unwanted SurprisesWhere stories live. Discover now