Chapter 7

245 5 0
                                    

  
 
 
"Do you remember something?" Tanong ni Raffy na nasa likod ko na pala.

Umiling lang ako. Hindi naman kasi ako 'yan... gusto kong sabihin, but I know it will be useless.

I heard him sigh.

"Sorry..." Napayuko na lang ako.

"No, I'm sorry. Hindi kita dapat pinipilit na maalala ang mga bagay na matagal nang nangyari."

Muli kong inikot ang paningin ko sa loob ng kwarto. Bandang paanan ng kama ay may malaking TV. Napapagitnaan ng dalawang pinto ang TV. Nang silipin ko ang pinto sa kanan, magara at malinis na toilet ang nakita ko. Nasa kaliwa daw ang bath and wardrobe. Sinilip ko na muna ang sliding door palabas sa terrace saan tanaw ang malaking swimming pool sa baba.

Bongga talaga ang bahay na ito! I never thought makakatira ako sa ganito kagandang bahay kahit pansamantala lang. Mas maganda pa talaga 'to sa bahay ni Mark.

Eh, ang bahay kaya ni Jared..?

Come to think of it... Mag-iisang taon na kami pero ni minsan ay hindi pa ako nakakapunta sa bahay niya.

Siguro nga ay hindi kami meant to be kagaya ng pinaniwalaan ko. Siguro nga ay tama si Jenny, walang makakapagpabago sa isang playboy na katulad nina Mark at Jared.

Bago pa ako muling umiyak, inawat ko na ang sarili ko. Pagbalik ko sa loob ay siya namang paglabas ni Raffy mula sa pintong hindi ko pa napasok, ang bath and wardrobe. Nakasuot na siya ng pambahay, puting sando at black cotton shorts.

"Kung gusto mo nang magpahinga, iiwanan na muna kita. You're free to do what you want. If you need something, nasa baba lang ako. Sumigaw ka lang," aniyang ewan kung biro ba 'yung huli niyang sinabi.

"Sige, thanks. Magbibihis na lang siguro muna ako."

Napapansin ko lang, every time I say thanks, napapatingin siya sa akin na para bang may sinabi akong Greek word, or Latin. Wala rin naman siyang sinabi, tahimik na lang siyang lumabas ng pinto. Nais ko na tuloy magtaka kung anong klaseng tao ba si Marjorie.

Binuksan ko ang pinto na papuntang bathroom at ginulat ako ng nabungaran ko. Bigla ba akong na-teleport papunta sa tindahan ng mga shoes and bags?

Pagkabukas ng pinto ay isang hallway na may tatlong pinto sa kanan at ang dingding naman sa kaliwa ay puno ng mga sapatos at mga nakasabit na bags, sari-saring kulay, iba't-ibang designs. May leather, snake-skin, tela, fur... Lahat yata ng klase ay matatagpuan dito.

Sa gitnang bahagi ng dingding, sa pagitan ng mga shoes and bags, naroon ang isang dresser na kumpleto ang laman. Lahat ng shades ng lipstick at blush ay nandirito na yata. Wala ka nang hahanapin kapag umupo ka rito.

Binalingan ko naman ang mga pinto. Bathroom ang nasa pinakadulo. Magara din ang paliguang ito, tinted na salamin ang dingding ng shower, na kung ako ang tatanungin, ay hindi ka maikukubli nito kapag naligo ka nang nakahubad.

Malaki ang tub, kasya ang apat na tao sa tingin ko. Pwedeng na ngang lumangoy dito ang bata. I can't help but imagine myself in it. Medyo natigilan lang ako nang pati si Raffy ay sumali na sa imagination ko.

Pero natural lang naman na sabay maglublob sina Raffy at Marjorie dito sa tub... They're married.

Bago pa lumala ang imagination ko, pinuntahan ko na ang dalawa pang natitirang pinto. Puro mga walk-in closet 'yon na parehong full-length mirror ang likod ng pintuan. Malaki ang damitan ni Marjorie, halos lahat ay naka-hanger. Pakiramdam ko tuloy ay nasa isang tindahan ako sa Divisoria.

Sa klase ng mga damit dito, masasabi kong mahilig siya sa mga parties. Marami rin siyang mga pang-red carpet na mga damit.

Pagkatapos kong hangaan lahat ng mga gowns at mga sexy dress niya, naghanap na ako ng matinong pambahay. Kaso puro mga sexy shorts at mga mini skirt ang nakita kong hindi panglakad dito. Wala ba siyang matinong pambahay? Meron din ditong mga dress pero sexy pa rin ang dating. May pambahay bang body-fit o di kaya ay backless? Sana man lang may normal na T-shirt dito at shorts na abot man lang sa tuhod at medyo maluwag-luwag.

Unwanted SurprisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon