Chapter 14

215 8 0
                                    

  
  
Kakatok na sana ako sa office ni Raffy habang hawak sa isang kamay ang tray ng siomai with matching sawsawan, nang marinig ko ang tumaas na boses ni Raffy...

"And how can you explain that? She opened and used this girl's Facebook account like her own but she doesn't even know her own password!"

Nakita nga pala niya ako...

Ewan kung bakit sa halip na kumatok ay parang ipinako na lang ako sa kinatatayuan ko.

"Baka naman kasi lahat ng tungkol sa pagkatao niya as Marjorie ay binura niya sa alaala. Parang force shutdown. Sabi ko nga 'di ba? Baka ayaw na niyang mabuhay as Marjorie and she's taking on a different personality. You just have to wait for her to come around," hindi man lang nagbago ang boses ni Nora. Wari itong ina na nagpapaliwanag nang mahinahon sa anak na nagwawala.

"Has there been a case like this before?"

"Nagkaroon ako ng pasyente na naniniwalang siya si Jesus Christ. Magaling siya mag-sermon, in fairness. Kapag tinatanong siya kung sino si Carlo, which is his real name, hindi raw niya kilala."

"So you're telling me na nababaliw na ang asawa ko?"

"Hindi malabo ang posibilidad na 'yan, Rafael. You should let me talk to her regularly. Don't forget, I'm the best Psychiatrist in town."

Great! Una, may amnesia. Ngayon ay baliw na ako.

Tumalikod na ako. Si Sheila na lang ang maghahatid nitong siomai sa kanila. Hindi kakayanin ng powers ko ang usapan nila.

Kung gano'n, doktor pala si Nora. A psychiatrist. No wonder siya ang kinonsulta ni Raffy. What now? Magkakaroon ako ng regular session with her? Baka lalo lang akong mabaliw...

I hated the thought na magiging pasyente ako ng isang psychiatrist. But what I hated the most is parang gusto ko na ring maniwala na nababaliw na nga ako.

No! Ako si Carlyn! Totoong ako si Carlyn at hindi ako si Marjorie.

Muli akong umakyat sa kwarto at naghalungkat sa drawer. Mga important papers ni Marjorie ang hinanap ko. I found her passport, birth certificate, marriage certificate, police and NBI clearances, mga IDs, elementary and high school diplomas, transcript of records...

Hindi siguro siya nakapagtapos ng college dahil nagbuntis siya at the age of eighteen. Sayang nga naman ang pangarap niya. Pero, would that be enough to hate your life and wish to be someone else? Even if that someone is just a commoner?

Pagkatapos kong mabasa ang mga personal information ni Marjorie, binuksan ko naman ang laptop niya. Tiningnan ko lahat ng mga photos na nando'n. Ang dami. Ni isa, wala akong kilala sa mga kasama niya sa mga larawan. Kahit saan, parties, mall, disco, beach, road trip, talagang napaka-fashionista niya. She's got a man in almost every photo. Yong iba, nakayakap sa kanya, 'yung iba, nakaakbay naman, at meron ding nakahiga siya sa lap nito.

Bakit ba naka-save ito sa computer niya? Hindi man lang ba siya natatakot na baka makita ito ni Raffy?

Sabagay, gusto nga niyang galitin ang husband niya 'di ba? Kung ako si Marjorie, magpapasalamat ako dahil may mabait akong asawa at anak. Bakit hindi niya makita 'yon? She's so selfish.

Hinanap ko siya sa Facebook kaso naka-private ang page niya. Wala akong makita kundi ang profile picture niya. Just then, nag-message si Jenny...

Nag-pm si Jared. Bakit ko raw ginamit ang Facebook mo at saka binlock ko pa siya. - Jenny

Unwanted SurprisesWhere stories live. Discover now