Chapter 4

245 6 0
                                    

  
  
Napatingin siya sa akin ang lalaki, natulala. I swear namutla siya na parang na-shock talaga. Napansin ko pang humawak siya sa mesa for support habang nakatingin sa akin na para bang nakatanggap siya ng isang malagim na balita. Laglag ang mga balikat niya, buti na lang at hindi nalaglag ang phone na hawak niya. Halatang mamahalin pa naman.

"Hindi mo matandaan si Joyce?" Nakuha niyang itanong kahit pa na badha ang pagkabigla sa mga mata niya.

"Wala akong kilalang Joyce. Sorry..."

"Ako... Anong pangalan ko?" Lumapit siya sa akin at walang kakurap-kurap na tinitigan ako.

Is he serious? Pangalan niya, ako ang tatanungin niya? Paano ko naman malalaman ang pangalan niya? Ngayon ko lang siya nakita sa buong buhay ko.

"Pasensya na. Pero hindi rin kita kilala. Ngayon lang kita nakita," umiling ako.

Lalo yata siyang na-shock! Tingin ko'y para na siyang iiyak.

Teka lang... Hindi naman kaya mental patient ito na nakatakas lang sa room niya..? Kapag nagwala siya rito, hindi ko siya kakayanin. Ang laki kaya niya! Halatang nagdi-gym siya.

"Of course, it's possible. Pwede ka ngang magka-amnesia because of that accident. I guess this is better than being in coma," mapait na wika niya.

Amnesia?

"Excuse me..? Wala akong amnesia, kuya. Naaalala ko pa nga ang aksidente no'ng gabing 'yon."

"Hon!" Parang na-shock na naman siya sa sinabi ko.

Hon?

"Sorry... Sorry talaga. I guess you got the wrong person, if that is even possible. Pero, kanina pa ako nalilito, eh. And to be honest, natatakot na ako," gusto ko nang bumaba ng kama at tumakbo palabas para lang makakita ako ng ibang tao, doktor man o mga nurse.

"Marjorie, what are you talking about?"

Marjorie??? Ako? Ridiculous!

"Excuse me sir, but you definitely got the wrong person. Hindi Marjorie ang pangalan ko. I'm Carlyn Reyes, twenty-three years old. Ulila at nagtatrabaho sa isang toy store sa isang malaking mall," oops, marami yata akong nasabi tungkol sa sarili ko.

Natulala na naman siya. Kitang-kita ang pagka-shock niya mula ulo hanggang paa. Parang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Are you doing this to be free? Please, Hon, kahit para na lang sa anak natin. Don't do this to us," at nagsimula na siyang umiyak.

Anak naman ngayon? Nakakawindang na ito!

Teka lang, baka naman katulad ito sa nabasa ko dati sa pocketbook. Nagka-amnesia ako because of the accident tapos binigyan ng ibang pangalan ng taong sumagip sa akin at pinakasalan. After ng ilang taon ay naaksidente ulit at binalikan ng alaala, pero nakalimutan ang last years of my life.

Gano'n nga siguro...

"Anong year na ba ngayon?" Pinilit kong kumalma.

"2017," sagot niyang medyo na-distract. Parang biglang-bigla nga naman ay nag-iba ang usapan.

"2017 pa rin naman? The same year pa rin? Then what happened? Nag-teleport ba ako sa ibang dimension? May nabangga ba akong portal kaya napunta ako sa ibang mundo?"

He gave me a look that says I'm weird. Okay, I guess I've been watching too much sci-fi movies. Pero paano niya maipapaliwanag ang pangyayaring ito?

"Marjorie, please... H'wag mo na akong takutin. Sabihin mong nagbibiro ka lang," ginagap niya ang kanang kamay ko with his both hands. Hindi ko tuloy maiwasang makita ang suot niyang singsing. It is, without a doubt, a wedding ring.

Automatically, napatingin ako sa kaliwang kamay ko, at nasurprisa because I'm wearing the same ring he's wearing. Magkapares ang mga singsing namin! Paanong nangyari 'to?

Binawi ko ang kamay kong hawak niya at wala sa sariling nasuklay ko ng mga daliri ang aking buhok...

Ang aking buhok! Ang kulay itim kong buhok ay kulay bronze na ngayon na may ilang hiblang kulay gold. Straight na straight ito na parang ni-rebond. At ang lambot-lambot pa.

Bakit?

Bago pa ako nakapagsalitang muli, bumukas na naman ang pinto. Pumasok ang isang nakangiting nurse.

"Mrs. Magallanes! Mabuti po at gising na kayo! Kumusta po ang pakiramdam n'yo?"

"Mrs. Magallanes?" Mistulang echo na ulit ko.

"Nurse, something is wrong with her memory," nangangapang wika ng gwapong lalaki.

"Teka lang naman. There's nothing wrong with my memory. Hindi lang talaga ako ang taong tinutukoy n'yo. Ako si Carlyn... Carlyn Reyes."

Na-shock din ang nurse sa sinabi ko.

"Ano ba 'to? Some kind of amnesia? Meron na bang ganitong case before?" Tanong ng lalaki sa nurse na para bang wala lang ako doon.

"It's not that, Sir. Ang sinasabi po kasi niyang pangalan ay ang pangalan ng isa pang pasyente na comatose ngayon sa ICU. 'Yon po yong driver ng asul na kotse na nakabangga niya sa nangyaring aksidente," sabi ng nurse na parang nagtataka na rin.

"What?!" Halos nag-duet pa kami ng lalaking tumawag sa akin ng Marjorie.

"Yes po. Si Carlyn Reyes ay kasalukuyang nasa ICU at comatose."

No! How can that be? Nandito ako! Anong nangyari?

Muli akong napatitig sa aking mga kuko, braso, at buhok. Ayaw ko mang isipin pero iba ang pumapasok sa isip ko... Isang imposibleng bagay...

"Can I have a mirror, please?" Nanatili akong nakatitig sa buhok ko.

Saglit na umalis ang nurse. Pagbalik niya, may dala na siyang salamin na sinlaki ng notebook. Ibinigay niya 'yon sa akin. Agad kong tiningnan ang repleksyon ko sa salamin at muntik na akong mapasigaw nang makita ko ang mukhang naroroon...

Napakaganda ng mukha ng babaeng nakikita ko sa salamin... Perfect ang kilay niya, ilong, at lips... Napakakinis ng kutis niya... Pero hindi ko siya kilala.

Nais kong himatayin nang ma-realize kong wala nga ako sa sarili kong katawan.

OMG!!!

Unwanted SurprisesWhere stories live. Discover now