Chapter 23

430 16 11
                                    

 
 
"Sigurado ka ba d'yan sa ginagawa mo?" Nag-aalala pa rin si Jenny.

It was almost lunchtime sa trabaho nang maisipan kong mag-share sa kanya. Malalaman din naman niya balang-araw, ayokong magulat na lang siya sakaling makagawa ako ng isang bagay na maaari kong pagsisihan sa bandang huli. Saka kailangan ko nang mga advises niya para manatili ako sa katinuan ko.

"Alam kong mali ang umasa kaya hindi ako umaasa. I know he's just missing his wife. Alam ko ring hindi naman niya ako talagang mahal. Okay na ako sa gano'n. Masaya na akong makasama silang mag-ama."

"I don't know Carlyn. I guess I'm being too protective dahil nakita kita at your lowest. Parang ayoko nang masaktan ka ulit dahil baka higit pa ro'n ang mangyari sa 'yo next time. But maybe, kung ganyang mukhang naiintindihan mo namang hindi ka dapat umasa, siguro, hahayaan na lang muna kita. May karapatan ka rin namang lumigaya after what you've been through. Basta, kapag may problema o kung kailangan mo ng matatakbuhan, just give me a call."

"Salamat Jen. Best friend talaga kita," niyakap ko siya.

"Lunch time na. Lunch na lang tayo sa foodcourt," anyaya niya nang mapasulyap sa suot na relo.

"Yeah, gutom na rin ako."

Umorder kami at naupo na sa isang bakanteng mesa pagdating sa foodcourt. Nang patapos na kaming kumain, umayos ako ng upo upang iunat ang likod ko. Nasurprisa ako nang makita ko si Raffy na papunta sa mesa namin. Takang napalingon si Jenny kung sino ang tinitigan ko sa bandang likuran niya. Pinagtawanan niya tuloy ako.

"Gosh! Nagba-blush ka pa rin talaga?" Mahinang bulalas ni Jenny.

"Sshh..." Napapahiyang saway ko. Malay ko bang namumula ako! Umayos na lang ako ng upo at kinawayan ang nakangiting si Raffy.

He looks so refreshing. Pakiwari ko, parang may spotlight na nakatutok sa kanya. Yong tipong siya lang ang nakikita ng mga mata ko.
  
"Hi! Fancy meeting you here!" Aniya nang makalapit na. Kumuha siya ng isang bakanteng upuan sa kalapit na mesa at naupo sa gitna namin ni Jenny.

"K-kumain ka na ba?" Tanong ko agad. Ang mga pagkikitang hindi pinaplano na katulad nito ay talagang nakakakaba pa rin talaga.

"Yes, kakatapos ko lang. I met a client over there. Buti na lang umalis na siya agad bago pa kayo nakatapos," nakangiting tiningnan niya ang halos wala nang laman na mga plato sa mesa.

Sa totoo lang, bigla na akong nabusog. Palagay ko'y hindi ko na mauubos ang natitirang dalawang subo sa plato ko.

"Kumusta na Jenny?" Bati niya sa kaibigan ko.

"Okay lang naman. Salamat sa pag-aalaga sa kaibigan ko," sagot nito na pagdaka'y uminom na ng juice.

"Gusto mong makakita ng magic?" Baling muli sa akin ni Raffy.
  
"Magic?" Kailan pa siya naging magician?

"May pinag-aralan akong magic trick kanina lang. Gusto kong magpasikat kay Joyce. You want to see it too?" Napakamot siya ng batok na parang nag-aalangan.

"Sige!" Excited naman ako. Napangiti rin si Jenny.

"It's magic in the box," aniyang naglabas ng pulang box galing sa bulsa niya, two inches cube na may design na rose sa takip.

Magic in the box?

Kamukha siya ng lagayan ng singsing na nakikita ko sa mga movies kapag nagpo-propose ang guy sa girlfriend niya. Unfortunately, this is not a movie...

"Ayan ha, nakikita n'yo, wala siyang laman," aniyang binuksan 'yon at ipinakita sa amin.

Wala ngang laman, napakasimple lang ng loob n'yon eh. Pero bakit ba parang umasa ako na may laman siyang singsing?

"Pumikit ka, make a wish, tapos hipan mo ang box," instruction niya sa akin.

Napangiti ako. Nakakatuwa pala ang ma-involve sa magic. Pumikit ako at nag-wish. I know magic tricks are just tricks. Wishes won't be granted, still, wala namang makakaalam kung nag-wish nga ako o nakikisakay lang sa trip ni Raffy.

Sana, h'wag kang mawala sa akin. Kayo ni Joyce...

Dumilat na ako at hinipan ko ang box na hawak-hawak niya sa harap ko.

"Good!" Agad niyang itinaob 'yon sa takip na hawak naman niya sa isang kamay.

Nang sarado na, dinala niya ulit sa harap ko...

"Tap on it three times," utos ulit niya.

Tumalima ako. I tapped on it three times with my finger habang hawak niya.

"Okay, tingnan natin kung gumana ang magic," dahan-dahan niyang inangat ang takip...

Una kong nakita ay ang papel na marahang lumadlad. Nakakabit ang dulo n'yon sa takip ng box. Lumantad sa mga mata ko ang nakasulat sa puting papel. I think, hindi ako humihinga while the words started to sink in...

Carlyn Reyes,
I love you
and I want to be
with you forever.
Will you marry me?
Pretty please?

Sa dulo ng papel ay may nakakabit na isang napakagandang singsing.

Nagtagpo ang mga palad ko sa harap ng aking mga bibig. Napigil ko ang pagsigaw pero hindi ang mga luha ko. Naiyak ako. Pati si Jenny ay napasinghap nang mabasa rin niya ang message.

"Please say yes," pakiusap naman ni Raffy.

"Yes! Oh my God! Yes!" Naiiyak na sabi ko.

Ang luwang ng ngiti ni Raffy na agad tumayo, kinuha ang singsing na nakadikit sa papel at isinuot 'yon sa daliri ko.

"Baby! She said yes!" Malakas na sabi niya sa gawing likuran ko.

Napalingon ako at nakita ko si Joyce kasama si Sheila na nakaupo mga dalawang mesa ang layo sa amin.

"Really Dad?" Tuwang-tuwa na lumapit si Joyce.

Bilang sagot ay ipinakita ni Raffy ang daliri kong may suot nang singsing. Napa-yehey si Joyce at nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid. Kinarga ni Raffy ang anak, saka inakbayan ako. Niyakap ko naman silang dalawa at dinampian ako ni Raffy ng halik sa labi. The people around us cheered.

"Paano mo pala nagawa yong magic?" Curious pa rin akong malaman ang trick niya.

"Nang pumikit ka, I switched with the other cap na may naka-attach nang message at singsing," nakangiting paliwanag niya.

Kaya pala niya ako pinapikit.

"Can I call you Mommy from now on?" Tanong naman ni Joyce na cute na cute sa suot nitong Hello Kitty dress. Regalo ko 'to sa kanya noong nasa katawan pa ako ni Marjorie. Glad she loved it.

"Of course, baby. I'd love it if you'll call me Mommy from now on," natutuwang sagot ko sa kanya.

She hugged me habang karga siya ng ama. That was the most perfect picture of happiness I ever had my whole life. Wala na siguro akong hahanapin pa.

 
 
 
We got married six months after. It was still a mystery for me kung paano akong nakapasok sa katawan ni Marjorie pero dahil doon ay nakilala ko ang pinaka-amazing na lalaki sa buong mundo.

Tuloy pa rin kami sa pagdalaw kay Marjorie every weekend. Everytime, I make a promise na aalagaan ko at mamahalin sa abot ng aking makakaya ang kanyang mag-ama. Thankfully, hindi ko na siya napapanaginipan lately. Mukhang natahimik na rin siya.

Si Joyce ay lalo namang naging sweet sa akin. Si Jenny ay masaya rin sa naging takbo ng buhay ko. Si Raffy? He's wishing for a baby boy next year. Sana lang, matupad nga... :-)
 

 
 
 

~•~•~END~•~•~

Unwanted SurprisesWhere stories live. Discover now