Chapter 10

219 6 0
                                    

  
 
Matapos ang almusal, kapwa na nagsipaghanda ang mag-ama. Si Joyce, papasok ng school. Si Raffy, magre-report na sa office. Ihahatid muna ni Raffy si Joyce sa school bago pumunta sa work.

Inayusan ko lang ng buhok si Joyce at inihatid sa sasakyan saan naghihintay si Raffy. I kissed Joyce on the cheek.

"You got any plans for today? Somewhere you want to go?" Tanong ni Raffy bago paandarin ang kotse.

"Gusto ko sanang dalawin si Carlyn mamaya, kung pwede..."

Saglit lang niya akong tinitigan. Weird ba ang sinabi ko?

"Sige, itext mo na lang ako what time at lalabas ako ng office upang masamahan kita. Baka kasi maligaw ka," wika niya na nagbigay sa akin ng pag-asa.

"Salamat!" Hinagkan ko ulit si Joyce dahil sa tuwa.

"Bye Mom!"

"Bye, baby. Ingat. Do well in school."

"Yes po."

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho," sabi ko kay Raffy.

"Palagi akong nag-iingat," sagot naman niya.

Hindi katulad ko?

Inihatid ko na lang sila ng kaway sa gate. Tinulungan ko na rin si Sheila magsara ng gate, pagkatapos ay bumalik na ako sa master's bedroom. Sana ay may matagpuan akong bagay na kahit papaano ay makatulong sa akin sa pagkilala kay Marjorie.

Ang sinasabi ni Raffy na diary!

Naghalungkat ako sa mga drawer pero wala akong nakita. Wala rin sa ilalim ng unan. Saan ba kadalasang nagtatago ng diary ang mga babae? Wala kasi akong hilig sa diary.

Finally, ang wardrobe ang ni-raid ko. Nakita ko rin ang isang plain na notebook na nakaipit sa plastic na pansapin ng mga nakatuping shorts. Isa lang siyang manipis na notebook with a black cover. Hindi siya mukhang diary.

On the first page, may mga drawings ng stars, broken hearts, spirals, matang may luha, saka nakakalat sa buong page na mga salitang katulad ng failure, hateful, madness, crazy, disgusting.

Sa second page, may picture ni Marjorie na naka-swimsuit at may nakakabit na number 3 sa bandang beywang niya. She looked so young in the picture... and so beautiful. Mahilig pala siyang sumali sa mga beauty contest.

The third and fourth pages are blank. Walang nakasulat. Sa fifth page nagsimula ang mga sulat niyang parang hindi naman entry sa diary. Walang nakalagay na dates. I went to the couch and sat down to read...

I hate my life...
I hate myself...
Why am I so stupid?
Why did I fall in love?
I had a great life but I just went ahead and ruin it. Rafael used his charm on me and I was a fool to fall for him! I hate him! And I hate the kid, the outcome of my idiocy. If it weren't for the kid, I could have been in the pageant. I would have been crowned. I'd have a chance in the Miss Universe. My mom wouldn't have died of heart attack. And I'd still be the apple of my dad's eyes.
Stupid me! Believing in Raffy's lies about giving me whatever I would want. He was just after my body. Now that we're married, he can never have me in bed, ever again. I won't even let him touch my hand. I sleep here in the room, he sleeps in his office downstairs, hah!

Unwanted SurprisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon