Chapter 18

242 8 0
                                    

  
  
Hindi man naulit muli ang nangyari, hindi naman nagbago ang sweetness ni Raffy. Kahit may posibilidad na ma-late si Joyce, talagang hahanapin niya ako sa buong kabahayan para lang mag-goodbye kiss. Ako naman, parang nasanay na rin.

"Hon, aalis na kami," wika niya paglabas ko ng banyo sa baba. Nag-toothbrush lang naman ako. Ang sarap kasi ng chocolate cake sa umaga.

"Ingat kayo," wika ko.

Dinampian niya ako ng halik sa mga labi. Nasasanay na yata ako sa ganito...

Nagmamadali na siyang humakbang papuntang main door. Nakasunod naman ako upang ihatid sila sa sasakyan, ngunit hindi pa siya nakakailang hakbang, nilingon niya ako.

"Isa pa nga," aniyang lumapit at muling humalik. This time, mas matagal...

Before I knew it, nakakapit na pala ako sa batok niya at tinutugon ang halik niya.

"Ate!" Boses ni Joyce na waring nagrereklamo ang nagpahiwalay sa amin ni Raffy.

Si Joyce, nakatayo sa tabi ng hagdan at tinatakpan ni Sheila ng mga palad ang mga mata ng bata.

"Ikaw kasi!" Paninisi ko kay Raffy na sinagot lamang niya ng tawa.

"Let's go, baby," masiglang yaya niya sa anak.

Sumunod ako hanggang sa sasakyan. Hinagkan ko si Joyce sa pisngi nang maikabit na ang seatbelt niya.

"Magta-taxi na lang ako papuntang hospital mamaya. Ingat sa pagmamaneho," sabi ko.

"I'll call you kapag malapit na kami ni Joyce sa hospital mamaya."

"Okay, hihintayin ko ang tawag mo," waring teenager na talaga ako kung makayuko.

"Love you, Hon. See you later."

"S-see you later..."

"Love you Mommy! See you later po!" Basag ni Joyce sa pagkatuliro ko.

"Love you too Baby. See you later," napangiti ako kay Joyce.

Inihatid ko lang sila ng tanaw mula sa gate.

Love you, Hon...

Hindi naman talaga ako ang 'Hon' niya, 'di ba? Si Marjorie 'yon. Bakit ba ako nagpapaapekto sa salitang 'yon?
 
 
 
 
  
  
 
Ginabi na kami nang uwi. Gumala pa kasi kami kaya inabot na kami ng gabi bago nakauwi. Nag-enjoy si Joyce dahil sabi nga ni Raffy, hindi raw ito nangyayari dati. Masaya na rin akong kahit paano ay napapasaya ko ang bata, kahit sa simpleng pagpasyal lang namin na magkakasama.

Pagdating namin sa bahay, napansin ko kaagad ang taong nakatayo sa labas ng gate. Isang lalaki at sa pagkakatingin niya sa gate, halatang nais niyang pumasok.

"Sino 'yan?" Tanong ko kay Raffy na imbes bumusina ay inihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay.

"D'yan lang kayo, h'wag kayong bababa. Kakausapin ko lang siya. Kapag umalis na siya, ipapasok ko na rin naman ang sasakyan," wika niya bago bumaba.

Kinakabahan akong hindi ko maintindihan habang pinapanood kong nilapitan ni Raffy ang lalaki. Nang humarap ito sa amin at nakita ko ang mukha nito, lalo akong kinabahan. Ito ang lalaking lumapit sa akin sa labas ng fastfood. Ang lalaking tinuhod ko sa pagitan ng mga hita... Si Aaron.

Nag-usap sila, ngunit parang hindi yata maganda ang mood ni Aaron. Halata sa mga kumpas ng kamay nito na galit ito. Nakaramdam ako ng takot. Paano kung may masama itong gawin kay Raffy?

"Baby, I think that's a bad guy. Can you just stay here at the car? Tatawagin ko lang ang Daddy mo. Aalis na lang muna tayo, tatawag ng pulis, saka na lang tayo bumalik dito kapag wala na siya d'yan sa gate," bilin ko kay Joyce habang tinatanggal ko na ang seatbelt ko.

"No Mommy. I'll call the guard na lang po. Meron naman po akong number ng guardhouse," sagot naman ng bata na kinuha ang sariling cellphone sa bulsa ng uniform.

"Sige anak, do that. Tutulungan ko lang si Daddy na kausapin ang lalaking 'yan. Basta, stay here lang ha? H'wag na h'wag kang bababa. Baka magalit pa si Daddy kapag bumaba ka rin," bilin ko at binuksan ko na ang pinto upang bumaba.

Agad kong nilapitan si Raffy.

"Bakit ka bumaba?" Tanong niya agad sa akin.

"Marjorie, mag-usap tayo. Bakit ka ba ganyan? Ano ba ang kasalanan ko sa 'yo? Biglang-bigla hindi mo ako sinipot, tapos ngayon ayaw mo na sa akin?" Panunumbat naman ng lalaking lasing pala.

"Ay naku, sorry kuya, pero hindi talaga kita kilala. Kung ayaw mong tumawag ako ng pulis, umalis ka na," banta ko sa lalaki.

"Ganyan ka na ngayon? Bakit? Nabagok na ba ang ulo mo at hindi mo na ako kilala? Halika ka nga at ipapakilala ko ulit sa 'yo ang sarili ko!" Galit na lumapit ito sa akin.

Akmang hahawakan ako nito ngunit mabilis na nakaharang si Raffy at sinalubong ng suntok si Aaron. Napaupo ito sa sidewalk. Napaatras naman ako papunta sa likod ni Raffy.

"Halika na. Alis na lang muna tayo. Tawag tayo ng pulis," natatakot na niyugyog ko ang manggas ng polo niya.

"Sige. Ipaalam lang natin kay Sheila na h'wag siyang magbubukas ng gate hangga't di ako tumatawag," pumihit na siya papuntang sasakyan habang nakakapit naman ako sa braso niya.

"Hindi ako papayag sa ganito! Akin ka lang Marjorie!" Galit na wika ni Aaron.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatayo na siya at may hawak na baril. Nakatutok 'yon kay Raffy.

"NOOOOO!" Napasigaw ako nang malakas sabay yakap kay Raffy.

Halos kasabay ng pagyakap ko Raffy ay umalingawngaw ang isang malakas na putok. Pakiwari ko ay may pumalo sa likod ko. Biglang-bigla ay nahirapan akong huminga. Napaubo ako at may sumulak na malansang likido sa bibig ko. Ang sakit ng likod ko...

"Shit! Hon?" Namumutlang tanong ni Raffy.

Tinakasan na yata ako ng lakas. Kung hindi lang ako yakap-yakap ni Raffy ay malamang bumagsak na ako. Lumuhod siya habang kalong ako sa kandungan niya. Parang hindi ako makapaniwala pero tinamaan nga yata ako ng bala.

"Marjorie? Carlyn?" Nalilito nang wika niya.

Napangiti ako.

"Love you..." Halos ibinulong ko na lang. Nahihirapan na akong huminga. Ang sakit-sakit na ng likod at dibdib ko. Napapikit ako sa sobrang sakit.

"Dadalhin kita sa hospital," nagmamadaling wika niya.

"MOMMYYYY!!!" Narinig kong sigaw ni Joyce, ngunit ni hindi na ako makadilat sa sobrang panghihina.

"Sorry..." Huling nasabi ko bago tuluyang nag-black out ang lahat...

Unwanted SurprisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon