One Of The Boys

13.9K 256 5
                                    

Prologue

"Palagi ka nalang gabi umuwi! Sige nga, paano mo ipapaliwanag na galing ka sa trabaho?"

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng sigawan mula sa labas ng kwarto ko. Dahan-dahan akong tumayo at tinignan ang alarm clock ko na nakapatong lang sa bedside table.

Alas dos na ng madaling araw, bakit maingay pa sa labas?

"Nagtrabaho? Ganitong oras ng gabi? Wag mo akong lokohin! Ano? Nambababae ka ba?! Umamin ka!", boses iyon ni Mommy. They are fighting again.

Sumilip ako sa pinto at doon ko nakita na nag-aaway na naman nga si Mommy at Daddy. Simula noong mapasok si Daddy sa isang maganda at sikat na kumpanya ay palagi na silang nag-aaway.

"Hindi ako nambababae, Celestine. Galing ako sa trabaho. May tinapos akong papeles na kailangan ng boss ko.", paliwanag ni Daddy.

Hindi sa kinakampihan ko ang Daddy, pero alam ko na nagsasabi siya ng totoo. He's working for us. I know that. Hindi kami ganoon kalaking pamilya, I'm an only child, pero alam ko na gusto ni Dad na mabigyan kami ni Mommy ng magandang buhay.

Ganoon ang nagiging eksena sa bahay palagi. Dumating sa punto na minsan, isang gabi nakarinig nalang ako na may nagkakabasagan na sa kwarto nila. I never approached them or asked.

Tumagal-tagal pa at mas lalong naging malala ang pag-aaway nila na umabot na sa punto na nasasaktan na ni Mommy si Daddy.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon