one。℘

1.3K 103 72
                                    

❦    ❦    ❦

“Sigh. Ano ba 'tong pinasok ko?” Hindi ko mapigilang bumuntong hininga, hinagis ko ang katawan ko paupo sa couch at pumikit. Tumitibok ang sentido ko.

“I'm doomed.”

“Meow~” I opened my eyes to look at the source of my current dilemma. He licked his paw as he stared at me. Almost as if he’s trying to bewitch me.

“Meoow~~”

Napapansin ko lang ang hilig niyang tumitig sakin. Alam kong gwapo ako, pero medyo creepy na kasi.

Muli akong bumuntong hininga bago ko hagurin ang balahibo niya. “Jihoon, bakit ba kasi ang cute mo? Napilitan tuloy akong ampunin ka.” Parang tangang tanong ko.

Baka sagutin ka, ano, Seungcheol?

He purred and leaned to my touch, hindi ko namalayang napapangiti na pala ako. I scratched his ear more, grin widening as he purr more. His pointy ears flinching from time to time and his tail is eagerly flipping from side to side.

Maya maya lang ay tumigil na siya sa pagr-respond sa hawak ko. Inilagay niya ang kamay niya sa kamay ko at inilalayo ito sa kanya. I sigh. Ang bilis talaga nilang mabored, kaya ayoko sa mga pusa e.

Hinayaan kong malaglag ang kamay ko mula sa kanya. Muli kong ipinikit ang mga mata ko dahil hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Wala pa naman akong ginagawa.

“Meow, meow, meow.”

“Meow. . .”

“Meow!”

I ignored him and tried to turn my back at him pero bigla niya akong kinalmot. I turned to glare at the untamed feline beside me but was instead met by a hissing Jihoon. His tail and ears is pointing upward, eyes glaring at me ferociously.

“Why, what’s the problem?”

Dinala niya ang kamay niya sa leeg niya kung saan nakakabit ang isang itim na collar na may button sa gitna. I frowned and titled my head sidewards, not understanding what he want me to do.

“Anong gagawin ko jan?”

He hissed, pissed off while his eyes mirror disbelief na parang sinasabing; really, hooman?

“Meow meow!!!”

“You . . . want me to take that off?” He squeals and jumped at me. Dinilaan niya ang pisngi ko na para bang proud na proud siyang naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Pakiramdam ko tuloy ako yung pet.

Aabutin ko na sana yung collar ng maalala ko yung sinabi ni Jisoo bago niya tuluyang iwan sakin si Jihoon.

“Don’t take off that collar if you want
everything to stay normal. But well,
your decision, not mine.”

Hindi ko na natanong dahil tumakbo na siya agad paalis, pero anong ibig niyang sabihin sa if you want everything to stay normal? I shook my head, it's probably just Jisoo being weird, right? Right?!

I reached my hand out to push the button, all while Jihoon look at me excitedly. Ang bilis ng paggalaw ng buntot niya na para bang hindi na siya makapaghintay.

I pushed the button.

It fell.

And Jihoon runned off to somewhere.

❦    ❦    ❦


Master ϟ jicheolWhere stories live. Discover now