twenty-one。℘

1K 93 86
                                    


Napatayo agad si Seungcheol ng lumabas si Mingyu mula sa grooming station. Jihoon looked cute (adorable even) with pink highlight but . . .

“Anong nangyari sayo?” Hindi niya maiwasang itanong kay Mingyu. Gulo gulo ang buhok nito, may kaunting bula at pink pa ito sa mukha, basa at punit punit ang kaninang maayos na damit nito. In short; mukha itong dinaanan ng bagyo.

Padabog na lumapit si Mingyu at idinuldol sa kanya si Jihoon, “Ang bait ng alaga mo, sobra.”

“Mabait naman talaga si Jー” Itinikom niya na lang ang bibig niya ng samaan siya ng tingin ng nakababata. Mingyu tiredly slumped back on the nearest couch.

“Sa lahat ng hyー pusang nahawakan ko, siya pinaka-aggressive. Buti buhay ka pa?”

“Hindi naman ako inaano ni Jihoon.”

Tumango lang si Mingyu at binaling na muli ang atensyon kay Jihoon. Sinundan ni Seungcheol ng tingin ang tinitignan nito, “hindi mo pa ba tinatanggal ‘yung collar niya?”

“Actually kakalagay ko lang ulit kanina. Tinanggal ko na ‘yan, pagkakuha ko pa lang sa kanya.”

“Buti hindi ka sinaktan.”

“Baka hindi.”

Natawa na lang si Seungcheol habang pinapakita dito ang mga kalmot ni Jihoon na hanggang ngayon ay namumula pa rin.

“So,” Napatigil sa pagtawa si Seungcheol ng bigla na lang sumeryoso si Mingyu. Itinukod pa nito ang baba nito sa kamay niya for more effect.

“So?”

“Ano si Jihoon?”

“. . . pusa?”

“Pusang?”

“Pusang alaga ko?” Nagtatakang tanong pabalik ni Seungcheol. Hindi niya maintindihan. Ano ba si Jihoon? Kahapon pa siya nito tinatanong pero hindi naman sumasagot para malinawan siya.

Mingyu chuckled, “Hindi ‘yan. I mean, wala ka bang naranasang weird kay Jihoon? Mga hindi . . . normal?”

Seungcheol audibly gasped, placing his hand over his mouth in a dramatic way. “Multo si Jihoon?”

“Taena naman, hyung. Kelan ka ba titino?”

“Pag nagka–jowa ka na.” Sagot naman nito na nagpa-irap kay Mingyu.

“Hindi pero seryoso, wala ba? Yung mga hindi normal para sa mga hayop? Nakakakita ka naman siguro ng mga hayop dati diba? Alam mo kung anong normal sa hindi.” Ibubuka pa lang sana ni Seungcheol ang bibig niya ng magsalita muli si Mingyu, “Yung matinong sagot.”

Seungcheol had to rake his memory for anything unsual that ever happened. He admit he’s not the brightest when it comes to flashbacks and traveling memory lines. Ulam nga niya kanina nakalimutan niya na, nangyari pa kaya last month.

“Uhm, nagsasalita siya?”

Mingyu gave him a stink eyes, “and you never thought that was weird?”

“More like, akala ko may superpowers na ako kaya hindi ako masyadong nagfreak out hehehehe.”

Inilayo ni Seungcheol ang ngayong natutulog ng si Jihoon kay Mingyu ng umakto ito na parang kukunin niya si Jihoon. Mingyu sighed.

“Alam mo ba kung ano inaalagaan mo?” He asked for the nth time that made Seungcheol nearly hissed at him, kung hindi lang sumiksik sa kanya si Jihoon. Letting out a purr in the process.

“Pusa nga!”

“He’s not just a cat, hyung.” Mingyu said that made Seungcheol frown. Not just a cat? Then what is he, a chimera? Tatawa na sana siya kasi pakiramdam niya ginu–goodtime siya ng nakababata ng muli itong magsalita.

“He’s a hybrid.”


——————

Master ϟ jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon