Kim Mingyu
Active now9:26 AM
Seungcheol: Sup
Seungcheol: Pupunta nga pala kami ni Jihoon jan bukas ng hapon.
Seungcheol: Wala ka namang appointment ‘no? 🙃
Mingyu: . . . .
Mingyu: Sup mo mukha mo.
Mingyu: Pagkatapos mong ibigay kay Minghao ‘yung address ko, may gana ka pang pumunta dito?
Mingyu: Tangina hyung, sinabi ko na sayo. Ayoko pang makita si Minghao.
Mingyu: Pero ayun ka pa rin, binigay sa kanya number ko, working address at pati na rin personal address ko.
Mingyu: Tibay. Kaibigan ka nga.
Seungcheol: . . . .
Seungcheol: Sensya na bro. Alam mo namang walang nakakahindi kay Minghao e.
Seungcheol: Lalo na pagkasama niya si Jun. Baka mamaya tuklawin na lang ako nun bigla e.
Mingyu: Pakyu ka pa rin, hyung.
Seungcheol: Heh, ayos lang ‘yan. Lab mo naman ako e 😙
Mingyu: Sino nga pala si Jihoon?
Seungcheol: Ay, peymus. Inisnob ako.
Seungcheol: Si Jihoon, ‘yung pinakamamahal kong pusa!
Mingyu: . . . .
Mingyu: Na–typo ka ba, hyung? Aso ang ibig sabihin mo diba? I mean, ayaw mo sa mga pusa so how????
Seungcheol: Feelings change. Eh sa nalab at pers sayt ako kay Hoonie, anong gagawin ko?
Seungcheol: Tsaka kawawa naman, walang gustong umampon. Ganda pa naman niya.
Mingyu: Pwede makita picture niya?
Seungcheol: 200 isang picture 😊
Mingyu: Ah, ganun? Gusto mo bang bilangin ko sayo lahat ng utang mo sakin na hindi mo pa nababayaran?
Seungcheol: Joke lang naman :3
Seungcheol: Wala akong picture niya na nakaharap kasi suplado siya. Ayos lang?
Mingyu: Ayos lang, hyung. Tignan ko lang naman. Medyo pamilyar din kasi pangalan.
Seungcheol: Sure, wait a min. Tyempuhan ko lang. Nanonood kasi ng TV e.
Mingyu: . . . .
Seungcheol: sent a picture.
Seungcheol: ANG CUTE NIYA NO
Mingyu: Yeah. Kanino siya galing?
Seungcheol: Kay Jisoo ko siya nakuha pero hindi ko sure kung kanino talaga galing.
Mingyu: . . . .
Mingyu: Do you know what kind of pet you have?
Seungcheol: Pusa, malamang. Mukha bang aso yan?
Mingyu: No, hindi ‘yan ang ibig sabihin ko. Alam mo ba kung ANO si Jihoon?
Seungcheol: Pusa? Hayop? Ano ba si Jihoon? Hindi ba siya pusa?
Mingyu: Wala bang nasabi si Jisoo hyung? Hinabilin? Wala?
Seungcheol: Wala naman siyang sinabi, pwera na lang ‘yung tungkol sa collar ni Jihoon noong unang kuha ko sa kanya.
Seungcheol: Ano bang meron? Hindi ba pusa si Jihoonie ko?
Mingyu: Pusa siya pero, ah basta.
Mingyu: Ano sabi ni Jisoo hyung?
Seungcheol: Wag ko daw tatanggalin kung, ano ba yun, gusto ko pang maging normal ang lahat ‘ata. Basta parang ganun.
Mingyu: . . . .
Mingyu: Wala na siyang sinabi?
Seungcheol: Sa pagkakatanda ko? Wala na.
Mingyu: Oh, okay.
Mingyu: Punta kayo dito ng mga 3:30 PM, bakante ako ‘nun. Pakidala na rin ‘yung sinasabi mong collar.
Mingyu: Ipapa–groom mo ba siya?
Seungcheol: Sana tutal day off ko naman bukas.
Mingyu: Himala may trabaho ka pa rin hanggang ngayon 😂
Seungcheol: Syempre, di naman ako kayang tanggalin ni Yongguk no 😂 Ako yata ang pinakamagaling niyang empleyado 😊
Mingyu: Sure, kung sana lang naalala mo yung mga projects na pinapagawa sayo 😊
Seungcheol: Pakyu 😊
Mingyu: Sorry, di tayo talo 😊
Seungcheol: 🌵🌵🌵
Mingyu: I love you ba yan? Alam kong mahal mo ko pero hyung, hanggang kaibigan lang talaga :(
Seungcheol: . . . .
Seungcheol: Yan ba yung sinabi sayo ni Minghao? 😂
Mingyu: . . . .
Mingyu: Fuck you 🌵
Mingyu: Balik na ko sa trabaho ko. Bukas, 3:30, dumating ka sa oras. Dalawang oras lang bakante ko.
Seungcheol: AYE AYE CAPTAIN
Seungcheol: Libre na ba yung pa–groom ni Jihoon bukas?
Mingyu: . . . .
Mingyu: Depende 😊
Seungcheol: aY LUH, WALA PA KONG SWELDO NGAYONG BUWAN 😭
Mingyu: 😊😊
℘