eighteen。℘

1K 82 29
                                    


1 day, 2 days, 3 days . . . hanggang sa nauwi na sa isang buong linggo na wala si Jihoon at si Woozi lang ang kasama niya. Not that he's complaining though. Woozi acts a lot like Jihoon, kaya parang nandoon na rin ito sa bahay niya.

Sabi ni Woozi nasa kanila Jisoo daw si Jihoon kaya hindi na masyadong nag-alala si Seungcheol. He haven't been able to get in touch with Jisoo though, ayaw kasi siyang pahawakin ng phone ni Woozi. Baka daw mabinat siya or what-not, pero bakit naman siya mabibinat?! Hello, tatlong araw na kaya siyang walang lagnat! He's perfectly fine, pwera na lang sa konting kirot mula sa sugat niya, but still! He's fine.

"Uh, Woozi?"

The guy, Woozi, turned to Seungcheol with a raised brow. Hindi maiwasan ni Seungcheol na pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Woozi really looks like a fairy, or an angel that has descended from the heaven. Seungcheol can't help but blush at Woozi's current get up.

Tangina ang kyut niya sa apron!

"Bakit?"

". . . can we eat ice cream?"

Mas lalong tumaas ang kilay nito na medyo nagpakaba kay Seungcheol. Medyo lang naman. Very slight. Nginitian na lang ni Seungcheol ito para hindi naman medyo bumigay ng konti. He felt the urge to shout yes when Woozi sighed before taking his apron off.

"Fine."

And for the whole day, all they did was ate a lot of ice cream (na siguradong magpapasakit sa lalamuna nila) and watched a lot of dramas. Kung ano anong movies at dramas na anv pinanood nila.

They ate popcorns and drank hot choco's when the night time came. Parehas silang nakaupo sa sofa habang nakapatong ang medyo makapal na kumot sa kanilang dalawa. Their limbs are tangled underneath the soft cloth.

"No, you're mine. You are my person." sabi ng isang character sa drama-ng pinapanood nila. At kasunod nito ay nakarinig si Seungcheol ng mahinang mga hilik. Napalingon siya aa tabi niya at napatawa.

Woozi's head is swinging left to right, up and down aa he tries to fight off sleep. Umiling na lang si Seungcheol at inilagay ang ulo nito sa balikat niya para isandal. He patted Woozi's head and hummed to a soft tune when the guy moved.

"Goodnight, Woozi-ssi. Sweet dreams." he said before dipping in to kiss Woozi's forehead. And slipping in to darkness . . . or pasteled color dreams.

----

Seungcheol groaned when he felt a light weight on top of him. Medyo naalipungatan siya ng may maramdaman siyang basa sa na dumadampi sa pisngi niya. Medyo magaspang din.

He opened one eye to peak and sigh, "Jihoon, what did I say about licking?"

The small and innoceny feline seemed to chuckle at him as he tried to lick Seungcheol's face again. Kinuha na lang ito ni Seungcheol at tumayo,

"Wait, ba't nandito ka?"

". . . kasi bahay ko rin 'to?"

Seungcheol dismissed the sarcasm dripping on Jihoon's voice to shout. Nanlalaki ang mga mata niya at mabilis na inangat si Jihoon sa tapat ng mukha niya para titigan ito. Jihoon stared back at him.

"Nagsalita ka ulit?!"

"Obviously."

"OMYGHAD???!" And like the first time Jihoon spoke to him, muling inihagis ni Seungcheol si Jihoon sa ere. Medyo maingat na nga lang ngayon at itinigil din agad ng magsimula ng mabahiran ng inis ang boses nito. Ayaw ng dagdagan ni Seungcheol ang mga kalmot niya sa katawan.

Seungcheol immediately run to the kitchen to share the good news to his new friend, Woozi, na napansin niya ay wala na aa tabi niya kanina.

"Woozi tignan mo si Hoonie koー" Natigilan siya bago pa man siya makapasok sa kusina ng marealize niyang allergic pala si Woozi sa pusa at agad na nagtago sa pader. Isinilip niya ang ulo niya at hinanap si Woozi.

"Woozi?"

"Yooohooo?" but there's no Woozi. Nangunot ang noo ni Seungcheol at agad na lumabas sa pinagtataguan niya. He walked in to the kitchen to find a breakfast for him and a note.

Inilapag niya muna si Jihoon (na nakatitig lang sa kanya) sa lamesa at binasa ang sulat na iniwan ni Woozi.

Goodmorning cheol,

I went home immediately after
cooking breakfast for you and
called Jisoo to take your Jihoon
home. Magaling ka na naman diba?
then everything's fine ^^

Woozi

Seungcheol pouted. Hindi man lang siya nito ginising para magpaalam? Pero kung sabagay, mahirap din siyang gisingin pag sobrang aga. Tsaka siguradong hinahanap na rin 'yun sa kanila dahil halos mag-isang linggo siyang nag-stay sa bahay ni Seungcheol.

But still! Buntong hininga na lang si Seungcheol at kinain na ang pagkaing niluto nito para sa kanya. Woozi, kailan kaya ulit sila magkikita? Naging komportable na rin kasi si Seungcheol sa presensya nito.

Habang kumakain si Seungcheol ng tahimik ay pinapanood naman siya ng pusa niya. The feline had a look of disbelieve all over his adorable face.

Akala niya kapag ginawa niya iyon, kahiy hindi na niya sabihin ng diretso, mag-gets na ni Seungcheol ang ibig niyang sabihin. He thought that after leaving all those clue, mapapagtagpi tagpi na niya ito.

Hindi niya naman alam na nasobrahan 'yata ang master niya sa katangahan. And god, how could Seungcheol trust a mere stranger just because it said he knew Jisoo?! Goddamnit, pakiramdam ni Jihoon siya ang kailangan magturo sa amo niya.

Natauhan na lang si Jihoon ng maramdaman niya ang hawak ni Seungcheol sa ulo niya, “Ji, ang haba na ng buhok mo. Pa-groom na kaya kita?”

Cheol, ano na? Kailangan bang i-spell ko pa sayo para marealize mo na si Woozi at ako ay iisa?

Master ϟ jicheolWhere stories live. Discover now