Chapter 10

46.4K 1K 15
                                    



KRRRRRIIIIIINNNNGGGG!

Ang ingay ng alarm clock ko. Naalimpungatan ako at pilit ko inabot ang alarm clock para patayin.

"Anong oras na ba?

Tumingin ako at.

"HALA!8AM NA!!

Bigla akong bangon sa higaan ko. Dyos me! 9AM aalis ako. Anong oras na po!

Nagmadali ako kumuha ng twalya at nagtatakbo nanaman sa banyo. Nakita ako ni Allen.

"Mama! Si Ate akala mo nasa karera nanaman! Inunahan ako sa banyo!!"sigaw at sumbong nya kay Mama.

"Naku may lakad ang ate mo. Hayaan mo na.." narinig kong sagot sa kanya ni Mama.

"ALLEN! Next time bilisan mo kasi ng hindi kita nauunahan!"pang aasar ko habang nasa loob na ako ng banyo.

Matapos ko maligo na nagbihis agad ako. Malapit na mag 9:00 at malelate ako. Naku! Baka naghihintay na sya dun.

Nagmamadali ako maka alis ng bahay, hindi na ako nakahalik kay Mama.
Less than 20 minutes ang byahe ko papunta sa Eden Park. Kaya for sure late na late na ako. Nakakahiya. Ni hindi na ako nakapag ayos.

Nasa gate palang ako ng park ng makita ko ang kotse nya na nakaparada sa parking area.

"Grabe. Late na nga.

Inayos ko ang buhok ko habang naglalakad at hinahanap sya.

"Aly..

Nakita ko sya nakaupo sa isang bench. Mukhang kanina pa sya dun. Lumapit ako sa kanya.

"Sorry po sir. Nalate ako. Tinanghali ako ng gising.

"Okay lang. At don't call me Sir. Wala tayo sa school.

"Ah opo!

Inilapag nga ang kamay nya sa bench na nagsesenyas na maupo ako.

"Ah-

Naupo ako medyo nakadistansya sa kanya.

"Kumain kana?"tanong nya sa akin habang nakatingin sya sa malayo.

"Ah- hindi pa eh." mabagal kong sagot. Pinag iisipan ko talaga yun bibitawan kong salita.

"Kumain tayo.

Tumayo sya sa kinauupuan nya at kinuha ang kamay ko. Ang bilis ko kabahan. Ayan nanaman!

"Okay ka lang?" tanong nya at mukhang nahalata nyang kinakabahan ako.

"Eh- Opo!

Tinitigan nya ako. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Kumain muna tayo.

Hinatak nya ako. As usual kinakaladkad nya na ako.
Naglakad kami papunta sa isang restau..
Ngayon lang ako nakarating dun.

"Maupo ka muna, oorder lang ako." sabi nya pagpasok sa loob.

Nasa labas kami.. May mga lamesa kasi sa labas at mukhang gusto nya sa labas kami kumain.
Maya maya nakita ko syang lumabas ulit. May dala na syang kape.
Naupo sya sa tabi ko. As in sa tabi ko as in malapit sa akin as in wala na akong kawala!!

"Kape." alok nya sa akin.

Inilapag nya ang dalawang tasa. Mainit init pa yun kape.

"Umorder na ako ng makakain natin. " he said habang nakatingin sya sa wrist watch nya.

"Baka may lakad ka?" tanong ko pambasag ng katahimikan.

"I cleared all my meetings and appointments sa mga clients ko para dito .

My Boyfriend is The Professor! Where stories live. Discover now