Chapter 27

36.6K 765 14
                                    



"Huh?

Nagbukas ang mga mata ni Vlad ng dahan dahan. Medyo masakit pa ang ulo nya sa hang over.

"N-nasaan ako?

Bumangon sya sa hinihigaan nya. Pilit nyang tumayo at nilibot ang kwarto.

"This is not my room nor my house..

Napahawak sya sa noo nya. Masakit pa din ang ulo nya at medyo nahihilo pa sya. Umatras sya at nabangga nya ang isang upuan kaya't naupo muna sya. Inilibot nyang muli ang paningin nya.

"Where am I?

Napalingon sya sa damit na nakasampay sa pinto.

"Is that mine?

Muli syang tumayo at inabot ang suit nya na nakasampay sa pinto pero bago yun..

"Ay!" dinig nya sa boses na narinig nya sa pinto.

Nagbukas ang pinto at nabunggo sya. Medyo nahilo sya at napaatras sya sa kinatatayuan nya.

"Naku po! Sorry. Gising kana pala?

"Aly?

Binuksan ko ang pinto. Gising na ang handsome boyfriend ko.. :)

"Okay ka lang ba?

Hinawakan ko sya sa braso at inaya na muling maupo sa kama ko.

"Masakit ang ulo ko" he said habang nakasandal ang ulo nya sa balikat ko.

"Sorry ha. Dito kana namin dinala sa bahay. Sabi kasi ni Sir Jerald kaysa ibalik ka sa bahay nyo. Dito nalang daw sa amin. Para maasikaso ka.

"Si Jerald pala ang sumama sayo.. Makabawi nga sa kanya pagkatapos nito. Masyado ko syang naabala." ngumiti sya pagkasabi nya.

"Magpahinga ka muna ha. Alam na nila Papa at Mama ang nangyari kaya okay sa kanila na dumito ka muna. "I said habang hawak ko sya sa noo nya.

"Thank you my love." he said sa malambing na tono sabay nyang hinawakan ang mga kamay ko.

Namumula ako at hindi ko nanaman maiwasan kiligin. Yun tipong ang mga bullfrog sa tyan ko nagwawala na. Magkaka LBM pa ata ako.

"Gusto mo bang bumaba?" tanong ko para makaiwas at kumakalabog na yun dibdib ko sa kaba.

"I need water.

Inalalayan ko syang makatayo at bumaba kaming dalawa.

Nakita namin si Papa na nasa sala at may hawak na tasa ng kape. Si Mama naman naghahain ng pagkain.

"Goodmorning po" bati nya kina Mama at Papa. Nakayuko sya at pakiramdam ko nahihiya sya sa nangyari.

"Sorry po sa abala sa nyo at sa anak nyo." he said pagkalapit namin kay Papa.

"Naku. Wag mo na intindihin yun. Tsaka nag paalam si Aly kagabi na malelate sya ng uwi. Nagulat nalang kami at kasama ka nya na dito pauwi at walang malay.

"Nalasing po ako at kapabayaan ko po yun. Pasensya na po talaga.

"Okay lang Vlad. Hindi kana iba dito sa amin" dagdag pa ni Mama na nilapitan pala kami.

Hinawakan nya si Vlad sa balikat at inaya kami sa hapagkainan. Nakahanda na ang almusal at kailangan na din ni Vlad na kumain. Walang laman ang tyan nya.

My Boyfriend is The Professor! Where stories live. Discover now