Chapter 12

41.6K 982 89
                                    



Wednesday.

As usual pasok ulit sa school.
Maaga ako kasi good mood ako. Good mood ako kasi ang saya na nangyari kahapon.
Plus, may nalaman pa ako. Na talagang hindi ako pinatulog sa kakiligan. Gustong gusto ko na sya makita. Yiee-

8AM nasa school na ako. Syempre! Nagpaganda ako ng kaunti. Eh kasi naman eh.. Maganda daw ako sabi ni Sir Vlad.

Kainis- Mas madalas na akong mukhang timang nito.

Dumaan ako sa locker room. Para kunin ang mga books na kailangan ko.

"Hi be."bati sa akin ni Yanie na kasunod ko pala.

"Aga mo ah?

"Oo eh. Maaga klase natin diba?

Tumango si Yanie. Sabay kami nagbukas ng locker.

"Huh?

"Bakit Aly?

Nakita ko ang mga bulaklak sa locker ko. Nakita rin ni Yanie iyun.

"Hala! Kanino galing yan. ?

Kinuha nya ang mga bulaklak.

"Kanino galing to be? May secret admirer kana?

"Ah- ewan ko?

Isa lang nasa isip ko si Sir Vlad.
Chineck ni Yanie kung may card pero wala naman.

"Ayie. May secret admirer ka pala.. Sino kaya yun?

"Ah- hindi ko alam." pagtanggi ko.

Hinila ako ni Yanie papuntang room. Dala nya ang mga bulaklak.

"Huh?

Pinagmamasdan ko ang mga bulaklak. Wait.. Roses? Roses!

"Oy. Eto na sila." narinig ko ang boses ni Drake.

"Si Aly, may secret admirer na.

"Hindi nga." said Jelly na nilapitan kami agad.

Pinakita ni Yanie ang mga bulaklak sa kanila.
Naupo ako sa upuan ko na napapaisip.

Hindi sunflower. So hindi galing kay Sir Vlad. Kanino?
Lumingon ako sa paligid ko.

"Si Sir andyan na." narinig ko ang isang kaklase ko.

Andyan na sya. Baka magalit sya dahil may ibang nagbigay ng bulaklak sa akin.

Nakita ko syang pumasok ng room.
Naka peach syang long sleeve. Maaliwalas sya at naka glasses sya na mas lalong nagpahot sa kanya. Ano ba yan. Distraction ka Sir Vlad!

Lumingon sya sa akin. Ngumiti sya pero nabura yun ng makita nya ang bulaklak na nasa desk ko. Sabi na nga ba!

Bumaling ang tingin nya sa klase. Medyo nag iba ang mood ko. Paano ako magpapaliwanag sa kanya?
Sino ang nagbigay nito! Epal ka! Sino kang epal ka!!!

----

Natapos ang klase after 1 hour. May vacant kami na 2 hours dahil wala daw si Mam Lyka.
So tambay kami magkakaibigan.

"Hoy bruha. May napipinpoint kana ba kung sino ang nagbigay nito?"tanong sa  akin ni Yanie na dala ang mga bulaklak.

"Hindi ko alam.

"Sa tingin nyo kaklase natin?" tanong naman ni Jelly.

"May nahuhumaling pala sayo Aly?" pang aasar naman ni Drake.

My Boyfriend is The Professor! Where stories live. Discover now