Chapter 45

28.5K 586 10
                                    



VLAD! " sigaw kong muli ng magpunta ako sa sala nila.

"Nasaan yun!

Nakita ko ang mga bote ng alak sa lamesa. Napahawak ako sa noo ko. Ilan case na ba ng alak ang nauubos nya? Kumakain ba sya o natutulog?

Napansin kong bukas ang pinto na papuntang garden. Lumabas ako at..

"DYOSKO PO!! VLAD!!

Nakita ko si Vlad na nakahandusay sa labas. Walang malay at basang basa na sya ng ulan. Agad ko syang pinuntahan at pinilit ko akayin sya. Nabasa na ako ng ulan. Pero hindi na alintana . Inakay ko si Vlad pabalik sa loob. Napakabigat nya at halos mapaluhod ako. Masakit pero hindi ko na pinansin.

Hinatak ko sya hanggang sa loob. Basang basa kaming dalawa. Ginigising ko sya pero hindi sya magising. Mukhang hilong hilo sya sa alak. Nagpunta ako ng kusina para magpainit ng tubig. Naghanap naman ako ng towel. At umakyat ako sa kwarto ni Vlad para kumuha ng damit nya. Hinatak ko si Vlad papunta sa couch. Hinubad ko ang damit nya at kinuha ko ang maliit na planggana na nakuha ko sa kusina. Pinagpigaan ko ng towel na may malinis na tubig. Pinunasan ko ang mukha nya. Humihinga naman sya siguro tulog lang. Pinunasan ko ang katawan nya. Narinig ko na tumunog ang takure kaya binalikan ko ito at nagsalin sa planggana.. Saka ko inilubog ang towel at ipinunas kay Vlad. Medyo maligamgam ang tubig.
Pinunasan ko ang braso nya. At mukha nya. Nakatitig ako sa mukha nya. Hinalikan ko sya sa pisnge.

"I love you." bulong ko sa kanya.

Hawak ko ang pisngi nya.

Tinanggal ko ang shorts nya. Oo tinanggal ko pero nakapikit ako. Hindi ito ang panahon para pagsamantalahan ko sya.. Kahit gustong gusto ko na talaga.

Sinuotan ko sya ng boxer shorts. At tshirt. Pumunta ako ng kusina para maghanap ng maluluto. For sure pagkagising nya, gutomsya at kakain. Nakahanap ako ng ingredients para sa soup so nagluto ako ng sopas. May macaroni kasi sa ref. Medyo sumasakit na ang ulo ko pero hindi ko na pinansin. Kailangan ako ni Vlad ngayon. Hindi ko sya pwedeng pabayaan.

Matapos ko makapagluto. Binalikan ko si Vlad sa sala. Wala pa din syang malay. Niligpit ko ang mga bote ng alak at itinapon ang iba sa likod bahay para hindi nya na makita pa at balikan. Naglinis ako sa kwarto nya, kalat kalat ang mga damit nya sa kama. Inayos ko ang mga librong ikinalat nya. Ang mga platong binasag nya. At mga picture frames na nabasag. Hindi ko alam kung binasag nya o tinabig nya.

Bumaba ako galing ng kwarto nya ng makita ko syang gising at bumangon sa higaan nya.

"Vlad!" tumakbo ako pababa ng hagdan.

"Vlad- Okay kana ba!" mabilis kong tanong sa kanya.

Hindi sya sumasagot. Iniwasan lang nya ako.

"Vlad?

Binalikan ko sya ng tingin. Papunta sya ng kusina. Nagbukas sya ng ref. Hindi ko akalain na may alak pang nakatago sa loob. Nakita kong kinuha nya yun at binuksan at mukhang iinom nanaman sya.

Pinuntahan ko sya kaagad at kinuha ko ang hawak nyang bote ng alak.

"Ano ba! Iinom kana naman! Tignan mo nga yan sarili mo!! Kung saan saan kana nawawalan ng malay!! Hindi mo na inaalagaan ang sarili mo!!" sigaw ko sa kanya at hindi ko na mapigilan ang inis ko.

Hindi pa din sya umiimik. Naiinis na ako!

"Ano ba VLAD!!

Binasag ko ang bote ng alak. Kumalat ito sa sahig. Tinamaan ako sa binti ng maliliit na bubog pero hindi ko yun pinansin.

"VLAD ANO BA!! Papatayin mo ba sarili mo!!

Hinawakan ko sya sa magkabilang braso.. Pinipigilan ko sya na iwasan ulit ako.

"Vlad! Kausapin mo ako!!"sogaw kong muli.

Bigla nyang hinawakan ang braso ko. Napabitaw ako sa braso nya. Bigla nya akong tinulak. At napaupo ako. Masakit ang pagkakabagsak ko. Hindi agad ako makatayo.

"Umalis kana. Hindi kita kailangan.." narinig kong sinabi nya.

Namumuo ang mga luha ko. Ready nanaman bumuhos. Pinilit kong tumayo at hinawakan syang muli sa braso.

"Vlad! Ano ba!!

Tinabig nya ako at sa lakas ng pag kakatabig nya, bumagsak na ako. Hindi na ako nakatayo.

"Leave me alone.." bulong nya.

Naupo sya. Walang imik.

"Ikaw bahala Vlad- Kung yan ang gusto mo..

Tumayo ako. Kinuha ko ang gamit ko. Pinunasan ko ang luha ko.

"Vlad- Mahal at mahal na mahal pa din kita.. Walang nagbago."huli kong sinabi at lumabas na ako.

Malakas pa din ang ulan. Sumugod ako sa ulan, basang basa ako at medyo hilo na. Sumasabay sa patak ng ulan sa mukha ko ang patak ng mga luha ko. Sumasabay sa sama ng panahon ang sakit na nararamdaman ko.

Medyo masakit ang likod ko sa pagkakabagsak ko kanina. Pinilit ko nalang maging okay para hindi mapansin nila Mama although mapapansin nilang basang basa ako ng ulan.

Nakauwi ako ng bahay halos gabi na. Pumasok ako at hinubad ko na ang sapatos ko dahil basang basa din ito. Iniwan ko nalang sya sa labas. Kumatok at wala atang tao. Mukang umalis sina Mama. Pagkabukas ko ng pinto. Umakyat agad ako sa kwarto ko. Narinig ko pa ang boses ni Allen sa kwarto nya. Umalis nga sina Papa at Mama.

Naupo ako sa upuan. Giniginaw ako. Sinubukan kong tumayo pero nanginginig  ang mga tuhod ko. Kinuha ko nalang ang kumot at ibinalot sa katawan ko.

Paano ako nito bukas.. May pasok pa ako..

Napapikit ako. Naalala ko ang sinabi ni Vlad kanina at inasal nya..
Hinawakan ko ang noo ko. Wag sana ako magkasakit. Wag ngayon..

Nakaidlip ako..

----

Enjoy reading and dont forget to vote :)

Salamat po sa mga readers sa support at comments 😗

My Boyfriend is The Professor! Where stories live. Discover now