Chapter 22

34.5K 706 38
                                    



Are you okay?" tanong nya at ako kay aga aga pinagpapawisan!

"Oo naman!!

Tumayo ako kaagad at sumimpleng nagsuot ng damit.

"Okay kana ba?

Nilapitan ko sya at hinawakan ang noo nya.

"Mukhang normal na temperature mo.

Bigla nyang hinawakan ang palad ko.

"Thanks..

Namula ako. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nya. Eh kasi naman ang yummy nya eh tapos naiimagine ko magdamag kami magkayakap. Kakainis!! Nakakakilig!!

"I'll take you home ha. Para makahingi ako ng sorry sa Mama at Papa mo. Pinagstay kita dito ng hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa kanila.

"Naku! Baka mabinat ka!

Umiling sya nakangiti.

"Okay na talaga ako. Magaling ang nurse ko.

Natawa ako.

Nagbihis na sya. At sabay na kami bumaba. Nagkape lang kaming dalawa sa terrace at pagkatapos nun ihahatid nya na ako.

"Garden ba to?" tanong ko habang inililibot ko ang mga mata ko sa paligid.

"Oo dati. Nung buhay pa si Mama.

Nagulat ako. Napahigop ako sa tasang hawak ko.

"Madaming sunflowers dito dati.

"Mukha nga..

"Kung gusto mo at marunong ka magtanim pwede mo tamnan.

"Ha? Ako?

Tumango sya nakangiti.

"Pwede din. Hehe.

Biglang nagvibrate ang phone ko. May tumatawag kaya sinagot ko.

Hello!

Aly! Its Drake! Where are you!

Ah! Pauwi na ako.

Susunduin na kita. Nagpaalam na ako nina Tito at Tita.

Nagulat ako.

"Wag na Drake. Kaya ko na umuwi.

I know where are you. Pupuntahan kita dyan.

Nag end call sya. Hindi na ako makahindi at mukhang mainit ang ulo nya. Nakatingin lang sa akin si Vlad.

"Ihahatid nalang kita sa gate.

"Sorry.

"Okay lang. Wala sa akin yun.

Ngumiti ako. Matapos namin magkape. Inayos ko na ang mga gamit ko. Maya maya may kumatok na din kaya't hinatid nya na ako sa gate. Binuksan nya yun.

"Drake!" nasabi ko pagkakita ko sa kanya sa gate.

"Uuwi na tayo!

Hinila nya ako.

"Wait Drake. Nasasaktan si Aly.

Nagulat ako sa sinabi ni Vlad.

"Ikaw! Akala ko ba gusto mo ng parehas na laban. Bakit kailangan mo pa sya papuntahin dito. At patulugin pa? Abogado ka ba talaga!

"DRAKE!

Hinila ko na si Drake. Hindi na maganda ang lumalabas sa bibig nya.

"Abogado ka diba? Alam mo ang tama at mali. Madaya kana. Wala to sa usapan!

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon