Chapter 47

32K 679 27
                                    



"Vlad?

Nagulat si Vlad sa boses na narinig. Napaangat ang ulo nya mula sa pagkakayuko. Nakita nya si Aly na gising na.

"My god- Love! You're awake!

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Vlad .At hinagkan sa pisngi at noo.

"Vlad- okay kana ba?" mabilis kong tanong.

"I'm sorry-

Nagulat ako sa sinabi nya.

"Masyado akong naapektuhan sa pagkamatay ni Veena nakalimutan ko na andyan ka pa..

"Vlad-

"I'm sorry Love- pakiramdam ko napakasama kong tao dahil sinaktan kita. Nahihirapan na kasi ako, wala na ang buong pamilya ko. Sino pa ba ako..

Humigpit ang hawak nya sa mga kamay ko. Si Vlad na nga ito..

"Sino ka pa ba? Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang pinakamamahal ko'ng lalake at pinaka terror na professor na nakilala ko. Ikaw yun." ngiting sabi ko sa kanya.

"Aly-

"Andito pa ako Vlad- Nangako ako kay Veena na hindi kita iiwan. At gagawin ko lahat para maging masaya ka.. Ganun kita kamahal. At alam ko na yun mga nangyari hindi mo sinasadya yun. Sa ilan buwan na magkasama tayo, nakilala na kita agad. Napakabuti mong tao..

"Aly-

Nagulat ako ng bigla ulit nya akong yakapin. Napahawak ako sa likod nya. Namiss ko ang yakap na yun. At ang mga halik nya. It means ba nito okay na kami..

"Pangako Aly- sayo na ngayon nakafocus ang buhay ko. And I'll do everything to be the man who deserves your love.

Napangiti ako. Si Vlad na nga ito. Sya na nga-

----

Matapos akong balikan ng doctor para bigyan ng gamot, binigyan na din nila ako ng permiso na umuwi. Bumagsak lang ang blood pressure ko at yun nga overfatigue. Kinuha ni Vlad ang mga gamit ko kina Jelly at sya na ang naghatid sa akin pauwi.

Nasa loob na kami ng sasakyan nya , na ooverwhelmed ako dahil okay na kami.

"Huh?" napalingon sa akin si Vlad ng makita nya kong nakangiti.

"What is it Love?

"Masaya lang ako kasi bumalik kana sa dati..

Natawa ng bahagya si Vlad.. Ay sheett namiss ko to!

"Love- nakakatakot ba ako magalit?

Nagulat ako sa tinanong nya. Magsisinungaling ako kung sabihin kong hindi.
Tumango ako.

"Kaya pala noon takot na takot si Veena kapag naiinis na ako. Masama pala ako magalit.

"Aba! Oo kaya! Naninira ka ng gamit nyo. Ang dami ko nilinis na basag na gamit sa bahay nyo..

Nagulat si Vlad.

"Ganun ba, hmm.. Oo nga pala. I decided na ibenta na ang bahay namin.

Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang sinabi nya.

"Para saan? Hindi ba bahay nyo pa yun simula dati? Doon kana lumaki? "sunod sunod kong tanong.

"Masyado ng maraming naiwan alaala ang pamilya ko dun. Masakit man sa akin na ibenta yun pero yun lang naiisip kong paraan para makapagsimula ulit.

"Simula?

Tumango sya.

"Oo. Pagkabenta ko nun, bibili ako ng panibagong bahay, yun bahay na kakasya tayong dalawa at malay mo doon tayo makabuo ng pamilya..

My Boyfriend is The Professor! Where stories live. Discover now