Chapter 71

28.9K 522 44
                                    



2017 na.

2 weeks na ang lumipas matapos ang New Year. Back to work na. Back to school na.
Pumapasok ako ngayon sa OJT. 10AMto 6PM ang duty ko at dahil malayo nga yun sa bahay hatid sundo ako ni Vlad bago sya dumiretso ng school.

Ngayon halos araw araw kami nagkikita. Mas masaya.

"Aly, eto pa yun ibang papers na kailangan mo ipaphotocopy. Pakidala nalang sa table ko."said Mam Sheila.

Kinuha ko ang mga folder na ibinigay sa akin at lumabas ako ng office.
Nasa groundfloor ang photocopy kaya't bumaba pa ako. Nakita ko dun si Val na kasamahan kong Intern.
Tinuro nya sa akin kung saan pwede magpaphotocopy.

"Sige, Aly. Mauna na ako." said Val ng ituro nya sa akin kung nasaan ang photocopy machine.

Ngumiti lang ako sa kanya at sinimulan ko na pinagagawa sa akin ni Mam Sheila. Medyo madami din yun papel na dapat ipaphotocopy kaya't naupo ako habang naghihintay.

"Hey!" nagulat ako sa boses na narinig ko. Napalingon ako at nakita ko si..

"Zach?" halos kinabahan agad ako ng makita ko sya. Napatayo ako sa kinauupuan ko.

"A-anong ginagawa mo dito?

"May dinaanan lang ako dito.. Paalis na din ako eh. Ikaw? Dito kaba nag OOJT?

Tumango ako. Medyo nagtataka. Parang walang nangyari between sa kanila ni Vlad last year.

"Oh- Nice. Galingan mo ha.

Hinawakan nya ako sa kamay at hinawakan mahigpit. Saka ngumiti sa akin.

"Uhhh- Zach?

"Yes?

Magtatanong pa ba ako? Wag na kaya! Ummm-

"Oh by the way alam mo na ba yun balita?"

Nagtaka ako."Balita?

"Si Vlad mapopromote as Dean..

Nagulat ako.

"Totoo?"ulit kong tanong. Parang wala naman nabanggit sa akin si Vlad na ganun.

"Yeah. You should congratulate him.

Tama! Special sa kanya yun. Dapat macongratulate ko sya. O matreat ko man lang.

"Thanks Zach!

"Your welcome. Oh before I leave Aly. Wag mo hahayaan masira ng relasyon nyo ni Vlad ang promotion nya. If ever na malaman ng head ang about sa inyo hindi lang promotion nya ang mawawala.

Nagulat ako sa sinabi ni Zach. Umalis na ito. Hindi ako makapagsalita sa sinabi nya.

Totoo ang sinabi nya.. Ang relasyon namin? Hindi kaya sinabi nya na? Nagsumbong na sya?

Bigla akong kinabahan. Hindi ko namalayan tapos na pala ang ginagawa ko. Bumalik ako sa pagkakaupo.

Aly. Wag mo hayaan mangyari yun. Ang dami ko ng utang kay Vlad. Kung hindi kami mag iingat o ako. Baka pati yun matagal nyang hinihintay na promotion mawala pa sa kanya.

My Boyfriend is The Professor! Where stories live. Discover now