Chapter 65

25.8K 583 22
                                    



Huh?

Nagising ako. Pinakiramdam ko si Vlad na katabi ko.
Kinapa ko ang ..

"Unan?" napabangon ako ng maramdaman kong wala na pala akong katabi.

"Nasaan si Vlad?

Lumingon ako sa paligid. No signs of him. Tumayo agad ako sa higaan at lumabas ng kwarto namin. Nasalubong ko kaagad si Mama.

"Ma? Si Vlad po? Nakita nyo?" tanong ko.

"Ha? Akala ko pinaalam sayo nila Jer.

Nagtaka ako. Ano daw?

"Po? Ni Jer? Eh kakagising ko lang po.

"Ginising kasi nila si Vlad then pinaalam sa akin na isasama lang nila sa bukid, may palaro kasi dun. Sabi nagpaalam na daw sila sayo.?

Napakunot noo ako sa narinig. Naku! Mga loko ang mga yun! Saan nila dadalhin si Vlad!!

"Sige Ma! Hahanapin ko nalang sila!

Tinanguan agad ako ni Mama. Patakbo ako bumaba ng bahay at binuksan ang gate.

Loko ang mga yun! Wala naman alam si Vlad sa mga palaro!

----

Meanwhile, sa bukid.

"Palosebo?" Ulit ni Vlad sa magpipinsan.

"Oo, kuya. Kaya mo yan. Kaya mo akyatin yun flag!" kumbinsi sa kanya ni Jer.

"Hmm- medyo mataas pala yun aakyatin ko." sabi nya habang nakatanaw sa aakyatin kahoy.

"Kaya mo yan kuya!"pagpupumilit naman ni Casey. Hinawakan nya sa braso si Vlad.

"O magsipaghanda na po ang mga kalahok!" sigaw ng isang lalake na taga organize ng palaro.

Hinatak ng magkakapatid si Vlad patungo sa kahoy na aakyatin nya kahit di pa sya sigurado kung kaya nga nya.

"Are you sure kaya ko to'? Ulit nyang tanong kina Casey.

Sabay sabay tumango ang magkakapatid habang sina Yoshua at Jer hindi mapigilan sa pagtawa.

"Isa! Dalawa! AKYAT!" biglang sigaw ng lalake at nagsipagunahan ang bawat lalake na kalahok sa pag akyat. Hindi agad naintindihan ni Vlad kaya nahuli sya ng kaunti.

"GO KUYA VLAD! sigaw nina Casey at Angel.

Nauuna na ang dalawang lalake sa pag akyat habang si Vlad unti unting umuusad.

"Kuya! Kapit ka mabuti!!" Sigaw ni Andrew.

Narinig ni Vlad si Andrew at hinawakan nyang mabuti ang kahoy. Madali na syang nakakahabol sa dalawa.
Halos mag tatalon ang magkakapatid habang nanonood.

"GO KUYA VLAD!!sigaw  nila habang tumatalon.

Nagmadali si Vlad na humabol sa dalawa at nagpantay na ang mga distansya nila.

Nagsisigawan ang mga tao sa panonood at ang iba nakiki cheer na kay Vlad.

"Go! Go! Kuya Vlad! sigaw ulit ni Yoshua.

"Got it!!" sigaw ni Vlad pagkakuha sa flag.

Halos di magkamayaw sa tuwa ang mga tao. Sinalubong agad nila si Vlad pagkakababa nito. At niyakap sya ng mga bata.

"Ang galing mo Kuya!" bati ni Andrew at Jer.

"Yeah. That was close! Ang saya pala nito!! "sabi nya habang natatawa sa ginawa nya.

"Eto na po ang premyo nyo." sabi ng lalake na nag oorganize ng palaro.

Agad naman kinuha  ng mga bata ang sobre.

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon